[WARNING!!! Kung hindi niyo pa nababasa ang "A Dare to Remember" at may balak kayong basahin iyon, pero ayaw niyo ma-spoil.... WAG NIYO MUNA BASAHIN ITO. Pero kung wala naman kayong balak basahin iyon, o kung nabasa niyo na... Okay, gora!!!]
"Wala, wala. Kalimutan mo na yung sinabi ko. Weird lang talaga si Kupido. Sa sobrang kaweirduhan niya, may babaeng bigla na lang pumasok sa sistema ko."
Bakit ganoon niya ako kausapin? Bakit niya sinabi yung mga iyon? Yung taong hindi ko pinapansin... Siya ba iyon? Yung babaeng pumasok sa sistema niya... Ako ba iyon?
PERO MALI NA NAMAN PALA AKO. Bago ko pa nalaman na hindi siya si 'taong hindi ko napapansin' at hindi ako si 'babaeng pumasok sa sistema niya' eh nahulog na ako sa kanya.
Pero ayun nga, hindi naman pala ako yung babae'ng tinutukoy niya. At hindi ko pa rin alam kung sino yung tinutukoy niyang 'taong hindi ko napapansin' o kung mayroon ba talaga siyang tinutukoy nung sinabi niya iyon.
But one thing's for sure... Nag-eexist talaga yung babaeng pumasok sa sistema niya. Si Mae Dizon, ang ex-girlfriend niya.
"Oh, malungkot ka na naman?"
"Oo. At eepal ka na naman?" pasinghal kong sabi sa kanya.
Dalawang linggo na ang nakalilipas nung maging sina Vinz at Mae ulit. Ang weird nga, dahil kung umasta si Vinz parang hindi niya kilala si Mae. Ang alam ko, bigla na lang silang naghiwalay nung isang taon, pero hindi ko lang alam kung bakit sila naghiwalay.
Pero sa ngayon, ayoko na lang sila intindihin. Nalulungkot na naman kasi ako. Pakiramdam ko kasi, umaasa pa rin ako. Na sana siya na lang yung tinutukoy niyang tao na hindi ko pinapansin.
Ang feelingera ko naman kasi.
"Mabuti naman at alam mo" sabi ba naman nung asungot sa akin.
"Anong sabi mo?" tanong ko sa kanya habang tinataasan siya ng kaliwang kilay.
"Buti kako alam mo na feeler ka" ani niya at sumandal na naman sa pader ng klasrum namin. Palagi niya na kasing ginagawa iyon, akala naman niya ikinagwapo niya yung pose na iyon.
Kainis. Mukhang nasabi ko na naman ng malakas yung nasa isip ko. Kung hindi ko maaalis ang habit na ito, mapapahamak ako.
Tapos na ang klase, pero ito at nakatambay na naman dito itong asungot na ito. Ewan ko ba rito, palagi na lang nandito para asarin ako tuwing brokenhearted ako.
"Kasalanan 'to ng mga kaibigan mo, eh!!!"
Oo, kasali sa Braders itong mokong na kausap ko.
"Sus, sino bang mahilig sa fishball? Ikaw ang pumiling manuhog ng magkakaibigan. Tell me, sinong isusunod mo sa'min? Si Kenneth? Si Nicoll? O si Martin? Ah, baka naman si Kevin? Imposible naman kasing si Kenny."
Konting-konti na lang at sasapakin ko na talaga ito.
"So, bale kailan pala ang turn ko- Augh!!! Aray ko! Masakit 'yon ah?!" daing niya nung hindi ko na napigilang batukan siya.
"Dahan-dahan ka sa mga sinasabi mo! Wala na 'kong balak magkagusto sa kahit sa sino sa barkada niyo!!! Sumpa kayo sa lovelife ko! Tsaka kung magkakagusto man ulit ako sa isa sa inyo, asa ka pa na isa ka sa posibleng pagpipilian ko!!!"
"Bakit hindi, eh ako kaya pinaka-gwapo sa'min!!!"
Nagpeke ako ng halakhak sa sinabi niya.
"Joke ka ba?" sarkastiko kong tanong. "Gwapo? Saan banda? Diyan sa blonde mong buhok? Eh mukha ka ngang aso! Tsaka tingnan mo nga 'yang pormahan mo, payat-payat mo mas mukha ka pang babae sa'ken!"
BINABASA MO ANG
13 Letters to Remember
Romance"May dalawampu't anim na letra sa alpabeto. Pero labing-tatlo lang ang tatandaan mo." 13 Letters to Remember written by CheckyesImJuliet Ang kwento ni Nicka Mendoza at ng asungot sa 🐢buhay niya.