Chapter 5

30 0 0
                                    

“How’s the business, iho,” tanong ni Tito Jim sa pamangking si Landon na muling dumalaw sa kanya.  Kasalukuyan silang nasa opisina ng matanda.

“I’m glad na nagiging maganda po ang takbo.  Mayroon na din pongmga umoorder sa amin sa mga ipinkilala n’yo.  Salamat, tito.  Dahil sa mga tulong mo,  gumaganda ang result ng business namin.”

“Ang dami mo ding effort, Landon.  Nakita ko ‘yon.  Kaya maganda talaga ang kinalabasan nito,” sagot namn ni Tito Jim.  “Just in case, you need some help, tell me lang.”

‘Yun nga tito, about dun sa nabanggit ko yesterday, nung tumawag ako sa inyo.  I’ll be needing a temporary office and a place to stay dito sa city, just in case na may mga clients na mag-iinquire, masyado malayo pa para sa kanila ‘yung oofice sa Bulacan.”

“Yes.  At gaya ng sinabi ko sa iyo, you can occupy the vacant room dito.  Mukhang para sa ‘yo talaga ‘yon, kaya matagal na bakante.” Nagkatawanan pa ang dalawa.  “Konting gamit na alng siguro ‘yung kailangan bilhin para naman mas maging presentable siya.  Pwedeng-pwede na ‘yon namaging office mo dito.”

“One more thing tito, I might be needing an assistant here sa city.  Si Aubrey kasi is pregnant sa ngayon.”  Ang secretary nito ang tinutukoy.  “Magiging mahirap sa kanya na magbiahe-biahe and besides kung pupunta siya dito, may mga trabaho din siyang maiiwan sa office sa Bulacan.  Kahit siguro part-timer lang tito.  Hindi din naman ako araw-araw nandito sa office, e.  Kapag may mga appointments lang siguro, saka ilang lakad.”

Natigil ang pag-uusap ng dalawa nang may kumatok sa pinto.   Ang secretary ni tito Jim.  Nasa labas daw si Abby.

“Sige papasukin mo.”  Pagkatapos ay bumaling kay Landon.  “I think I have an answer to that problem,” nakangiti pang sabi nito.  “Tumawag sa akin si abby because kailangan na niyang mag-OJT.  And I think, tamang-tama ‘di ba?  Sabimo nga part-timer lang.”

Hindi nakaimik si Landon sa sinabi ng tito.  Naisip niya kung papayag kaya ang dalaga.

“Come in, Abby, join us,”  anyaya ni Tito Jim at inalok ang bakanteng pwesto sa tabi ni Landon.   NAsa receiving room sila sa office ni Tito Jim. Naupo naman ang dalaga matapos ngumiti sa dalawang kaharap.

“Abby, Landon needs help sa temporay office niya dito sa city, at ‘yun ay d’yan lang sa kabilang silid.  And since you are looking for an office for your OJT, I might suggest na it is better yata if you will work with Landon na lang.”

Halatang nagulat ang dalaga.  Pero hindi na rin nakatutol sa matanda.  Siya nga naman kasi ang lumapit dito para magpahanap ng office for her OJT tapos ngayong and’yan na, tatanggi siya.  Baka isipin nito ay namimili pa siya.

“Since si Landon ang magiging boss mo, I know na ma-e-expose ka din sa field ng Marketing, lalo na at bago pa lang ang kanyang products.  Kailangan ng maraming promotions at marketing strategies.” 

Wala nang magawa si Abby kundi ang tumango na lang.

‘Hay.. para naman makakatanggi pa ako,’ nasabi na lang ni Abby sa sarili.

“And Landon, since you know na nag-aaral si Abby, I think makakapag-usap na kayo sa mga schedules, parra naman hindi apektado ‘yung mga pasok niya.”

“Yes, tito,” sagot naman ng lalaki. 

“So, mas ok ‘yan Abby, alam kong pagpapataanan ka naman ng pamangkin ko. And Landon, at least hindi na ibang tao ‘yung kasama mo sa trabaho ‘di ba.  I hope that the two of you will work very well.”

Nagkatingin na lang ang dalawa at sabay na tumango kay Tito Jim.

Muli namang kumatok ang secretary ng matanda.  “May dumating po, si Trixie po, and she is looking for Sir Landon,”  sabi nito.

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon