"Y and X"

1.1K 52 2
                                    

"Y and X"

"Bakit mo ito ginagawa?"

Napatingin siya sakin. Ngumiti lang siya sabay upo. Inaya din niya ko na umupo sa tabi niya.

"Para sayo."

"Pero.."

"Julie, hayaan mo na kong gawin ito para sayo. Hindi ko ito ginagawa para sakanya kundi para sayo. At kung may pagkakapareho man kaming dalawa? Yun ay ang isipin at unahin ang kaligayahan mo."

Napatingin ako sa ibang direksyon. Naiinis ako sa sarili ko kasi pakiramdam ko masyado na kong dumedepende sa ibang tao. Mas inuuna nila ang kaligayahan ko kesa sa kaligayan nila. Nakakasakit ako kahit pa pilit ko itong iniiwasan.

"Wag ka na mag-alala."

Tumingin ako sakanya.

"Ako pa rin naman ang present mo. Binibigyan lang kita ng chance na makasama ang past mo."

Sasagot palang ako ng lumabas si Papa. Pareho kaming napatayo.

"Gusto mong idate ang mga anak ko?"

Tumango naman si Ben.

"Yes, Sir."

Tumingin sakin si Papa.

"Sige, pagbibigyan kita."

"Thank you, Sir. Ako na po ang bahala sakanila. Sisiguraduhin ko pong safe sila sakin."

Tumango naman si Papa at umakyat na sa itaas. Tiningnan ko si Ben.

"Sigurado ka na ba talaga?"

Ngumiti siya sakin.

"Ilang beses mo na kong tinatanong niyan. Inaya ka niya diba? Pagbigyan mo na. Ako ng bahala kay Joanna at Jac."

Tumango naman ako. Binigyan ko siya ng yakap.

"Thank you."

Pumunta na kami sa unang hirit. Guest kami doon, matapos ng ginawa namin doon, bumaba na kami.

"Here, flowers for you."

Napangiti naman ako.

"Thank you."

"Kanina pa tayo magkasama pero hindi pa kita nababati ng happy Valentine's day."

Natawa ako.

"Okay lang yun, ako din naman."

Huminga ako ng malalim. Naiba kasi ang expression ng mukha ko ng maalala ko kung anong pwedeng mangyari mamaya. Naramdaman ko na hinawakan ni Ben ang kamay ko. Nakangiti lang siya sakin.

"This is not the first time, Julie."

No, Ben. This is the first time. Hindi kami nakakalabas tuwing Valentine's day dahil may mga dahilan na pumipigil samin. Minsan nakakapag celebrate lang kami the day after.

"May prior commitment ka pa mamaya diba?"

Tumango naman ako.

"Yeah."

"Sige, susunduin ko nalang kayo nila Joanna mamaya. Text him kung saan kayo magkikita para mahatid kita."

"One last time, Ben. Are you sure about this? Sabihin mo lang sakin willing akong mag back out."

Umiling siya.

"Julie, I think Elmo deserves to be happy, right? Lalo na kung ikaw ang magpapasaya sakanya. Isipin mo nalang na para kang may utang sakanya. Bayaran mo lahat ng sakit na dinulot mo sakanya."

JuliElmo One Shots Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon