Maganda din ang venue na napili para sa launching ng bagong designs ng kilalang brand ng denims and shirts. Maayos din ang naging flow ng program, lalo na ang mismong pagrampa ng mga modelo . Ang ilang mga modelo doon, namumukhaan ni Abby. Mga nakakasama niya noon sa ibang sideline sa pagmomodelo. Hindi lang din siguro siya napapansin ng mga ito dahil nang magsimula ang fashion show, madilim na ang lugar ng audience at nakatutok na sa stage ang mga ilaw.
Isa din sa mga modelong rumampa ay si Trixie. Hindi lang din alam ng dalawa kung alam nitong nandoon ang binatang Montreal. Seksing-sexy ito sa suot na body hugging tank top at stretchable mini-skirt na maong na halos isang dangkal lang yata ang haba.
“Nandito pala si Trix, ah,” bulong niya dito, sinabayan ng nanunuksong ngiti. Pero sa kalooban niya,unti-unti na namang bumabangon ang insecurities sa maganda at seksing dalaga.
Saka lang ginala ng binata ang mata sa mga modelo na nasa stage.
“Seksing-sexy at ang ganda niya ‘di ba?” sabi niya sa binata. Ang layunin ay inisin ito pero mukhang siya ang naiinis sa mismong ginagawa niya.
“Mas maganda at sexy ka d’yan. ‘Yun ang alam ko,” sagot naman ng binata. Hindi alam ni Abby kung compliment ba o consolation ang sinabi ng binata. Ramdam niya kasing hindi siya uubra sa pagiging sexy, sophisticated at glamorosa ng babaeng ‘karibal.’
‘Karibal? ‘Yun nga ba ang tamang itawag niya kay Trixie?’ tanong niya sa sarili. Sinubukan niyang itangging nagseselos siya sa babae, pero alam niyang sarili lang din niya ang niloloko niya sa isiping iyon.
Nang matapos na ang program, nagsalita ang company owner. Nagpasalamat sa mga nakapunta. Isa-isang tinawag sa stage ang mga pangalan ng mga inimbitahang businessmen at celebrity. Sa pag-akyat sa stage, sinasalubong ito ng mga modelong rumampa kanina. Kapag babae ang aakyat sa stage, lalaking modelo ang lumalapit. Kapag naman lalaki, babaeng modelo ang sasalubong para ihatid sa stage ang bisita at abutan ng souvenir na nasa gift bag. Iniisa-isa nang basahin ang mga pangalan ng bisita. Panlimang tinawag si Landon.
“May I present to you, the young and dashing Landon Montreal of Royale Mountain Scents.”
Pumanhik naman sa stage ang binata. Nagpalakpakan ang audience at ang mga modelo. Pumalakpak din si Abby. Proud na proud siya sa lalaking hinahangaan.
Pero agad na naalis ang ngiti sa kaniyang mga labi nang makitang si Trixie ang sumalubong dito. Suot pa din ang maikli at hapit na damit na inirampa kanina. Humalik pa ito sa pisngi ng binata. Parang nagkaroon tuloy ng tuksuhansa audience. Nangiti din ang company owner. Hindi ipinahalata ni Abby ang pagkukutkot ng kalooban. Naiinis siya sa dalaga. Masyadong showy. Naiinis din siya sa lalaki, hindi man lang umiwas. Pero nangangatwiran ang kabilang bahagi ng isip niya. ‘Hindi ba’t ganoon ka din kapag nasa stage? Hindi ba’t sa mga choreography sa modelling, ang hawak ng kamay, akbay o beso ay ordinary lang.’
Alam niyang nagseselos siya. Kaya hindi man dapat ay naiinis siya sa ginagawa ni Trixie sa binata.
Nang matapos ang programa, hindi agad bumalik sa pwesto nila ang binata. May ilan pang picture taking at may ilan ding magazine reporters na lumapit kay Landon. Ini-interview siguro para sa mga sasawing write-ups. Nanatili sa kinauupuan si Abby. Mula sa malayo ay pinanood niya ang kilos ni Landon. Ang paglapit dito ng company owner at iba pang mga businessmen na katulad ng binata ay bisita din sa event. Lalong hindi nakalampas sa tingin niya ang mga pagdikit-dikit ni Trixie at ang paghawak-hawak nito sa braso ng binata.
Nakaramdam ng panliliit si Abby. Doon niya na-realize kung gaanong magkaibang mundo ang ginagalawan nilang dalawa, lalo na ang agwat ng kanilang pamumuhay. Ang marami pang mga bagay na hindi niya dating iniintindi nang maging kaibigan ang binata. Pero ngayon ay hindi niya alam kung bakit parang napupuna niya lahat ‘yon.
BINABASA MO ANG
Maling Akala
RomanceExact opposite ng tunay na ugali ni Abby ang naging first impression sa kanya ni Landon- gold digger, social climber at liberated. Dahil sa inis ni Abby sa unang pagkakataong nagkita sila ng binatang businessman, she pretends to have those personal...