"Signature Move"

1.1K 54 1
                                    


"Signature Move"

"What's with the face, Ate? You're jealous?"

Napakunot noo ako sa sinabi ni Joanna. Tumawa lang siya at bumalik sa pag-cellphone niya. Napailing nalang ako. Pero habang nasa byahe, hindi ko maiwasan na isipin ang sinabi ni Joanna. May pinakita kasi siya sakin, well dapat hindi naman talaga ako maapektuhan pero heto, nakakunot noo ako at parang hindi ako mapakali sa nakita ko.

"Parang may naalala ako."

Tumingin ako kay Papa na nagmamaneho. Tumingin siya kay Mama sabay ngiti.

"Right by my side."

Natawa naman si Mama.

"Oo nga noh? Nakakakilig yun! Naalala ko pa, hindi niya sinunod yung nasa script na dapat gagawin niya. Gumawa talaga siya bg sarili niyang moves! Pati tuloy si Direk Rico, natawa nalang sa kapiluyuhan niya."

"Pero nakakatuwa yung batang yun. Talagang nagpapaalam siya sakin tuwing gagawa siya ng move sa anak natin. Hayy! Sarap balikan ng nakaraan."

"PA! MA!"

Tingnan mo nga naman kasi ang mga magulang ko. Tama ba na pag-usapan ang taong wala dito at malayo na sakin? Tama bang pag-usapan pa ang taong nilibing ko na sa ilalim ng puso ko?

"Oh? Bakit anak?"

Tumingin si Mama sakin.

"Wag na po kasi."

Napailing si Mama at binalik ang tingin sa harap.

"Apektado ka, anak."

"Hindi po, Ma."

Sinulyapan niya ko.

"Apektado ka at halatang halata na."

Hindi na ko sumagot pa sa sinabi ni Mama. Ibinaling ko nalang ang atensyon ko sa labas ng bintana. Iniisip ko kung ano man ang napanuod ko kanina. Oo, aaminin ko medyo nainis nga ako sa nakita ko. Hindi dahil nagseselos ako pero kundi dahil naiinis ako dahil hindi naman niya kailangan gawin pa ang signature move na yun sakanya.

"Ate!"

Nagulat ako sa pag sigaw ni Joanna.

"Nandito na tayo."

Tumango nalang ako sakanya at bumaba na sa sasakyan. Nagpaalam muna ko na maglalakad lakad lang muna ko. Pumayag naman si Mama. Safe naman na dito kaya okay na sakanila na kahit ako lang mag-isa. Nagsimula na kong maglakad at hindi pa din maalis sa isip ko yun. Iniisip ko din si Mama at Papa. Gusto pa din ba nila si Elmo? Ibig bang sabihin, pinipilit nila ang sarili nila na gustuhin si Ben?

Sabagay, hindi ko din naman sila masisisi. Lalong lalo na si Papa. Hindi kasi talaga siya mabilis magtiwala sa mga taong napapalapit sakin. Lalo na kapag lalaki. Si Elmo lang ang unang lalaki na nagkalakas loob na harapin si Papa. Anak ng isang legend si Elmo at kilala na ito ng kahit sino man pero nagulat kami ng ayain niya ang magulang ko na makipag usap. Nagpakilala si Elmo ng pormal sa magulang ko. Isa rin siguro yun sa mga nagustuhan ni Papa.

Ano ba yan! Nahahawa na ko sa sinasabi nila kanina. Masarap pala talagang balikan ang nakaraan kahit paminsan minsan. Kahit siguro sabihin ko na kakalimutan ko na ang nakaraan, hindi ganun kadali yun dahil parte na yun ng kung sino ako ngayon. At tska...

"Ouch!!!"

Napasigaw ako sa sakit ng may naapakan akong bato dahilan para matalisod ako.

"Aray...ohhh!."

Dahan dahan akong tumayo at naglakad pero kumikirot ang paa ko. Pinili kong umupo sa may bench doon. Nanatili lang ako doon hanggang sa maging okay na ang paa ko. Hanggang sa kaya ko na maglakad. Kinapa ko ang bulsa ko at sakto naman na wala sa bulsa ko ang cellphone ko.

JuliElmo One Shots Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon