Two

66 4 1
                                    

"Ka-chat ko na siya eh. Bigla lang inatake ng pagka-torpe."

Nagulat ako nung makita ko 'yung post na iyon.

Hindi ko alam kung mali ba na isipin kong ako 'yung ka-chat na tinutukoy niya sa post niya... Pero hindi ko mapigilang umasa.

"Omaygad!!!! Look Ani! Look!" naituro ko kay Anilex 'yung nakita kong post ni Khritian.

Sa totoo lang, bago pa man ako nakita ni Anilex nung gabi na iyon, nakita ko na siya pagdating ko sa computer shop. At nakita ko na nun, na ka-chat niya si Pillos. Pero hindi ko na lang masyadong binigyang-pansin.

Kaya nung oras na iyon, gusto kong makita yung reaksyon niya nung itinuro ko sa kanya yung post ni Khritian.

Kinabukasan, narinig ko sa mga kaklase kong bakla na may ensayo ulit sila Khritian ng sayaw nila. Sakto naman at walang klase nun dahil sa bagyo, kaya naisipan kong yayain sina Anilex at Kenny na manood. Gusto kong kumpirmahin kung totoo ang naiisip ko na may gusto nga si Anilex kay Khritian.

May nalaman kasi ako kay asungot, umaga nung araw na iyon.

Pero nung nakita ko na sila malapit sa canteen, napatunayan kong totoo yung hinala ko na may gusto rin si Anilex kay Khritian.

Papalapit na sana ako kina Kenny at Anilex nun, pero napahinto ako nung narinig kong banggitin ni Anilex yung pangalan ni Khritian.

"-Pillos kasi eh."

"Bakit na naman?" tanong ni Kenny.

"Tingin ko gusto niya si Nicka."

Gusto ako ni Khritian? Hah!

"Kasi kagabi, pinatamaan yata siya ni Pillos sa post niya... Gusto ko naman maging masaya para sa kanya, pero hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko... Siguro kasi, gusto ko talaga siya."

"Sino?" pag-singit ko sa pag-uusap nila. Nagi-guilty na kasi ako kung ipagpapatuloy ko pa yung pakikinig sa kanila nang hindi nila alam.

"Uy Nicka, nandito ka pala" pagsagip ni Kenny sa kaibigan niya, tulad ng parati niya nang ginagawa.

"Kakarating ko lang" pagsisinungaling ko. "Uuwi na ba kayo?"

"Hindi pa naman, bakit?" tanong ni Kenny.

"Samahan niyo muna ako? May practice sila Khritian ngayon, eh. Nood tayo?"

Nakahanda na sana akong hayaan sila kapag tumanggi sila. Pero nagulat ako dahil hindi sila tumanggi.

"Sige!"

Hindi ko alam kung paano ko iha-handle 'yung mga nalalaman ko nung mga oras na iyon. Halo-halo ang nararamdaman ko. Pero malaking parte ang nalulungkot ako at nasasaktan.

"Gosh! Tiningnan ako ni Khritian!!!" sinadya kong sabihin iyon kay Anilex habang nanunuod kami.

Titingnan ko kasi yung reaksyon niya. At mukhang hindi niya nagustuhan iyon.

Hay... Nasasaktan ko ang kaibigan ko... Ang hindi niya alam, siya naman talaga ang gusto ni Khritian. Siya naman talaga yung tinitignan ni Khritian at hindi ako.

"Ano, nagpapakatanga ka na naman diyan?" sabi nung asungot nung nilapitan niya ako.

"Ano, nagpapaka-asungot ka na naman diyan?" sagot ko naman sa kanya.

Hindi na ako sumabay ng pag-uwi kina Anilex. Naisipan ko muna kasing tumambay sa hi-way 54. Pero ito, at bubwisitin na naman ako nung asungot.

Umupo siya sa tabi ko.

"Sinabi ko naman sa'yo, hindi ikaw ang gusto niya. Alam mo ba na mamayang gabi, aamin na siya sa kaibigan mo?"

"Oo na nga, eh!" singhal ko sa kanya. "Alam ko na ngang si Anilex ang gusto niya eh! Kailangan pa, pinapamukha mo talaga sa'kin?"

Parang tanga naman kasi. Alam niya na ngang hindi maganda ang pakiramdam ko, nang-aasar pa ng ganito.

"Ayos lang ba sa'yo yung pwedeng mangyari mamaya?" tanong niya.

"S'yempre hindi ayos. Pero mahalaga din naman sa'kin na masaya yung kabigan ko... Mas mahalaga pa rin si Anilex sa'kin, kaysa kay Khritian."

Gusto nang tumulo ng mga luha ko, pero pinipigilan ko lang. Fail na naman...

Napatingala ako nung makita ko yung palad niya na nakalahad sa harapan ko.

"Kain tayo?" nakangiti niyang sabi.

"Tss. Asungot."

Iyon ang pangawala at pinaka-masakit na heartbreak na naramdaman ko.

Siguro dahil kaagaw ko sa taong gusto ko yung isa sa pinaka-matalik kong kaibiganl.

Pero tinanggap ko naman na iyon. Tumulong din ako nung sinorpresa nila si Anilex. At iyon din ang dahilan kung bakit ako nagkaroon ng bagong crush.

Si Vinz.

Nakasama ko siya nung birthday ni Anilex, nung araw na hinahanda na nila yung mga huling bagay na dapat ayusin para kay Anilex.

"Sabi ni Kenny, samahan daw muna kita" sabi niya at pagkatapos ay umupo siya sa tabi ko.

Nasa hi-way 54 lang ako nun, habang nasa Building C sila Kenny at ang Braders.

"Mukhang abalang-abala sila... Gusto ko sanang tumulong pero-"

"Ayos lang 'yan" putol niya sa sinasabi ko. "Natural lang masaktan pag may nararamdaman ka para sa isang tao."

Nagulat ako nun. Iyon kasi ang unang beses na magkakausap kami, na kaming dalawa lang.

"Alam mo. Weird talaga 'yan si kupido. Hinahayaan niyang magustuhan ng isang tao ang isa pang tao, kahit na hindi rin sila ang magkakatuluyan sa dulo. Hinahayaan niyang masaktan ka para sa isang taong may mahal na iba."

Hindi ako makatingin sa kanya. Alam kaya niya yung tungkol sa feelings ko para kay Khritian? Alam din ba ni Kenny?! O baka naman yung asungot ang nagsabi?!

"Ano sa tingin mo?" tanong niya bigla sa akin.

"Uh... Tingin ko, tama ka nga" sagot ko sa kanya. "Weird nga. Minsan din naman tinatanong ko kung bakit hindi ako gusto ng taong gusto ko. Kung bakit hindi ako napapansin nung taong gustong-gusto ko."

"Pero natanong mo na rin ba sa sarili mo, kung bakit hindi mo gusto yung taong nagkakagusto sa'yo? Kung bakit hindi mo napapansin yung taong gustong-gusto ka?"

Natigilan ako sa sinabi ni Vinz. At nung mahalata niya na hindi ko naintindihan yung sinasabi niya, tumawa siya nang bahagya.

"Wala, wala. Kalimutan mo na yung sinabi ko. Weird lang talaga si Kupido. Sa sobrang kaweirduhan niya, may babaeng bigla na lang pumasok sa sistema ko." Tumayo siya pagkasabi nun. "Halika ka na, mukhang tapos na sila."

At naglakad na papunta sa Building C.

Bakit ganoon niya ako kausapin? Bakit niya sinabi yung mga iyon? Yung taong hindi ko pinapansin... Siya ba iyon? Yung babaeng pumasok sa sistema niya... Ako ba iyon?

13 Letters to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon