Ten

32 5 2
                                    

"Alam naman namin na kaya ka nandito kasi hinihintay mo yung maghahatid sa'yo" sabi ni Kenny habang kinukuha yung bag ko.

Inabot niya iyon kay Tyron, na hindi pa rin nagsasalita. Wala ni isa sa amin ang nagsalita pagkatapos nun. Nagkakatinginan lang sina Kenny at Anilex. Hindi ako mapakali, hindi ko alam kung saan itutuon yung tingin.

Pero kasi, kahit saan ako tumingin nararamdaman ko pa rin na nakatingin siya sa akin mula pa kanina.

"Halika na, iuuwi na kita."

Gusto kong manlaban, pero tinatamad ako kaya susunod na lang ako.

"Kaya ko naman umuwi, eh" sabi ko doon sa dalawa nung ihatid na nila kami sa gate nila Anilex.

"Oh hijo, uuwi ka na agad?" sabi ni tita na mukhang kagagaling lang sa tindahan. "Hindi ka man lang ba kakain?"

"Hindi na po tita, salamat na lang po. Sinundo ko lang po si Nicka" sabi niya kay tita.

Nagpaalam na kami sa kanila, at nagsimulang maglakad.

"Akin na, kaya ko nam-"

Sinubukan kong agawin yung bag ko sa kanya pero tinaboy niya yung kamay ko.

"Baka ito na yung huling araw na maihatid kita, kaya hayaan mo na ako" sabi niya nang hindi pa rin ako tinitingnan.

Bakit ganun, bakit ang lungkot sa pakiramdam?

"Simula bukas, siya na ang magbubuhat ng bag mo. Kaya kung ako sa'yo wag mo nang dalhin yung mga bagay na sinasadya mong dalhin para mabigatan ako."

Paano niya nalaman iyon?

"Bukas din, simulan mo nang palaging magload. Hindi lahat ng lalaki mage-effort na tawagan ka ng tawagan. Baka mas sanay siyang makipagtext."

"Bakit, ikaw naman ang-"

"Simula rin bukas, magdala ka na ng sarili mong panyo. Baka kasi isang panyo lang ang dinadala lagi nun, tutal iyon naman ang normal."

Siya naman ang nagkukusang magdala ng panyo para sa akin, ah! Tss, reklamador!

"Tsaka simula bukas, sanayin mo nang gamitin 'yang utak mo. Kasi baka-"

"Sandali nga" singit ko sa kanya, at hinila siya papunta sa waiting shed. Umupo ako doon, at sumunod naman siyang umupo sa tabi ko. "Bakit ba kung makapag-salita ka, parang hindi na tayo magkakasama."

"Simula bukas, may boyfriend ka na. At tingin mo ba magugustuhan niya kung may aaligid-aligid sa'yong lalaki?"

"Aaligid?! Alam naman niyang magkaibigan tayo, kaya for sure okay lang iyon-"

"Sa akin hindi okay 'yon!" mahina pero pasigaw niyang sabi sa akin. "Kung ako ang boyfriend mo, hindi ko hahayaan na nakaaligid sa'yo yung lalaki'ng may gusto sa'yo."

Hindi ko naintindihan yung sinabi niya, napatingin kasi ako sa mukha niya. Ngayon ko lang napansin na may pantal sa pisngi niya.

Nung nakina Anilex na lang din ako, nung maalala ko na may singsing akong suot.

Wala sa isip na hinawakan ko yung pisngi niya. Napapikit yung isang mata niya nung mahawakan ko yung pantal niya.

Grabe, gaano kaya kalakas yung pagkaka-sampal ko sa kanya?

"Sorry na... Sorry talaga, hindi ko naman sinasadya, eh? Nabigla lang talaga-"

Napatigil ako sa pagsasalita nung mabasa yung kamay ko na nakahawak sa pisngi niya.

"Uy, ba-bakit ka umiiyak?" tanong ko sa kanya. Pero imbis na sumagot, bigla niyang hinila yung braso ko at saka yumakap sa akin.

Napasubsob ako sa leeg niya, habang naramdaman ko namang ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko.

"Ngayong nakahanap ka na ng lalaki'ng pasok sa standards mo... Wala na akong kwenta sa'yo."

Sinubukan kong bumitiw sa yakap niya nang masapok ko siya, pero masyadong mahigpit yung pagkakayakap niya sa akin.

Walang manners itong lalaki na ito. Nakikinig sa usapan nang may usapan.

"Magkakaboyfriend lang naman ako, hindi naman ako mag-aasawa ng foreigner, mangigibang-bansa para magpakasasa. Hindi naman ako makikipagtanan, bakit ba ang lungkot-lungkot mo diyan. Abnormal ka ba?"

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin, saka bumungisngis.

"Hindi ko kasi akalaing makakahanap ka talaga nung Mr. Perfect mo. Sa ugali mong 'yan, may magkakagusto pala sa'yo."

Nagtapos ang dramahan namin at nauwi sa bugbugan. Hanggang sa maihatid niya na ako sa bahay.

KINABUKASAN...

"Pag ako ang nanalo, hindi mo siya sasagutin ah?"

Tingnan mo itong mokong na ito. Kagabi, parang tapos na yung usapan namin tungkol dito. Pero ito na naman siya.

"Bakit ko naman gagawin 'yon?! Napag-usapan na natin 'to kagabi 'di ba?" sabi ko sa kanya, habang inaayos ang buhok niya.

"Sus, natatakot ka ba na matalo ko yung Ridgel na 'yon? Natatakot ka, kasi alam mo naman sa sarili mo na mas gwapo ako sa kanya?"

Tingnan mo talaga itong asungot na ito. Kung makapag-drama siya kagabi, para siyang tatay na ikakasal na ang anak na babae. Kung makapag-habilin siya parang pinapalaya niya na ako, pero ito na naman sa pag-aamok niya.

"Alam mo, asungot ka pa rin talaga eh! Mananalo si Ridgel 'no! 'Wag kang masyadong maghangin, baka mamaya mangulelat ka!"

"Tingnan natin, basta pag natalo siya hindi mo siya pwedeng sagutin."

"Ayo-"

Hindi ko na naituloy yung pagtutol ko dahil umalis na siya agad. Asungot talaga, pero in all fairness... Ang gwapo niya nga ngayon.

Sa totoo lang, gwapo naman talaga yung asungot na iyon. Ang bango-bango niya rin. Hindi lang talaga halata kadalasan.

Pero nasaan kaya si Ridgel? Gusto ko siyang i-goodluck man lang. Tsaka sasabihin ko sa kanya na may mahalaga akong sasabihin pagkatapos ng pageant.

Pero syempre hindi ko sasabihin kung ano, para masurpresa siya.

"Nicka!"

"Oh, Kenny?"

"Ano pa bang ginagawa mo diyan? Dito ka lang ba sa backstage? Hindi ka manonood? Magsisimula na yung program!!!"

"Oo na, taeng-tae ka naman diyan. Kakausapin ko lang saglit si Ridgel. Mauna ka na doon, susunod na lang ako" sabi ko sa kanya at hinanap na so Ridgel.

Puro stylist na lang yung nandito sa backstage. Kaya lalabas na sana ako, pero parang may nahagip yung paningin ko banda doon sa likod nung mga damit na nakasabit.

"Galingan mo babe, ha?"

"Oo, para sa'yo."

Ri-Ridgel?

"Happy birthday nga pala, babe" sabi nung babae saka siya dinampian sa pisngi.

"Date tayo after ng pageant okay?" sabi ni Ridgel sa kanya.

"Eh paano si Nicka?"

"Hayaan mo na 'yon. Aamin naman na daw yung kaibigan ni Rogers, eh?" sagot ni Ridgel.

"Sino ba kasi yung Rogers na 'yon?! Tsaka bakit ka niya inutusan na kunwaring ligawan si Nicka?"

Sinong Rogers? Anong kunwaring ligawan?!

13 Letters to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon