March 18
University Ball.
Nalulungkot ako nitong mga nakaraan. Ilang beses ko kasing nakita na kasa-kasama ni Tyron yung burger girl na iyon! Nag-iinit talaga ako sa tuwing makikita ko sila. Pag naiisip ko kasing may ibang babae siyang pepestihin, gusto kong magtimpla ng pesticides at ibuhos sa kanya.
Nung tinanong ko si Kenny tungkol sa burger girl na iyon, sabi niya bagong nililigawan daw ni Tyron.
Ayoko pa dapat maniwala, kasi nga mahilig sa ganitong keme-keme si Kenny. Tsaka imposibleng ipagpalit agad ako nung asungot na iyon.
Pero kasi, masyado kong nasaktan si Tyron. At kung nahulog ako sa kanya lalo dahil siya yung nandoon nung mga panahon na nasasaktan ako. Posible rin na mahulog siya sa babae'ng kasama niya sa mga panahon na nasasaktan siya.
Kaya naghanda akong mabuti para sa gabing ito. Naghanda ako ng "Oplan Tyron, bumalik ka na sa'kin."
Hindi man perpekto, pero sisiguraduhin kong totoo lahat ng mangyayari ngayong gabi.
Sinigurado kong, walang magiging problema kaya ipinaalam ko lahat ito sa faculty.
Kaya habang kumakain na ang mga estudyante, pumwesto na ako sa gitna ng dance floor habang may hawak na mic.
"Ehem, ehem. Tyron? Hello, Tyron?" bungad ko na ikinaagaw naman ng atensyon ng mga estudyante. "Uh, Tyron... Andyan ka ba? Tyron Adonis, nakikita mo ba ako?"
Mula doon sa isang sulok, nakita ko siyang tinutulak-tulak ng Braders. Napahinga naman ako ng malalim.
"Hoy asungot!!!" sabi ko habang nakatingin sa kanya. "Tingin mo ba, ikaw lang may kayang gumawa nito?! Binabalaan kita. Ako lang ang liligawan mo! Ako lang!"
Nadala na siya ng Braders malapit sa akin. Siya naman, inaayos-ayos ang suit niya at naglalakad palapit sa'kin. Pero hindi niya ako tinitingnan.
"Ganyan nga, matuto kang bumalik sa amo mo" sabi ko pa, habang hawak pa rin ang mic. "Sa lahat nga pala ng nakakakilala kay Nomillyn, pakisabi sa kanya, na akin si Tyron. Nasaktan ko 'tong asungot na 'to. Pero binabawi ko na siya! Hindi ko maipapangako na hindi ko na siya masasaktan, pero hinding-hindi ko na siya bibitawan. Kaya wala ng pwedeng umagaw sa kanya. Try niyo kung gusto niyong mawalan ng mukha."
Nung sa wakas nasa harapan ko na siya, tinapat ko ulit sa bibig ko yung mikropono, "Maestro, music please."
Pinatay ko yung mikropono at pinagulong sa kung saan.
Ikinapit ko yung braso ko sa leeg niya. Wala ng hiya-hiya, hindi naman nakakabusog iyon. Masyadong mahabang panahon na ang sinayang ko.
"Ano ba 'to ha? Naalog na naman ba ang utak mo?" tanong niya, saka humawak sa bewang ko.
"Oo, kaya pasensya ka na ngayon lang ako natauhan."
"Dapat pala, ikaw na lang ang sinapak ko imbis na si Ridgel. Para natauhan ka na noon pa lang" biro niya.
Namiss kita. Sobra. Lahat-lahat, namiss ko. Yung mga biro mo, yung mga sarcasm mo, yung mukha mo, yung amoy mo-
"Sssh, marami tayong oras. 'Wag kang hapit."
Nanlaki ang mga mata ko. Nasabi ko na naman ba ng malakas yung nasa isip ko?
Tumango siya na para bang narinig na naman yung sinabi ko sa isip.
Napatingin ako sa paligid, abala naman ang lahat sa pagsasayaw, kaya mukhang wala namang nakarinig na iba. Kasi nakakahiya.
Bigla niya akong hinila sa bewang, tuloy mas malapit na ang mukha namin sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
13 Letters to Remember
Romance"May dalawampu't anim na letra sa alpabeto. Pero labing-tatlo lang ang tatandaan mo." 13 Letters to Remember written by CheckyesImJuliet Ang kwento ni Nicka Mendoza at ng asungot sa 🐢buhay niya.