"Statue"

1.3K 64 1
                                    


"Statue"

"HAPPY BIRTHDAY ELMO!"

Napangiti ako ng makita ang pamilya ko dito. Nag set sila ng maliit na party para sakin. Yung kami kami lang. Simple lang naman ang handa basta kasama ko naman sila masaya na ko. Tamang bigayan lang ng regalo, tamang kain lang, at tamang inuman lang. Tawanan, kwentuhan, at family games lang ang ginawa namin. Simple lang din naman kami. Hindi naman kami palaging sosyal. Si Mommy lang naman ang choosy buti nga ngayon ganito lang.

"Moe, kain ka pa birthday boy."

Ngumiti ako.

"Sige lang, Mom."

Tumabi sakin si Saab.

"Oh, basta tonight ah? Naka reserve na ang resto at bar na pupuntahan natin for your birthday."

Tumango tango ako.

"Thanks, Saab. Hands on ka talaga."

"For you baby bro."

"Oh! Before I forgot, Ininvite ko si Janine and also Lauren."

Binigyan ko lang sila ng maliit na ngiti at ininom ang glass of wine na hawak ko. Gusto ko man magsalita sa ginawa nila mabuti na yung wag nalang. Busy sila kasi umiinom pa sila kaya minabuti ko muna na umakyat sa roofdeck ng building namin. Umupo ako sa may edge dun. Wala, nakatingin lang sa tanawin. Chill lang. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang picture namin.

"I miss you.."

At pinagmamasdan ko nalang ulit ang tanawin. Maganda ito. Sobrang ganda. Hating gabi na kasi kaya sobrang ganda eh. Punong puno ito ng kulay.

"Mosey."

Napalingon ako sa likod ko.

"Mom.."

Niyakap ko siya.

"Thank you for tonight."

Ngumiti siya sakin.

"You like it?"

"I love it."

Tumango tango siya. Pareho kaming may dalang wine.

"It's your birthday, bakit umakyat ka dito? Hindi pa naman tapos ang mini party mo."

Umiling naman ako.

"Wala lang po. Gusto ko lang magpahangin."

"Ahh. Hm, so how about my idea?"

"Idea?"

"Yeah, the idea of inviting Janine and Lauren."

Hindi ako nakaimik. Gusto ko sana sabihin sakanya na wag nalang pero napalapit naman na sakanya ang dalawa. Kahit birthday ko pa gusto ko din naman makapag pasaya ng tao at kung masaya siya na kasama yung dalawa, hahayaan ko nalang.

"I'm good, Ma."

Natawa naman siya bigla kaya naman napatingin ako sakanya.

"Mom?"

"You're not good at lying, Mosey. Lalo na sa feelings mo. Kita naman sa mata at mukha mo na against ka at pinagbibigyan mo lang ako. Palagi mong ginagawa yan anak, masunurin ka sakin. Yung tipong gusto mo tumanggi pero hahayaan mo nalang basta mapasaya mo ko o yung mga tao sa paligid mo."

"Mas gusto ko lang po siguro na makapag pasaya ng taong mahal ko. Pati na yung mga taong nagmamahal sakin.."

Uminom siya ng wine at tiningnan ako.

"How about the JuliElmoes? You also love them? Mahal ka nila."

Ngumiti ako. "Yung pagmamahal ko po sakanila naka hang. Hindi ko kasi alam kung paano ko iexpress yung pagmamahal ko sakanila. Sa dami ng kasalanan ko at pagkukulang sakanila? I'm not sure enough kung ganun pa din ang nararamdaman nila sakin. Dapat pa rin ba?"

JuliElmo One Shots Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon