"For Now"

1.2K 60 4
                                    


"For Now"

"Juice or wine?"

Ngumiti lang ako sakanya matapos niya kong pakitaan ng dalawang klase ng inumin na hawak niya. Kinuha ko ang wine na nasa kanan niyang kamay.

"Wine."

Ngumiti naman siya sakin at humarap na din sa magandang tanawin na nakikita ko. Maraming tao na nasa paligid at kailangan magkatabi lang kami. Yun bang palagi lang kaming magkasama.

"Julie."

"Hmm?"

"I'm sorry."

Napatingin naman ako sakanya. Nakatingin pa din siya sa mga liwanag na nagmumula sa mga building.

"I'm sorry kung kailangan natin pagdaan ito."

Tinapik ko naman siya.

"Ano ka ba, okay lang. Masasanay din tayo tska artista tayo diba? Pinagdadanan talaga ito ng mga artista."

Tumingin naman siya sakin.

"Pero hindi ikaw. Hindi mo deserve na maaway ng sarili mong mga fans."

Tiningnan ko ang wine na hawak ko. Ayoko na sanang isipin pa yun pero heto siya binuksan ang topic. Mas maganda na din sigurong pag usapan namin kasi kahit pa iwasan ko nandyan pa din naman ang problema na yan.

"Nasaktan ko sila. Naiintindihan ko kung ganun man ang naging reaction nila. I deserved that."

"Julie.."

Pilit nalang akong ngumiti sakanya. Hindi na kami nakapag usap dahil may mga nag picture samin. May mga personalidad din at press ang lumapit samin. Nang mapagod ako umupo muna ko. Hindi ko namamalayan na puro wine na ang naiinom ko at wala pa akong kain.

"Julie, gusto mo ba iuwi na kita?"

"Hmm? Okay lang ako, Ben."

"Pero namumula ka na."

"Promise, okay lang ako. Namumula ako kasi mainit. Sige na, makipag usap ka muna dun."

Umiling siya at umupo sa tabi ko.

"No. Hindi kita iiwan."

Ngumiti nalang ako sakanya. Pinanuod namin ang mga taong dumadating. Picture doon at picture dyan. Nakakahilo din ang mga flash lights na tumatama sa mata ko.

"Gusto mo kumain? Kukuha kita."

"Wala akong gana, salamat nalang Ben."

"Julie, maayos akong nagpaalam sa Papa mo na ibabalik kita sakanila ng maayos."

Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Alam ko na kapag nakita kami ng press matutuwa sila at pag uusapan na sweet kaming dalawa. Hayaan na at ibigay sakanila ang gusto nila tutal, napapagod na din ako.

"Julie.."

Pinikit ko ang mata ko. May naalala ako..

"Alam mo ba kahapon may nagpadala ng bulaklak sakin."

"Oh..tapos.."

"Tinanong ko kung kanino galing, ang sabi ng guard sa tatlong fans daw ang nag abot. Nung una akala ko sa fans ko lang talaga siya nanggaling, iba pala.."

"Sino?"

"Sa driver ni Elmo."

Mapait akong napatawa. Mahina lang naman. Sapat na para kami lang dalawa ang makarinig.

"Biruin mo yun? After ko siyang saktan heto siya at binibigyan ako ng bulaklak. Inutusan niya ang driver niya na ipasuyo ito sa fans naming dalawa para mabigay sakin yung bulaklak. Grabe.."

JuliElmo One Shots Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon