"Harmonica"

1.2K 76 7
                                    


"Harmonica"

Nandito ako sa bahay nila Julie. Wala pa siya kasi nasa event siya sa GMA artist. May usapan na kami na dito nalang kami magkikita sa bahay nila. May date kasi kami.

"Moe, dun ka muna sa room ni Julie. Pahinga ka muna dun okay?"

Ngumiti naman ako.

"Yes po Tita."

Umakyat ako sa room niya at nahiga. Nagbasa basa muna ko ng mga books niya. Pati thesis niya binasa ko na din. Wala kasi talaga akong magawa kaya kung ano ano na ginagawa ko dito.

"Kuya?"

Napatingin ako sa may pintuan.

"Oh Joanna, bakit?"

"Uhm..Kuya, busy ka?"

"Hehe. Wala ngang ginagawa si Kuya. Bakit Joanna?"

"Uhm..pwede samahan mo ko mag drive? Kung okay lang sayo.."

Napangiti naman ako.

"Why not? Tara!"

"Talaga?"

Inakbayan ko siya.

"Oo naman!"

Nasa loob na kami ng kotse. Nag drive na siya kapag hindi niya alam tinuturuan ko siya. Kita ko sa mata niya ang saya. Nag drive thru na din kami at bumili ng mcdo. Ilang sandali pa nakauwi na kami. Wala pa din si Julie. Napatingin ako sa kalangitan. Naku, mukhang uulan pa ata.

"Tara na Kuya!"

Ngumiti ako. "Sure."

Pagkapasok namin nakita namin si Jac na nakaupo sa may hagdan. Mukhang wala ito sa mood kasi naka pout ito.

"Uhm.."

"Hmm. Sige Joanna, prepare mo muna yan para makakain na tayo nila Tita. Akyatin ko lang si Jac."

Ngumiti siya sakin. "Sure Kuya Elmo."

Inakyat ko si Jac. Pagkatapat ko palang sakanya hindi ko maiwasan na matawa. Sinamaan niya ko ng tingin kaya nag peace sign ako sakanya. Ang cute naman kasi niya. Kamukha niya si Julie kapag naka pout. Tumabi ako sakanya.

"Hey baby, bakit nakasimangot ka?"

Nag buntong hininga siya.

"Bakit wala akong talent?"

"H..Ha?"

"Si Ate Julie, lahat kaya niyang gawin. Si Ate Joanna naman matalino at dancer pa. Ako naman kapag kumanta nakakabasag pinggan."

"Baby, ikaw talaga. Wag mo nga icompare sarili mo sa sisters mo. Lahat tayo binigyan ni God ng talent. Kailangan mo lang ma discover yun."

"Eh paano?"

"Hmm.."

"Kuya Elmo, please help me. Gusto ko may talent din ako."

Tumayo ako at kinuha ang kamay niya.

"Tara sa music room ng Ate mo."

Pumunta kami sa music room ni Julie. Pina try ko sakanya yun. Yung iba di niya talaga kaya. Sa piano naman basic natututo siya kaagad.

"Oh kaya mo naman pala.."

"Hmm..ano ba hindi kaya ni Ate Julie iplay?"

"Kuya, diba may instrument ka din na tinutugtog?"

"Ahh, Oo. Harmonica."

Ngumiti ng wagas si Jac.

"Gusto ko yun! Teach me Kuya Elmo!"

JuliElmo One Shots Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon