"Final Walk"

1.3K 85 0
                                    


"Final Walk"

Maaga akong nagising para sa isang magandang pangyayari na magaganap ngayong araw. Bumangon ako kaagad at ginawa ang morning rituals ko. Matapos nun nagbihis ako ng pinaka gwapo kong formal wear. Blue polo sa loob at black coat. Naka white pants and simpleng shoes lang. Bumaba ako para kumuha ng makakain.

"Kuya!"

Napangiti ako.

"Oh Clara, bakit? Ang aga mo naman ata."

"Hehe. Kuya, uhm..here oh.."

May inabot siya sakin na book. Tiningnan ko siya.

"Gift ko sakanya."

Napangiti ako at hinalikan siya sa noo niya.

"Thank you."

Paalis na ko at ayoko malate ako sa araw na ito. Palabas palang ako ng pumasok si Mommy kasama mga kapatid ko. May dala silang flowers.

"Uhm.."

"Moses, hindi ka pwedeng pumunta sa gera kung wala kang dalang bala."

"Mom.."

"At tingnan mo yang suot mo. Hindi pa masyadong maayos."

Inayos niya ang kwelyo ko.

"Mom.."

Ngumiti siya. "Congratulations to your girl my son. She did it."

"Ang ibig sabihin ba nun Mom.."

"Napatunayan naman niya sakin na mahal ka niya at pinagpatuloy niya ang pagtupad sa pangarap niya kahit pa madami akong nabigay na pagsubok sainyong dalawa. I'm so proud of her, Son."

"Me too, Mom.."

"Sige na, bigay mo sakanya itong flowers. And here.."

May inabot siya sakin na sobre.

"Nandyan yung reservation ko for your lunch. Dyan na kayo kumain, okay? Perfect dyan."

Niyakap ko siya.

"Thank you Mommy."

"Your welcome, Son."

Umalis na ko at tinahak na ang daan papunta sa bahay nila. Ilang sandali pa nakarating na din ako dun. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Lumabas na ko sa kotse at kumatok. Pinagbuksan naman ako ni Ate Rose. Pinapasok niya ko at pinaupo muna sa sofa.

"Nasa taas pa siya nagmamake up sila."

Tumango naman ako at ngumiti.

"Kuya!"

"Jac!"

Niyakap ko siya.

"Nasa taas pa si Ate hindi pa siya tapos. Himala Kuya ang aga mo."

"Hehe. Ayoko lang malate Jac."

"Mas excited ka pa ata samin, Kuya. Haha."

"Hindi naman masyado.. Hehe."

Dumating si Joanna.

"Kuya!"

Nagbeso kami.

"Sabi ni Papa sayo daw muna kami sasama?"

Tumango naman ako.

"Oo. Bale magdadalawang kotse tayo. Convoy nalang ako sainyo mamaya."

"Okay Kuya."

Tahimik lang ang buong paligid. Si Jac nag ipad. Si Joanna cellphone. Ako? Nagkukuyakoy. Hindi ko talaga ma explain pero kinakabahan ako na naeexcite.

JuliElmo One Shots Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon