"Best Part"

1.3K 62 5
                                    


"Best Part"

"Ok ka lang Ate?"

"Ha?"

"Kinakabahan ka Ate?"

Umiling naman ako at ngumiti.

"Okay lang ako, Joanna."

"Ate, pwede ka namang mag back out."

"Kailangan namin ito."

"Okay sige, Ate."

Si Joanna ang nag drive para sakin ngayon. Papunta kami sa lugar kung saan kami dati nag shooting ni Elmo para sa Maynila namin. May malapit na resto kaming nadiscover doon. Nagtataka ba kayo kung bakit si Joanna? Kasi ayaw nila Papa na samahan ako. Pinagbawalan na nila ako na makita si Elmo lalo na kung sasaktan ko lang naman daw ito. Mahal nila si Elmo na parang tunay na din nilang anak at ang makita itong nasasaktan ang ayaw nila makita.

"Nandito na tayo, Ate."

Huminga ako ng malalim.

"Do you still like him for me?"

Tiningnan ko si Joanna. Nag isip muna siya tska ngumiti sakin.

"Yes, Ate."

"Bakit?"

"Hmm, kasi sakanya mo talaga nalaman kung anong ibig sabihin ng love."

Tumango tango ako tska ako lumabas.

"I'll see you later."

"See you later, Ate. And Ate?"

"Yes?"

Ngumiti sakin si Joanna.

"Pakinggan mo yung puso mo, Ate."

Sinarado ko na ang pinto at tska siya umalis. Naglakad na ko papunta sa lugar na yun. Parang dati lang ang bata pa namin nung nagpunta kami dito. Mga wala pang alam sa pag ibig. Ineenjoy lang ang buhay. Ngayon, hindi ko akalain na babalik ako dito ng may mabigat na nararamdaman.

"Hello Ma'am."

"Hi."

"Table for how many persons po?"

"Uhm, may reservation na po ako."

Tumingin siya sa notepad doon.

"Mr. Magalona?"

Pilit akong ngumiti sakanya at tumango.

"Please follow me, Ma'am."

Sinundan ko naman siya.

"Nandito ba siya?"

Ngumiti lang sakin ang waiter. Tumingin ako sa table na inupuan namin dati at nakita ko na nandun na nga siya. Nakaupo lang siya at mukhang malalim ang iniisip niya.

"Sorry, I'm late."

Tiningnan lang niya ko at tumango. Umupo ako at nilapag ang bag ko sa tabing upuan.

"K..Kanina ka pa?"

"Hindi naman.."

"Ahh..uhm. Order muna tayo?"

Huminga siya ng malalim. Tumitig siya sa mga mata ko. Bakit parang wala akong makitang The Elmo Magalona sa mata niya? Bakit ganun nalang ang mga tingin niya? Walang emosyon? Parang walang nararamdaman.

"Go straight to the point, Julie."

Natahimik ako.

"Why are we here?"

JuliElmo One Shots Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon