Chapter 1

102 0 0
                                    

 Walang imik si Landon habang pinapanood ang kanyang mama na kasalukuyang binubuklat ang quarterly sales report na ipinasa ng kanilang accountant.   Naglalaman iyon ng kasalukuyang kalagayan ng perfume business na sa kanya na ipinamahala ng mga magulang, ang Royale Mountain Scents.  Napayuko si Landon at lalo nang hindi mapakali nang makita ang bahagyang pag-iling ng ina sa pagbuklat pa ng mga pahina ng ulat na iyon.

            “I can’t say that I am happy with these result, Landon,”  diretsang sabi ni Claudia sa anak.   Hindi naman makatingin ang binata sa ina.  “And I know na magiging ganito din ang reaction ng papa mo kapag nakita ito.”

            “I’m sorry, ma,”  tanging nasabi ni Landon at tumingin sa ina.  Bakas sa mukha nito ang bigat ng kalooban.

            Tumayo naman si Claudia, lumapit sa likod ng anak at ipinatong ang dalawang kamay sa magkabilang balikat nito.  “Don’t get me wrong anak.  Hindi ako galit sa ‘yo,” matapat na sabi nito.

            Hinaplos ni Landon ang kanang kamay ng ina na nasa kanyang balikat.  Ipinatong ang pisngi doon.            “Pasensiya na po,”  malungkot na sabi nito.

            “Anak, huwag mong isiping pine-pressure kita… Pero parang ganoon na nga,” bahagya pa itong natawa at ginulo ang buhok ng bunsong anak.  Isang pilit na ngiti naman ang kumawala mula sa labi ng binata.  Pumuwesto naman ang ginang sa upuang katapat ng inuupuan ng anak.

            “Anak, I know this is hard on you,” umpisa nito.  “At nakikita ko naman kung paano kang nagsisikap to handle the business.  I want you know that I and your papa appreciate that.   Kung mayroon mang mga lapses, alam ko, dala lang iyon ng iyong kabaguhan. Nasa transistion period ka pa kasi ngayon.”

            Napabunting-hininga si Landon.

            “I know you can do better.  Marami ka pang puwedeng ihirit.  If I am putting pressure on you, dahil alam kong kayang-kaya mo ‘yan.  I know that you can do better… more than what I and your papa expect from you,” pagpapalakas ni Claudia sa kalooban ng anak.

            “Salamat ‘Ma,” nasabi na lang ni Landon.  Kilala naman niya ang kanyang mama.  Sa lahat ng pagkakataon,  handa itong unawain siya.   Pero siyempre, nangibabaw din ang hiya sa kanyang kalooban.  He is not a young boy or a teener anymore.  Sa ganitong punto, dapat maabot niya ang expectation sa kanya ng kanyang mga magulang.  At kung pupuwedeng higitan pa niya iyon, gagawin niya.  Kung pinupursige man siya ng mga ito, alam niyang sa ikabubuti na din niya.  Sapat ang gabay at tiwala ng mga ito sa kanya para ngayon pa lang ay magkaroon siya ng matibay na pundasyon para sa kanyang hinaharap.  Naipangako niya sa sariling sa awa at tulong ng Dios, pagsisikapan niyang itaguyod ang Royale Mountain Scents.  Hindi lamang para sa kanyang mga magulang, kundi para na rin sa kanyang sarili.

            Pero sa ngayon, malinaw ang katotohanan.  Bumaba ang sales nila sa kasalukuyang quarter at marami siyang kailangang ayusin at harapin para maisulong pa ang negosyo. 

Kinausap din niya ang kanyang papa patungkol sa sales report na iyon, at kagaya ng kanyang mama, naunawa naman nito ang kanyang kabaguhan sa business na ‘yon.  At ‘yon ang mas nagpapabigat sa kalooban ni Landon.  Nahihiya siya sa kanyang mga magulang.  Dahil sa kabila ng kanyang mga pagkukulang, inuunawa pa rin siya ng mga ito.  Handa pa din itong alalayan siya. 

Pagkatapos ay nagpaalam na siya para pumasok sa opisina, dala-dala sa kalooban ang hamong dapat niyang harapin ukol sa negosyo.

WALA pang isang taon buhat nang makatapos sa kursong  BS Business Administration si Landon sa isang kilalang university sa Quezon City.  Nang makapagtapos, ipinasiya niyang mag-bakasyon at mag-relax muna kahit isang buwan bago sumabak sa paghahanapbuhay.  Bagay na pinagbigyan naman ng kanyang mga magulang.  Natapat naman na nag-anyaya ang isang pinsan niyang may bahay sa Canada at doon na nagtatrabaho kung kaya’t doon niya ginugol ang itinakdang bakasyon kasama ang isa pang pinsan.  

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon