Hendrix' P.O.V
Iiwan?! Ewan ko pero parang tinamaan ako sa sinabi nya. Napatigil ako at lumingon sa kanya. Mukha syang nahihiya.
"I mean, iiwanan mo ko dito sa hotel?!" Naiisip din pala nya yung other meaning. She's cute.
Ginulo ko yung buhok nya at ngumiti. Nakakawala sya ng badtrip.
"Mag ayos ka na dyan sa kwarto. Higintayin kita at hinding hindi kita iiwan" pang aasar ko sa sinabi nya at nag blush na naman sya. Cute nya talaga.
Pumasok na sya sa room. Naalala ko tuloy nung nakita ko syang ngumingiti sa binili kong breakfast nya napangiti din ako nun pero para di halata, inasar ko na lang sya. Nagets kaya nya meaning?!
1 box cereal
6 apples
4 packs of bread
3 fresh milksOo. Sinadya ko yan kahit napakadami masyado para sa isang tao. I just want to say 1643 to her. Alam nyo meaning non? Syempre hindi. It's a big secret.
Kaya ako natagalan sa market ang tagal kong iniisip yan ha. For brainy only.
"Ano nginingiti-ngiti mo sa pinto?!" Panggagaya nya sa tono ko kanina. Nakangiti na pala ko. Tsk. Tsk. Masama na to.
"Nothing. Let's go" sabi ko at hinawakan ang kamay nya. Haha. Nakakabading.
"Saan tayo pupunta?" tanong nya.
"Do you want to go home?" Tanong ko. Ako kasi ayaw ko pa. Ewan ko ba pero gusto ko pa sya makasama.
"Ikaw?" Tanong nya.
"Not yet" sagot ko. Teka ako nagtanong diba?
"Ok. Uwi ako saglit. Pwede mo ba ko antayin don? Tapos alis ulit tayo." Sabi nya at ngumiti.
"Ok then" sabi ko. Kaya kong maghintay. Ano ba sinasabi ko?! Tch.
"Salamat. Halika na." sabi nya at lumabas na ng pinto. Halika na o Halikan na?! Malamang yung una sinasabi nya. Tinatanong pa ba yun?!
Sumunod na lang ako at nagpunta na kami sa elevator.
Tahimik lang kami sa loob kasi kami lang dalawa. Joke na lang pala kasi biglang bumukas ang hotel at nakita ko ang isang lalaking kamukha ni Ardie.
Oo, kamukha talaga sya ni Ardie napanganga talaga ko sa itsura nya!! Parang lalaking version ni Ardie. May kapatid ba sya?! Naka tshirt sya na black at jeans. Nakaheadphones din sya.
Tinignan ko si Ardie at mukhang ganon din ang itsura na nya. Nganga sya at ang laki ng mata. Huli kong tingin sa kanya singkit sya eh. Anyare?!
Bago pa mapagsarahan ng pinto yung lalaki pumasok na sya. Nakatitig pa rin sila sa isa't isa. Tinanggal ng lalaki ang headphones nya.
"Who the hell are you?!" Sabay nilang sabi. Nagpractice ba sila kanina?! Magkaparehas na magkaparehas ahh.
"Ok. What's your name?" Tanong uli nung lalaki.
"She-" naputol yung sinabi nya ng magsalita ako.
"Bakit naman nya sasabihin sayo?" Singit ko. Wala akong tiwala dito. Kakakilala lang nila sasabihin nya agad pangalan nya?!
"Because there's a possibility that we're related" cool ba sabi nya.
"And there's also a possibility that you're not." Sabi ko. Ewan ko ba at parang matagal na kong galit sa kanya. Parang hindi ito yung una naming pagkikita. I feel that I know him and I hate him.
Nagbukas na yung elevator at nasa groundfloor na kami.
"Here's my number call just call me if you want to know me" sabi nya at umalis na.
Nakatulala pa rin si Ardie kaya hinatak ko na sya palabas ng hotel.
Sinakay ko na sya sa kotse at pinaandar ko na papunta sa kanila. Alam ko naman bahay nila.
Di sya nagsasalita sa buong byahe. Nakatingin lang sa calling card na bigay sa kanya nung lalaki.
"May nakalagay bang pangalan?" Tanong ko sa kanya.
"Shawn Aijen... Madrick" sabi nya na halos ibulong na lang yung huli nyang sinabi.
So they're related pala. Para tuloy akong napahiya sa ginawa ko kanina. Tsk. Pero may something talaga dun sa lalake eh. Di ko alam kung ano.
"Sorry kanina. I just protecting you if he's lying" sabi ko. Totoo naman ehh. Pinroprotektahan ko lang sya. Pero sino nga ba ko para protektahan sya?! Psh.
"Ok lang. Thanks for your concern." Sabi nya at sa wakas ngumiti na rin. Kanina pa kasi sya tulala ehh.
Andito na kami sa bahay nila. Pinagbuksan ko sya ng pinto at inalalayan syang bumaba. Pumasok na kami ng bahay nila.
"Upo ka muna dyan maliligo lang ako at magbibihis." Sabi nya at umakyat na.
ČTEŠ
Victims Of Love
TeenfikceMy first book here in Wattpad. Hope you like it anyways This is a story of a girl who just love a boy. But at a wrong time. Huli na pala ang lahat. Will they fought for their love? Or will they become just a victim of love?