CHAPTER 23: I LIED

9 0 0
                                    


Dahil matagal akong di nakaupdate (kasi napunta yung atensyon ko to my new book "Shooters" Hehe) dadamihan ko update. Eto ha. 3 chapters. Sunod. Sunod.

Sorry again :') Enjoy reading.!

Ardie's P.O.V

"A-anong tinawag mo s-sakin?" tanong ko. Imposible. Si Angelo lang ang tumatawag sakin ng Jeah. Sya lang.

Di na nya nasagot ang tanong ko dahil nakatulog na sya uli. Nagdadalawang isip na nga ako kung uuwi ako o hindi.

"Sige na Ardie. Uwi ka na. Ako na bahala" sabi ni Jayvee. Tumango at ngumiti ako sakanya.

Habang nasa sasakyan kami pauwi ni Shawn, tahimik lang ako habang nakatingin sa bintana. Iniisip ko yung mga nangyari kanina.

Sino ka ba talaga Hendrix Smith?!

Nakakabaliw ka ng isipin ah! Dumagdag pa si Angelo. Ang tagal na kitang sinubukang kalimutan. Kasi alam kong di ka na babalik.

Pero ginugulo pa rin ako ng mga alaala mo. Grr. Dati exam lang pinoproblema ko ngayon dalawang lalaki na. Ano ba yan.

Bat kasi kailangan akong tawagin ni Drix ng Jeah?! Bat kailangan nya kong pag isipin ng ganito?!

Pero, eto lang ang naiisip kong posibleng dahilan ng mga nangyari kay Drix kanina.

Kasi kung iaanalyze mo, may isa pang nasunog na bata sabi ni Theo, naaksidente si Drix a isang sunog at nagka memory lost sya. Posibleng si Drix yung isang batang nasunog. Ang di ko maintindihan, panong may nakaalam sa treehouse na yun? Mismong pamilya namin di alam na bumuo kami ng treehouse eh. At bakit alam nya ang nickname ni Gelo sakin right?!

"Don't think too much. Papanget ka nyan" sabi ni Shawn pagkabukas ng pinto

Nasa bahay na pala kami. Di ko namalayan.

"Maligo ka muna ang baho mo na tapos punta ka sa kwarto ko. May sasabihin ako" sabi ni Shawn at naglakad na papasok ng bahay.

Pagpasok ko ng bahay may mga maleta sa living room.

"Kanino yan?" tanong ko sa isang maid na napadaan.

"Sa Fiance po ni Sir Aijen" sagot ng katulong at umalis na.

What the hell is happening?! Si Shawn?! Engaged?! Baka ito yung sasabihin ni Shawn.

Initya ko lang yung bag ko sa kama ko at nagmamadaling pumunta sa kwarto ni Shawn para-

"Aray!"

"Ouch!" sabay na sabi namin ng babaeng nakabangga ko.

"I'm sorry Miss. Let me help you" sabi nung babae.

Matangkad, maputi, sexy, in short maganda. Inalalayan nya kong tumayo. Ouch, my butt. Err.

"I'm Carleen, Aijen's fiance" sabi nya and let out a hand.

"Ardie. His twin" sabi ko and accepted her hand.

"Nice to meet you. By the way, where is he? I need to talk to him" sabi nya.

"I'm on my way on his room. Let us talk first" sagot ko at naglakad na. Wala ako sa mood makipag usap sa kanya. Tss. Mukhang ang arte.

Di na ko kumatok at diretsong pumasok sa kwarto nya. Nakadapa sya habang iniuuntog ang ulo sa kama.

"Shawn! Anyare?! Bat may biglang susulpot na fiance ka dyan sa labas?!" tanong ko at nilock ang pinto. Baka mangialam pa ang fiance na yun.

"Ok. Ganito yun. Please try to understand. Wala talaga kong sakit kaya ako nasa ibang bansa. Actually one year lang ako dun. Inis ako sayo nun. Naiingit ako sa atensyong nakukuha mo. Kaya lumayo ako sayo. Kase pagkasama kita lagi akong pangalawa. Bata palang ako pero feeling ko ang matured ko kasi nung mga 5 years old ako saka ko yun narealize. Lagi akong nasa kwarto. Naghomeschool din ako para di na ko lalabas ng kwarto. Ang tagal ko dun. Para di kita makita. Para di ako masaktan. Kaya nung 1st year highschool ako lumayas na ko at nagcondo. Pero syempre binibigyan akong pera nila Mama. Nung lumayo ako, nung wala ka lagi akong first sa lahat ng bagay. I feel happy. Pero after kong gumraduate ng highschool pinakilala sakin si Carleen ni Papa. I try to be friends with her. Because she seems so nice. But then I found out that she's my fiance in an arranged marriage that will happened when I turned 18. Nagalit ako syempre. Umalis ako ng Pilipinas at pumuntang Qatar pero nung nadoon ako, nakilala ko ang religion na Born Again. And that religion made me realize all my faults, all the mess, all the mistakes I did. Humingi ako ng tawad kay Mama at Papa sa lahat ng nagawa ko. Si Mama pinatawad ako pero si Papa, sabi nya he'll accept me if I agree to get married with Carleen. I agree para mahanap kita. Para makabawi ako sayo. And now, I'm really sorry. I'm so immatured to think about that. I'm so selfish. Kinain ako ng selos at inggit. But believe me I will do everything to show you the real me, to make you forgive me. I'm sorry I lied" sabi nya. At may tumulong luha sa mata nya.

"Isa lang naman ang kasalanan mo sakin eh" sabi ko. Tumingin sya sakin ng naguguluhan.

"W-what's that?" tanong nya.

"Di mo lang sinabi agad ang totoo at pinili mong magsinungaling. But you're already forgive. Wag ka ng umiyak. Panget ka na nga, papanget ka pa"

Victims Of LoveWhere stories live. Discover now