Maayos at naging matagumpay ang back-to-school apparel launching ng Verano’s. Maganda ang feedback ng mga tao sa kanilang mga collections.
Siyempre, hindi naman nagpahuli ang Royale Mountain Scents ni Landon. Bilang pagpapakilala sa produkto ay ipinakita din ang ilang mga modelong nag-i-spray ng mga perfumes at cologne habang rumarampa. Maganda ang naging pagtanggap ng audience sa product. Nangako din ang ilang mga business partners ni Tito Jim na kukuha na din ng produkto kay Landon.
Ilang mga columnists din ng mga kilalang fashion magazines at lifestyle sections ng mga broadsheets ang lumapit hindi lang kay Tito Jim at Ella kundi maging kay Landon. Malaking tulong ito para mai-promote ang kaniyang mga produkto. At makilala na din si Landon bilang general manager ng kompanyang namana sa mga magulang.
Hindi din magkandaugaga ang secretary ni Landon, ang pinsang nitong si Aubrey sa pagkuha ng mga calling cards at pagbibigay din ng calling cards sa mga magiging business partners nila. Namigay din sila ng mga testers ng iba’t ibang scents ng kanilang products.
May nakahanda ding snacks sa mga bisita dahil gabi na din natapos ang event.
Nakaupo lang ang mag-amang Jim at Ella nang unti-unti nang makaalis na ang mga reporters at inanyayahan na ang mga models na mag-merienda. Present din si Brandon at Lea, ang kuya at ate ni Landon kasama ang kanilang mga asawa. Proud na proud para sa bunsong kapatid. Kung wala nga lang sakit ang papa ni Landon, malamang na nandoon din ito at ang kanyang mama. Pero hirap pa kasing magbiahe ang matandang lalaki. Nagpaiwan na din ang kanyang mama para samahan ang asawa at sa bahay na din pinatulog ang mga apo para makapunta ang mga anak at manugang sa event.
Inantabayanan muna nila si Landon para sabay-sabay na silang kumain na kasalukuyang kausap pa din ng isang columnist. Natutuwa din sila sa positive outcome ng kanilang collaboration. Alam niya kasing sa puntong ito ay makatutulong siya sa paboritong pinsan na natigil lang sa pagtatrabaho nang maaksidente.
“Bakit wala pa si Abby?” napansin ni Tito Jim. “Umalis na ba siya? ‘Di pa kumakain ‘yon ah.”
Nakita na kasi ng mag-ama ang halos lahat ng modelo na kumakain, ang iba nga ay nagpaalam na, pero hindi pa niya nakikita ang dalaga.
“Papasukin n’yo dito si Abby para makapag-merienda, ha,” bilin ni Ella sa mga papaalis na ding modelo.
Na-curious din ang magkapatid na Brandon at Lea kung sino ang Abby na ‘yon at sa lahat yata ng mga modelo ay ito lang ang hinanap at hinihintay ng tito at pinsan.
Nagulat naman ang magkakamag-anak sa paglapit ng isang pamilyar na mukha sa kanila. Kilalang-kilala din nila ang malambing na boses nito.
“Hello, Tito Jim,” bati nito sa matanda, sabay halik sa pisngi nito. “Hi, Ella,” bati naman nito sa dalaga at bukod sa halik sa pisngi ay yumakap pa dito.
“Trixie!” gulat at sabay na wika ng mag-ama. Si Trixie ang babaeng alam nilang buntot nang buntot kay Landon dati!
Halata ding nagulat ang magkapatid na Brandon at Lea. Ngumiti ito sa panganay na Montreal at yumakap at humalik naman kay Leah.
“I’m sure na nagulat kayo. Kauuwi ko lang galing States. And I read from a news na may launching kayo kaya pumunta ako, although wala naman akong invitation, tinulungan akong makapasok kanina ng isa sa mga models n’yo.”
BINABASA MO ANG
Maling Akala
RomanceExact opposite ng tunay na ugali ni Abby ang naging first impression sa kanya ni Landon- gold digger, social climber at liberated. Dahil sa inis ni Abby sa unang pagkakataong nagkita sila ng binatang businessman, she pretends to have those personal...