CHAPTER 18: ICED TEA

8 2 0
                                    


Ardie's P.O.V

"Tapos na po Miss. Labas na po kami" sabi nung girl.

"Ang ganda mo Sis!! Gora na kami!! Babye!!" sabi naman nung beki.

"Thanks. Babye!" sagot ko habang nakatalikod pa rin.

Bwisit kasi tong dalawa eh!

"Tara na nga"rinig kong sabi ni Jayvee.

Pagkaalis nung dalawa nagbihis na ko. Tinulungan din naman ako ni Tita. Tinawagan ko sya para pumunta sa closet ko.

Then, tadaa!! Handa na ang inyong prinsesa!! Hahaha.

"Ang tagal mo naman. Late pa tuloy kami. Ang aga aga naming gumayak eh. Tsk" reklamo ni Drix pagkalabas ko ng closet.

"Nagpapahintay ba ko sa inyo?! Ha?! Makareklamo ahh" sabi ko.

"Tara na nga. Tsk." Sabi ni Jayvee at umalis na kaming lahat. Kasama ag parents ko at parents nung kambal. Puro ganyan line ni Jayvee ahh.

Pagdating namin sa event center ng school, pinagtitinginan at naghihiyawan agad ang mga tao ang ganda ko daw kasi. Joke lang. Syempre dahil sa kambal at hindi dahil sakin no. May nagpeplay na din yung song na Want to want me by Jason Derulo.

~It's too hot to sleep, I got the sheets on the floor
~Nothing on me, and I can't take it no more

Pansin ko lang, ako lang ang nagiisang nakablack na dress. Mga suot nila eh mga pink, red, yellow, blue, orange. Mukha silang rainbow. Tsk. Ako lang nakakaappreciate ng black.

~Where are my keys? Cause I gotta leave yeah
~In the back of the cab, I tip the driver head of time
~Get me there fast

"Hi Ardie"

"Ay rainbow!!" nagulat ako ng may lumapit saking babae sa table.

Mag isa lang kasi ko sa table. Parents namin nasa stage. Yung kambal kukuha daw silang drinks para samin. Si Shawn pinuntahan yung kaibigan nya sa ibang table. Babait ano?! Tss.

"Rainbow? That's not my name. Haha" tatawa na ba ko ate?! tumingala ako at nakita ko ang isang pamilyar na babae.

Teka, sino nga ba to?? Ahh!

"Ikaw yung friend ni Jayvee" sabi ko ng maalala ko kung sino sya.

"Yup. Ako si Deneen" sabi nya at nag offer ng hand.

"Ardie. Teka bat mo ko kinakausap?!" tanong ko sa kanya. First time na may kumausap saking babae na student no.

"Narealize kong tama si Jayvee eh. Bat nga ba kami magpapauto sa Kym na yan?! Pede kitang kausain kahit kelan ko gusto at wala na kong pakialam kung mabully ako at wala na ding pumansin sakin" sabi nya habang nakangiti.

"Ahh thanks?" Di ko alam dapat kong sabihin sa speech nya eh.

"Oh" inabot sakin ni Hendrix yung drinks ko. Tagal tagal na rin akong hindi umiinom. Teka, iced tea?! Seriously?!

"Bat iced tea?! Ano kala mo sakin isip bata?!" reklamo ko sakanya.

"Hindi. Isip baby lang. Uy Deneen andito ka pala" sabi nya at nginitian si Deneen. Tumango naman sakanya si Deneen.

"Ayok nyan" sabi ko. Aba, di ako nagpunta sa ganito para lang painumin ng iced tea no?!

"Kababae mong tao hihingi ka ng alak?! Saka isa pa, ayokong mabugbog nung kapatid mo no" sabi nya.

"May kapatid ka?! Diba only child ka lang nina Mr and Mrs Madrick?!" takang tanong ni Deneen sa akin. Di pa nga pala nila alam.

"Oo ayun sya oh" sabi ko sabay turo sa kabilang table.

"Kamukha mo nga no?!. Ang gwapo naman!" sabi ni Deneen.

"Mas gwapo kaya ako dyan" sabi nya at nagpout pa. Kabaklaan 101 na naman. Tsk.

"Hintayin mo naman na purihin ka hindi yung pinupuri mo yun sarili mo! Tsk" sabi ni Jayvee.

At nagtawanan lang kami. Maya maya nagumpisa na ang kaeklavu ng anniversarry.

"Tonight is the 20th anniversarry of blah blah blah blah blah" di ako nakikinig dun sa emcee. Every year ganyan din sinasabi. What is the sense if you listen again?!

Hanggang sa narinig kong sinabi na, "Let's all welcome the sons of Mr. and Mrs. Smith." tapos umakyat si Hendrix at Jayvee sa stage.

Pinakilala. Nagspeech. Bumaba.

Bumalik ulit sila sa table namin. Andito na din si Shawn sa tabi ko. Maya-maya inistraight ko na lang yung iced tea ko. Wala akong choice ehh!

Pero pagkainom ko, di sya lasang iced tea. Kakaiba. Pero masarap. Maya maya, bigla akong nahilo.

"Cr lang ako" paalam ko sa kanila at tumayo na.

Medyo gumegewang gewang na ko maglakad sa sobrang hilo.

Pagdating ko sa banyo pinakalma ko lang isip ko at pinapawala at hilo. Nang medyo ok na ko, lumabas na ko.

At dahil napakaswerte ko ngayong araw, may nakabagga lang naman akong lalaki galing ata sa cr ng boys.

"Sorry miss. Here, let me help you" sabi ng nakabunggo ko.

"No, I can handle this. Sige na umalis ka na" sabi ko at sinubukang tumayo.

Then, blag!! Tumumba na naman ako. Masyado na naman akong hilo para tumayo.

"C'mon I'll help you" sabi nya at nag offer ng hand.

Tinanggap ko na ang kamay nya at nakatayo naman ako ng matino.

"Miss lasing ka na ata" sabi nya.

"Di ah!! Ayaw nga nila kong bigyan ng alak or wine. Iced tea ba naman binigay sakin?! Isip baby daw ako. Di naman" sabi ko sakanya na parang nagiging bata yung boses ko. Anyare?!

"Iced tea? Miss may halong alak na mataas ang alcohol content yun. Tsk" sabi nya. Kaya pala ko nahihilo.

"Tawagan mo si Hendrix, Jayvee or Shawn. Dalin mo ko sa kanila." sabi ko sa kanya. Pinanindigan na talaga ng dila ko yung pambatang boses ha.

"Di ko sila kilala. Uhmm I know na. Give me your phone. I'll call them" sabi nya.

"Hanapin mo" sabi ko at binigay sa kanya ang shoulder bag ko.

"I found-" di ko na narinig yung sinabi nya kasi bigla yatang nagbrown out dumilim at wala na kong narinig.

Victims Of LoveWhere stories live. Discover now