“You can come sa isa naming fashion show para you can have an idea kung paano ang ginagawa namin at kung saang parte natin isisingit ang product launch mo. At pwede din kitang ipakilala sa ilang mga tao na pupuwedeng makatulong sa ‘yo in terms of selling your product. Iba pa din kasi kapag may kapit ka. Kailangang lumawak ang network mo.”
Ito ang isa sa mga suggestions kay Landon ng kanyang tito nang tawagan niya ito ilang araw matapos siyang mangggaling sa opisina nito.
So here he is. Hindi man niya masyadong gusto ang ganitong atmosphere at ambience, nakikihalubilo sa mga elitista at socialites sa mundong ginagalawan ng kanyang tito at pinsan.
Kahuntahan niya kanina ang pinsang si Ella. Sophisticated at sosyal man ang dating nito, nananatili pa ding mababang loob. Ipinagmamalaki ang mga creations niya na irarampa ng mga modelo mamaya.
Ilang mga kilalang tao at businessmen na rin ang nakausap niya na interesado sa kanyang mga produkto. Naniniwala si Landon na kailangan niyang makasanayan ang pakikihalubilo pa sa mga tao para na rin mapaunlad ang business na hawak niya.
This is a part of it. Kaya siya nandito ngayon. Tutal ay nagtiwala sa kanya ang mga magulang, kaya ka-career-rin na niya ito ‘ika nga. And he is beginning to like it. Nagkakaroon siya ng mga bagong contacts for the business and who knows, this may create friendship din.
Bukod sa mga businessmen, ilang mga photographer at columnist din ng mga fashion magazines ang nakita niya sa lugar.
Ilang sandali pa ay pumailanlang na ang tinig ng voice-over announcer, pati ang music mula sa malalakas na speakers sa hall na nagsilbing hudyat ng pagsisimula na ng fashion show.
Isa-isa nang lumabas ang mga modelo habang inirarampa ang kanilang mga suot. Sa unang part ng palabas, ipinakita ang mga formal clothes. Sa saliw ng malamyos na music ay naglakad na ang mga modelo. Nang magpalakpakan ang audience, nakipalakpak na rin si Landon. Matapos ang group modelling, isa-isa nang rumampa ang modelo habang ibino-voice over naman ang full description ng kanilang mga suot na damit.
Muli niyang nakita ang dalagang nagngangalang Abby. Ang babaeng nakita niya sa office ng kanyang tito na inabutan nito ng sobre.
Sinundan niya ng tingin ang magandang dalaga. Paminsan-minsan ay nililinga din niya ang kanyang Tito Jim na kalapit lang niya ng inuupuan. Wala naman siyang napapansing kakaiba dito. Nakangiti ito at halatang proud habang pinapanood ang mga modelo. Lumalakas naman ang palakpak nito kapag ang pinsang si Ella na ang nasa runway.
Sa likod ng mahinhing kilos at galaw ni Abby sa saliw ng malamyos na musika ay tila nakakakita si Landon ng misteryong nakatago sa pagkatao nito.
Naiba naman ang tugtog mula sa speaker. Mula sa malamyos na saxophone ay napalitan ng upbeat music. Ang malamlam na ilaw ay ay napalitan ng mas makukulay at maliliwanag na lights. Pumasok naman ang ilang teen-ager na mga lalaki at babae at nagsayaw sa saliw ng street dance music na pumapailanlang sa buong hall. Sa pamamagitan ng ilang choreography ng mga mananayaw, ang telang backdrop kanina ay napalitan ng colorful prints and designs. Ang kaninang dim light at romantic setting ay napalitan ng masayang summer atmosphere.
Isa-isang lumabas na muli sa stage ang mga modelo suot ang iba’t ibang summer clothes. Masigla at nakangiti ang mga ito sa saliw ng masayang musika. Muli, nakailang palit ng damit ang mga modelo.
Sa huling part ng pagmomodelo ng mga summer clothes, magkakapareha nang lumakad sa runway ang mga lalaki at babaeng models. Partner-partner itong lumalakad hanggang sa makarating sa dulo ng runway, nagpo-pose, tatalikod at lalakad na muli pabalik sa main stage at susundan naman ng kasunod na pareha.

BINABASA MO ANG
Maling Akala
RomanceExact opposite ng tunay na ugali ni Abby ang naging first impression sa kanya ni Landon- gold digger, social climber at liberated. Dahil sa inis ni Abby sa unang pagkakataong nagkita sila ng binatang businessman, she pretends to have those personal...