"Parang Mahal ko na nga siya"
"Parang Mahal ko na nga siya"
"Parang Mahal ko na nga siya"
Salitang paulit-ulit na gumigimbal sa buong pagkatao ko, kirot ? Selos ? Takot ? Ganun ba ang nararamdaman ko satwing maalala ko ang pag uusap namin ni Ram 2 weeks ago. Parang may kirot sa puso ko na hindi matanggap na may iba pala siyang gusto. Selos, kasi panu nalang kapag may bago or dati pala na may naiwan siyang girlfriend dito, panu yung atensiyon na gusto kung para sakin ? Haist. Di ko na alam gagawin ko. Sana naging babe nalang ako. :(
Lumipas ang dalawang linggo simula ng mamalagi ako kila tita ng one week, ngayon nga lunes na naman ibig sabihin may pasok na naman, parang ayoko pumasok. Simula kasi nung lunes pumasok na siya.. Si Ram Jake, andameng mga umaaligid mapa babae man o bakla, yun bang parang nagpaparamdam sa kanya. Ewan ko lang kung gustong-gusto naman niya sa pagkakakita ko kasi masaya naman siya as in masaya. Oo aaminin ko gusto ko na siya dati pa, alam ko sa sarili ko sat'wing naalala ko siya nung mga panahong bata pa kami kung paano kami maglaro, maglambingan. Sabihin na nating mga bata palang kami noon pero sa murang edad na yun doon nabuo ang ibang saya nadulot ng magkasama kami.
Pero ngayon wala nakung magagawa e kundi tingnan nalang siya, di ko nga napansin na nandito na ko sa classroom namin siguro sa kung anu-ano iniisip ko nakalimutan ko na kung ano pinanggagawa ko. Simula ng pumasok siya minsan nalang kami mag kibuan, although nagpapansinan naman katulad ng typical na kamustahan, ganun lang ang nangyari samin sa loob ng isang linggo simula ng pumasok siya, ambilis nga e na may mga bago agad siyang mga kaibigan sabagay sa pagkakakita ko palang sakanya mabait naman talaga.
"Mr. Alexis" pagtawag sakin ng Math teacher ko.
"Ye...Yes po mam ?! Utal na sagot ko. Patay... Di ko pa naman hilig ang pesteng subject na to.
Katahimikan ang namutawi sa loob ng room namin ng maagaw ang pansin nila sakin. Yun bang parang naghihintay sila kung ano ang maisasagot ko.
"Answer this on the board ?! Pagtawag sakin ni mam sakin sabay abot ng chalk.
"Ah... Eh.. Pinagpapawisan akung tumayo mula sa kinauupuan ko kanina, base sa paningin ko nag aantay sila sa isasagot ko.
"You may take your set now Mr. Alexis, sa susunod na makita pa kitang tulala at wala sa lecture natin ang atensiyon mo palalabasin kita. Mataray na pagpapaliwanag sakin ni mam chavez.
"Im sorry mam". Di na po mauulit.
-----
"Ano bang nangyari sayo bat parang nung nakaraang araw kapa tulala ha, napapansin ko lang may problema ka ba?! Tell me handa ako makinig jerome. Sabi ng makulit kung kaibigan na si Anne habang papunta na kami ngayon sa canteen para mag lunch."Wa.. Wala akung problema, sadyang alam muna may iniisip lang.
Napataas nalang ng kilay ang kaibigan ko na to na parang hindi kumbinsido sa sagot ko pero hindi narin naman siya nangulit pa.
Habang naglalakad kami ni Anne papuntang canteen ng may biglang nahagip ang mata ko na siyang dahilan ng pagkawala ko sa wisyo, may kasamang babae na para bang ang sweet sweet nila nakapulupot ang kamay ng babae sa mga braso ni Ram. Sweet nga. Oo yun nga sweet nga.
"Sino ba yang tinitingnan mo? Hoyyy. Pagtawag pansin sakin ni Anne.
"Ah.. Eh.. Wala, tara na nagugutom na ako.
Ako na ang nag pila para umorder ng kakainin namin na siya namang sinang ayunan niya at siya na raw hahanap ng mauupuan namin. Matapos makapag order sa pila ng relief goods atlast nakahinga narin ng maluwag e pano ba naman kasi dinaig pa ang pila sa pagkuha ng relief. Kaya ang siste.. Gutom na gutom ang bagsak.
BINABASA MO ANG
Give Your Heart A Break
Romance"Love Knows No Boundaries" pero no boundaries pa nga ba kung nahanap mo ito sa kapwa mo LALAKI ? A relationship is only for two people "Men&Women" katagang laging sumi-sink in sa utak ko, katagang gumigimbal sa buong pagkatao ko, katagang bukambibig...