"Receive"

1.1K 48 2
                                    


"Receive"

Nandito ako sa veranda ngayon. Tinitingnan ang pag-agos ng mga sasakyan. Naisip ko na ang buhay parang traffic lang yan eh, minsan maluwag at aakalain mo na mabilis kang makakarating sa destinasyon mo pero hindi mo tagala maiiwasan ang traffic. Paghihintayin ka, maiinip ka, matatagalan ka, pero worth it naman kapag umusad ka na ulit kahit dahan dahan lang.

Napabuntong hininga ako.

"Sana nga lahat ng bagay katulad nun para kahit papaano umuusad tayo kahit dahan dahan.."

Biglang nakarinig ako ng pag doorbell. Sino naman kaya yun? Wala naman akong ineexpect na bisita. Dali dali akong pumunta sa may pintuan at binuksan ito.

"MAQUI!"

Biglang yakap ko naman sa kaibigan ko. Matagal ko siyang hindi nakita pero hindi naman ganun katagal, sakto lang.

"Ang adik mo, Elmo. Haha! Kalma lang!"

"Namiss kita!"

"Ui! Wag masyadong mahigpit ang yakap baka may makakita satin at ma-issue tayo. Mahal ko si Gino!"

Kumalas ako sa yakap ko sakanya at natawa sa sinabi niya.

"Grabe ka talaga!"

"Choss lang! Pasok na tayo may dala akong pizza!"

"Yun naman eh! Tara!"

Pinapasok ko siya at dinala sa may dining. Nag set up ako ng plato at juice sa mesa.

"What brings you here, Maqui?"

"Don't english me conyo boy! Busy ako!"

Natawa naman ako.

"Baliw ka nanaman!"

"Sus! Parang ikaw hindi ah? So, kamusta naman?"

Ngumisi naman ako sakanya.

"Ikaw? Nahuhuli ka na ngayon sa balita? Totoo ba yan Frencheska Farr?"

Bigla naman siyang natawa ng malakas.

"Aba! Siyempre hindi noh! Pero gusto ko lang siguro talaga na marinig from you."

Uminom ako ng juice.

"Oo na."

Nanlaki ang mata niya.

"So totoo nga? Ginawa mo? As in parting ways na talaga?"

Pilit akong ngumiti sakanya at kumain ng pizza.

"Omg! Anong sabi ni Tita Pia? Ng mga Ate mo? Mga kapatid mo?"

Nag shrug ako.

"Wala naman akong pakialam sa sasabihin ng mga kapatid ko. Si Mom? Puro tanong lang pero nung narinig niya mula sakin ang sagot hindi na siya muling nagtanong. Alam naman niya sa umpisa palang eh."

"Ang tapang mo talaga Elmo! Level up ka na talaga Mokong ah? Pero sabagay wala ka naman talagang pakialam lalo na kapag pinapakialaman ang mga desisyon mo. So kamusta sa pakiramdam?"

"Yung totoo?"

Tumango siya.

"Nakahinga ako ng maluwag."

Totoo yun, simula ng makipag hiwalay ako kay Janine parang natanggalan ako ng tinik sa dibdib ko. Mabait si Janine at pinilit ko din naman ang sarili ko na mahalin siya lalo na sa mga panahong nangungulila ako sa totoong mahal ko pero naisip ko hindi yun fair para kay Janine na mahal niya ko tapos iba naman ang mahal ko. Mahal niya ko pero ako pinipilit ko naman siya mahalin.

JuliElmo One Shots Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon