Chapter 9

40 1 0
                                    

Bagama’t napuyat, maaga pa ding nagising si Abby kinabukasan.  Nakatakda siyang pumasok sa opisina.   Excited siyang gumayak pero hindi niya alam kung paano ang gagawing approach sa binata kapag nagkita sila nito mamaya.

            Bago siya pumasok, dumaan siya sa isang convenience store.  Naalala niya kasi ang isang brand ng imported milk chocolate na sinabi ni Landon na paborito nito.  Noon daw kasing bata pa siya, gustong-gusto niya ang chocolate na ‘yon.  Bihira lang niyang matikman dahil kapag lumuluwas lang sa Manila ang mga magulang saka siya nauuwian nito.  Para sa binata, may healing power ata ang chocolate na ‘yon.  Kapag malungkot siya, napapagaan ang loob niya.  Kapag masaya siya, parang that is his way to treat his self.  Ang mag-indulge sa paboritong chocolate bar.

            Bumili siya ng malaking chocolate bar.  Naisip niyang iyon ang ibigay bilang peace offering kay Landon. ibibigy sa binata.  Kumuha din siya ng malliit na papel at sinulatan ito. 

‘Thanks…. May you have a nice day ahead.  ;-)…’ 

Iyon ang inilagay niyang mensahe na idinikit sa chocolate bar.   Nakangiting isinilid niya ‘yon sa bag at naglakad na ulit papunta sa opisina. 

            Pero hindi niya inaasahan ang susunod na eksenang nakita.  Papatawid na sana siya nang matanaw sa isang kalapit na breakfast nook si Landon.  Glass kasi ang pinaka wall ng kainan kung kaya’t napansin niya ang binata.  Alam niyang hindi siya namamalikmata lang.   Si Landon nga ‘yon.  At babae ang kasalo nitong kumakain.  Kinabahan si Abby.  At hindi nga mali ang duda niya.  Si Trixe ang kasama nito. 

Ang nakita niya ay nakayuko si Trixie.  Nasa tapat nito si Landon na halatang inaalo ang babae.  Halatang umiiyak si Trixie dahil nagpapahid ito ng tissue sa gilid ng mata.  Mukha naming natuliro at nag-alala si Landon.  Lumipat ito ng pwesto at tinabihan ang babae.  Hinagod pa ang likod.  Ang huli niyang nakita, yumakap pa si Trixie sa binata. 

            Minabuti niyang talikuran na lang ang eksena.  Nang sumunod na huminto na ang mga sasakyan, agad na siyang tumawid, mabilis na lumakad patungo sa building ng Verano’s.  Halos hindi nga niya napansin ang mga taong nandoon.   Tuluy-tuloy na pumasok sa opisina.  Ibinagsak ang katawan sa sofa doon.  Naiiyak sa nararamdamang magkakahalong inis, selos at sakit.  Ngayon lang niya naramdaman ‘yon sa buong buhay niya.

            ‘Bakit ganoon siya?  Kagabi ako ‘yung hinalikan niya tapos ngayon,  iba naman ang kayakap niya.  At bakit siya nakikipagkita doon?  Akala ko ba iniiwasan na niya si Trix?  Bakit nagde-date pa sila?’  himutok ni Abby sa sarili.  Nag-uumpisa nang tumulo ang luha sa kanyang mga mata.

Binuklat niya ang bag para kunin ang panyo doon.  Nakita ang chocolate bar na binili para sa binata.  Naiinis na dinampot ‘yon.  Padabog na tumayo at itinapon ang chocolate bar sa basurahan sa opisina. Humarap sa bintana at doon itinuloy ang tahimik na pagluha. 

            ‘I hate you!  Ang gulo-gulo mo.  Sinasaktan  mo ako!’  galit na sabi niya sa binata.  ‘Buwisit ka!  Naguguluhan ako sa ‘yo.  Anong ginagawa mo sa akin? ‘Di naman ako dating ganito.’

            Matapos ilabas ang nararamdaman ay iniayos na niya ulit ang sarili.  Ayaw naman niyang datnan siya ng binata o ni Ella at tito Jim na ganoon ang itsura.  Uminom siya ng tubig para payapain ang kalooban.  Pinahiran na muli ang mukha ng pulbos at sinigurong walang maiiwang bakas nang ginawang pag-iyak.  Naupo sa kanyang desk at inilabas na ang mga bagay na dapat gawin.  Pero hindi siya makapag-concentrate sa ginagawa.  Panay ang tingin niya sa pinto pero hindi pa din dumarating pa ang binata. 

‘Mukhang natagalan pa sila. Saan naman kaya nagpunta ‘yun?’  naiinis na nasabi na lang niya sa sarili.  Lalong lumalim ang selos at pagdududang nararamdaman.

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon