"Bulong"

1K 56 4
                                    


"Bulong"

Hindi ko alam kung bakit lumabas nalang ako ng bahay at naupo sa may hagdan doon. Kahit mainit at nasisikatan ako ng araw hindi ako nagreklamo.

"Julie Anne! Anong ginagawa mo dyan?"

Hindi ko napansin na nakabalik na pala si Papa galing sa pagpapagas.

"Hi po, Pa."

Bumaba siya sa kotse.

"Anong ginagawa mo dyan? Ang init init kaya."

Napayuko nalang ako. Naramdaman ko naman na lumapit si Papa at tumabi sakin.

"Anong nangyari?"

"Nagbabakasakali po kasi ako na pagbigyan niya ang hiling ko eh."

"Nino?"

"Si Maqui po."

Napabuntong hininga nalang si Papa at hinimas ang likod ko.

"Anak, pwede ka naman maghintay sa loob. Doon mo nalang hintayin si Maqui."

"Dito na muna po ako, Papa."

"Okay. Pero kapag sobrang tagal na pumasok ka na sa loob ah?"

Tumango ako.

"Opo."

Tumayo na si Papa at papasok na sana sa loob ng may maalala akong tanungin sakanya.

"Pa?"

"Hmm?"

"Mali po ba ko? Sa lahat ng ito?"

Matagal na hindi nakasagot si Papa. Tumingin ako sa Paa ko. Niyakap ko ang tuhod ko.

"Kasi po parang..maling mali po ako."

"Kung mali ka edi gumawa ka ng ikatatama ng lahat ng yun."

Hinalikan niya ko sa noo.

"Learn from your mistakes, Julie."

At pumasok na siya sa loob. Ilang minuto na akong naghihintay. Wala pa din akong nakikitang Frencheska Farr dito.

"Siguro nga ayaw niya na ko makita."

Yun nalang ang nasabi ko sa sarili ko tska ako tumayo. Papasok na sana ako sa loob ng makarinig ako ng busina. Abot langit ang ngiti ko ng makita ko ang sasakyan niya na nakapark na sa tapat ng bahay ko. Lumabas naman siya.

"Maqui!"

At agad ko siyang binigyan ng mahigpit na yakap. Yakap na nagpaparamdam kung gaano ko siya namiss.

"I missed you, Maq. Thank you! Thank you nagpunta ka."

Tiningnan ko siya. Ang saya saya ko at nakita ko ang bestfriend ko. Pinagbigyan niya ang hiling ko.

"Tara pasok tayo sa loob."

Hihilahin ko na sana siya pero hindi naman siya nagpapahila. Tiningnan ko siya na para bang nagtataka.

"Maq?"

"Una sa lahat hindi ako nagpunta dito dahil pinagbigyan ko ang gusto mo. Pumunta ako dito kasi gusto ko lang makita ang bagong version ng katauhan mo. Yung taong nagnakaw sa bestfriend ko."

Bumitaw siya sa pagkakahawak ko.

"I'm sorry Julie but I can't. Hindi ko kayang ibalik yung dati kung ibang iba ka na."

"Maqui, hindi naman ako nagbago. Ako pa din ito."

"No Julie. Hindi na ikaw yung Julie na nakilala ko. Stop pretending, Julie Anne. I'm your best friend pero nakalimutan mo ko. Hindi ganun si Julie. Hinding hindi siya ganun. At dahil best friend mo ko alam ko kung may nagbabago nga ba talaga. Nung una akala ko panahon at pangyayari lang ang nagbabago pero nagkamali ako. Ikaw mismo ang nagbago."

JuliElmo One Shots Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon