CHAPTER 13: ROOM MAKEOVER

13 4 0
                                    

Ardie's P.O.V

"Oy ardie andito ka pala?! Sinong kasama mo?" Oh andito pala ang Smith Brothers.

"Oh?! Akalain mo yun?! Alam mo palang andito ko?! Ako di ko alam ehh. Di kasi masyadong obvious." Pambabara ko kay Drix.

"Tss. Alis na tayo Jayvee. Di na uli ako mambabati paalala mo ah? Mababara lang pala ko" sabi Drix.

"Nag emote pa. Cute lang gumagawa non" asar ko sakanya.

"Di nga pala ko cute ano?! Super cute lang?!" Pagmamayabang nya.

"Oh My Gosh!! Di ka lang super cute Kuya!! Ang pogi mo pa!!" Sigaw ng isa sa mga customer. Uh-oh. Nakatingin pala samin lahat.

"See? Pogi din daw ako?!" Yabang talaga.

"Naniwala ka naman alam mo-" naputol yung pagsasalita ko ng may humawak sa braso ko.

"Hey. Don't make a scene here. We're going home" sabi ni Shawn.

"OMG!!! Isa pang super pogi!!! Ang swerte ni girl!!! Napapalibutan sya ng tatlong pogi!!" Sigaw na naman ng isang customer.

"Bye Drix-"

"Na super cute" dugtong nya.

"Kapal talaga. Bye Jayvee. Thanks for your silent support." Sabi ko at nagngitian kami ni Jayvee.

"Let's go" sabi ni Shawn at hinawakan ang kamay ko.

               ××××××××××

"Tada!" Sigaw ko ng matapos ang makeover sa kwarto ni Shawn.

"Good job. Ang galing mo pala sa ganto noh? Mag designer ka na lang kaya?" Sabi ni Shawn

"Mauna ka muna!" Sabi ko.

"Sabi ko nga iba na lang kunin mong course" sabi nya.

Sandali kaming natahimik habang nakahiga sa sahig at pinagmamasdan ang pader ng kwarto na to.

"Ang saya siguro kung kasama natin dito sila Mama at Papa noh? Naalala ko nung nagmakeover ako ng room ko ang saya saya naming tatlo." Sabi ko.

Ang tagal na din nung naging masaya yung bahay nato. Yung puro tawanan at asaran lang.

"Yeah. I wonder what is there personalities. I already know yours." Sabi nya. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya.

"Sige nga. Sabihin mo sakin yung naobserve mong personality ko?" Sabi ko sa kanya.

"Uhmm you're a childish, clumsy, reckless, impulsive-"

"Gaganda nyan ah! Wala bang compliment?!" Pagputol ko sa sinasabi nya.

"Maghintay ka kasi yun yung ending" sabi nya. Aba. May nalalaman pang ending. "Uuliti ko ah"

"You're a childish, clumsy, reckless, impulsive, sensitive crazy in one side. But in the other side that only lucky people like me can see you're a strong, brave, sweet, lovable, and responsible person." Sabi nya at ngumiti sakin.

Napanganga na lang ako sa speech nya. Ang ganda parang hindi ako ang dinedescribe ah

"Ako ba talaga yun?! Baka may nakikita kang di ko nakikita ahh?" Sabi ko.

"Haha. That's you. That's what I see in you"

"Hi Kids!!" Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Papa.

Lumingon ako para makita sya. Umuwi talaga sila para makasama kami?!

"Hello mga Anak!" Sabi naman ni Mama na kakapasok lang sa room.

"Wow. Ang ganda naman ng design ng room. You two nade it?!" Tanong ni Papa.

"Opo" sabay na sagot namin ni Shawn. Nagkatinginan kami at sabay na natawa.

"May dumi ka sa nukha oh" sabi ni Shawn at pinahiran ang pisngi ko. Ahhh!!! Wala naman talaga kong dumi ehh!!! Nilagyan pa nga nya ehhh!!!

"Wahh!! Sinimulan mo to ahh!!" Sabi ko sabay tayo at habol sa kanya. Nilagyan ko rin si Mama at Papa nung nadaanan ko sila.

At nagsisi ako sa ginawa ko dahil hinahabol na nila ko!!

"Hahahaha!! Gotcha!!" Sabi ko ng maabutan ko si Shawn at nilagyan ko ang buong mukha nya.

              ××××××××××

"Shut up!!" Sigaw ko kay Shawn. Inaasar kasi ko kay Jayvee.

Kakaligo lang namin lahat at nasa table na kami para magdinner. Kinwento ko kasi kay Shawn nung una kami magkakilala ni Jayvee. At ngayon inaasar nya ko sa harap ni Mama at Papa!!

"Diba po silang dalawa lang po ni Shejeah sa kwarto tapos po-" pagkukwento ni Jayvee

"I said shut up!!!" Putol ko sa kanya. At narinig ko ang tawa ni Mama at Papa.

"Pulang pula na yang mukha mo oh?! Hahaha" sabi ni Papa.

Oo, gusto kong magtawanan kami at maging masaya. Pero wag lang ako ang topic!! Kainis tong Shawn na to!!

"Okay. Okay. I'll stop. But they kissed. Hahaha" pambubuking ni Shawn. Feeling ko lalong pumula yung mukha ko. Baka pagalitan nila ko!!

"Ahhh!!! I hate you!!!" Sigaw ko kay Shawn.

"It's okay. It's just a kiss right? Unless you and Jayvee continue it to the bed and-"

"Papa!!" Sigaw namin ni Mama.

Papa din ang tawag ni Mama kay Papa at Mama din ang tawag ni Papa kay Mama. Ayan mahilo sana kayo sa pagbasa na puro Mama at Papa.

"Why?! I'm just stating the possibility. Haha" sabi ni Papa.

Bat ba ako ang topic??!!!!

"Tapos na ba kayong i-hotseat ako?! Baka naman pede na tayong kumain?!"

Victims Of LoveWhere stories live. Discover now