"Game Over"

1.1K 56 7
                                    


"Game Over"

"Moe? Mosey?"

"Hmm?"

Nakarinig ako ng pagpasok sa kwarto ko.

"Mosey? Are you okay?"

Kahit na antok na antok ako minulat ko pa din ang mata ko. Nakita ko si Mommy na nakatayo sa tabi ng kama ko.

"Mom?"

"Max called me. Puntahan daw kita baka kung ano ng nangyari sayo. Hindi ka pa nakakapag grocery sabi ng driver mo. Halos sa set at sa kotse ka na daw natutulog at walang tamang kain. What's happening son?"

Umupo ako.

"Nothing, Mom. I'm okay. You don't have to worry about me."

"Come on anak. Alam ko kung bakit ka ganyan. Alam ko na sinabi ko sayo na mag put ka ng maraming effort sa career mo ngayon pero wala naman akong sinabi na pagurin mo ang sarili mo. Wala ka ng pahinga anak."

Napabuntong hininga ako.

"Mom, I swear kaya ko po."

"Are you thinking about her?"

"What do you mean, Mom?"

Umupo siya sa tabi ko.

"Napanuod ko yung interview mo. Naisip mo nanaman ba siya?"

"I don't know, Mom. Inaalis ko siya sa sistema ko pero hindi ko naman magawa. Lahat nalang ng gawin ko konektado sakanya."

"Elmo.."

"Kaya nga binubuhos ko nalang lahat ng oras ko sa ibang bagay. Mom, gusto ko naman pong mawala sa isip ko lahat ng pinagdadaanan ko ngayon. For once gusto ko siyang hindi isipin. Gusto ko huminga."

"Then breathe."

"How? Kung siya naman ang dahilan kung bakit ako humihinga."

"You're still in love with her."

"Yes. Sobra po. Sobra na ayoko na siyang mahalin. Gusto ko ng tigilan."

"Ang tanong, kaya mo ba?"

Matapos namin mag usap ni Mommy umalis na siya. Ako naman naiwan sa condo na mag isa. Hindi ko naman alam kung saan ako pupunta o kung may gusto man ako puntahan. Nag twitter ako para makita kung anong feedback ng mga tao sa single ko. Napangiti ako dahil maraming nagkagusto dito. Nag scroll pa ko ng may isang link na tinag sakin doon. Nakita ko na ang mukha niya at nag dadalawang isip kung dapat ko pa bang buksan ang link na yun. Pero kapag mahal mo kahit na masakit magpapaka tanga ka. Binuksan ko yun at binasa..

He came at the right time in my life.

"So I came into your life at the wrong time?"

Hindi ko nalang tinuloy ang pagbabasa. Inilapag ko nalang ang cellphone ko at pumasok sa kwarto. Hihiga sana ako ng may pagbagsak ako na narinig. Tiningnan ko kung ano yung bumagsak. Picture naming dalawa sa wazak. Napaupo ako sa sahig at tinitigan lang yun.

"What we have before is very magical but I'm done.."

I'm done.

Napayuko ako at hinayaan na ilabas ko ang sama ng loob na nararamdaman ko. You left me again, Julie. You left me with no choice. Tumayo ako at nag ayos ng sarili. Wala pa kong tamang tulog at pahinga pero hindi na ko makakapag hintay na gawin ang dapat na matagal ko ng ginawa. Binuksan ko ang pinto at nakita ko ang driver ko.

"Sir, pinabili po ako ng Mommy niyo ng breakfast niyo po."

"Kuya, mamaya na yan. Saan ang susi ng kotse?"

JuliElmo One Shots Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon