Chapter 6

30 0 0
                                    

Kasalukuyang binagbagtas na sasakyang minamaneho ni Landon ang kahabaan ng North Luzon Expressway.  Kasama niya si Abby para i-tour sa pagawaan nila ng perfume at cologne sa Bulacan.  Gusto niya kasing maging familiar pa ito about sa company at maging familiar din sa mga kilos ng mga empleyado doon.  Sa isang punto ay nasi din niyang maipakilala ang dalaga sa mga magulang.  Ang kuya at ate pa lang kasi niya ang nakilala nito nang unang mag-collaborate ang Verano’s at Royale Mountain Scents.

            Sa gate pa lang na pinasukan ng sasakyan ay halatang maykaya na ang pamilyang naninirahan doon.  Mahaba pa ang dadaanang taniman ng mangga bago makarating sa malaking bahay na nasa gitna halos ng malawak na lupain.

            “Ang yaman n’yo talaga,”  nasabi ni Abby habang inililibot ang mata sa paligid.

            “Hindi naman.  Pamana na lang din ‘yan sa mga magulang ko.  Ipinagpatuloy lang nila ‘yung mga napasimulan nina lolo at lola.”

            Malaking bahay na gawa sa marmol ang naging pinaka centerpiece nang malawak na lupain.  Sa mismong harap nito inihinto ni Landon ang sasakyan.  Agad itong bumaba at ipinagbukas ng pinto ang dalaga.  Ito na din ang kumuha ng bag niya na nasa back seat ng sasakyan.

            Sa malaking pinto ay agad nakita ni Abby ang may-edad nang mag-asawa na sa hula niya ay parents ni Landon.  Kahawig kasi ng binata ang lalaki.  Dahan-dahan ang paglakad ng babae dahil nakaalalay ito sa asawang medyo hirap pang lumakad.  Ngumiti agad ang mag-asawa sa bagong dating.  Ngumiti din naman si Abby sa mga ito at bahagyang yumuko bagama’t malayo pa sila sa mga ito.

            Inalalayan siya ni Landon sa pag-akyat sa marmol na hagdan para makalapit sa mag-asawa.  Agad na nagmano ang binata sa dalawa, humalik sa kanyang mama at tinapik ang balikat ng kanyang papa.

            “Ma, Pa, this is Abby,”  siya po ‘yung assistant ko sa Manila.  Abby, these are my parents.”  Nakipagkamay si Abby sa dalawa.  Niyakap din siya ng mama ni Landon.  “Kumusta po kayo?”

            “We’re glad na makilala ka iha,”  agad na sagot ng matandang lalaki.

            “Yes, finally, we have met.  We have been hearing a lot of stories about you,” nakangiting sabi naman ng matandang babae.  Nagulat si Abby sa sinabi nito, napalingon sa gawi ni Landon na nagkibit-balikat lang.

            “Welcome to our place, hija,”  muling sabi ng matandang lalaki.

            “Anyway, nakahanda na ang breakfast.  Come in, maganda sigurong sabay-sabay na tayong kumain,” aya naman  ng babae.

            “Salamat po, sir, ma’am,” magalang na sagot ni Abby.

            “Naku, don’t call us like that.  Siguro, tito and tita is better,” sabi ng babae.

            Habang nag-aalmusal ay tuloy naman ang kuwentuhan.  Mas nakilala ni Abby ang mga magulang ng binata.  At kagaya din ni Landon, sa kabila na mayaman ito, mababa din ang loob, masasayang kausap at magiliw makiharap sa mga tao.   Parang si Tito Jim din.

            Matapos ang almusal, nag-freshen up si Abby sa guest room sa second floor ng bahay.  Naghanda na din sila ni Landon dahil pupunta sila sa office at factory nito malapit sa kabayanan ng Sta. Maria.

            Iginala siya ng binata sa production area ng Royale Mountain Scents.  Pati sa laboratory kung saan tinitimpla ang mga perfumes and colognes.  Malaki din ang warehouse ng planta kung saan maayos na nakasalansan ang mga produktong ready na for release.  Nakilala din niya ang ilang mga tauhan sa kompanya.    

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon