Nang sumunod na nag-report siya ulit sa office, wala pa ang binata na dating lagi naman niyang nadaratnan kapag dumarating siya. Nasa taaas pa daw, sabi ng secretay ni Tito Jim. Inumpisahan na niyang gawin ang ilang mga reports na kailangang ihanda. Pati ang mga bagay na hinihingi ni Landon ang mga suggestions niya. Ini-recall ang mga minutes ng meeting ng mga tauhan sa planta sa probinsiya. Nagsimulang i-type sa computer ang mga reports na dapat tapusin.
Narinig niya ang pagbukas ng pinto sa kanyang likod. Dumating na ang binata. Hinintay niyang ito ang unang bumati bago siya lumingon dito.
“Good morning,” pormal na bati nito. Hindi kagaya nang dating nakagawian na umaga pa lang ay biro na agad ang isinasalubong sa kanya.
“Good morning,” sagot lang niya at bahagyang ngumiti. Pagkatapos ay itinuloy na niya ang ginagawa nang makitang seryoso itong naupo na sa upuan sa harap ng sariling desk.
“Please prepare the reports na ipinahahanda ko sa ‘yo last Monday sa planta,” utos nito.
“Ok po,” magalang niyang sagot. Sa pagkaasiwa dito ay tila gusto niyang tawaging sir kahit hindi naman niya nakasanayan. Kapag sila-sila lang sa opisina, sa pangalan lang ang tawagan nila. Pero kapag sa mga lakad at may kaharap silang mga tao gaya ng mga clients at mga businessmen, sir ang tawag niya dito.
“Please check these print-outs, parang hindi ito ‘yung lay out na kailangan kong i-check.”
Lumapit siya sa binata. Kinuha ang folder na naglalaman ng tinutukoy ng binata. May bago kasing lay-out ng perfume bottle label na inihanda ang isa sa mga artist ng company. Nang i-check niya, ‘yung draft lang pala ang nai-print niya at hindi ang final lay-out nito.
“Please double-check your work,” pormal na sabi nito.
“Ok po, sorry po sir,” napadiin na ang bitiw niya sa salitang sir. Naasiwa kasi siya sa pagiging masungit ng kausap. At sa totoo lang, parang gusto na niyang patulan ang kaharap. Naiinis siya dito. Siya itong gagawa-gawa ng ikaasiwa namin tapos siya pa itong masungit ngayon. Akala mo kung sino.
Pero sa totoo lang, nahihirapan si Abby sa inaakto ng binata. Na parang ang layo-layo nito at hindi siya pinapansin. Gusto n’yang magdabog. Gusto n’yang sumigaw sa inis sa kaharap. Pinili na lang niyang lumabas muna ng opisina. Ni hindi nagpaalam sa binata.
Nang sumara ang pinto, noon lamang natauhan si Landon sa ginagawa. ‘Ano ba. I hate it. I hate what I am doing,’ sabi niya sa sarili. ‘Hindi kami dapat maasiwa sa isa’t isa. Kailangang kumilos pa din kami nang normal. ‘Yung kagaya ng dati. ‘Yung parang walang nangyari. Hindi ba ‘yon ang plano ko kanina?
Si Abby naman, nagpasyang bumaba muna sa lobby ng building. Maglakad-lakad lang o kaya ay makakausap ng ibang tao muna. Naiinis siya sa inaakto ng binata. Gusto lang niyang pakalmahain ang sarili. ‘Ang hirap pala kapag ganoon ang atmosphere sa pagitan naming dalawa. Hindi yata ako tatagal. Magsa-suffer pati ang mga ginagawa naming trabaho together. Dapat hindi ganito. Dapat I should show him na relax lang ako ng pakikitungo sa kanya. Ayokong magbago ang treatment namin sa isa’t isa. Pagbalik ko mamaya, I’ll try to be relax as I can,’ pangako niya sa sarili.
Doon naman niya nakasalubong si Tito Jim.
“Good morning Tito Jim,” bati niya dito.
“Hey, what are you doing here, iha? Where is Landon?” tanong nito sa kanaya.
“Nasa office po tito,” magalang na sagot niya.
“I think we better go sa office niya ngayon na,” sabi nito na nagmamadali.
BINABASA MO ANG
Maling Akala
RomansExact opposite ng tunay na ugali ni Abby ang naging first impression sa kanya ni Landon- gold digger, social climber at liberated. Dahil sa inis ni Abby sa unang pagkakataong nagkita sila ng binatang businessman, she pretends to have those personal...