Part 6

43 4 0
                                        

Mistulang kidlat ang galaw ko papunta sa pinapasukan kung eskwelahan para makausap si Bren... Buo na ang desisiyon ko na sasagutin ko siya mismo ngayong araw. Siguro tama na ang pagkulong ko sa puso ko sa sariling hawla para maibsan ang minsang kalungkutan ng dahil kay..... Siguro ito na nga talaga ang taong para sa akin..ang taong mamahalin ko at mamahalin ako ng buong-buo. Siguro ito na yata ang tamang panahon para kalimutqan ko na ang nararamdaman para kay Ram.... Hmmm..
Namalayan ko nalang ang sarili ko na nasa tapat na ako ng campus namin , weeks bago ang naturang graduation day. Habang papasok ako andaming bulong-bulungan ng mga estudyante habang nakatingin sila sakin. Problema nito ? Ang iba habang nagsasalita nakatingin sa akin habang yung iba naman ay tuwang-tuwa naman. Habang naglalakad ako ng biglang may lumapit sa akin ng grupong kababaihan na sa tingin ko naman ay mga magkakaibigan at kapwa mga 4th year din yata, "goodluck sainyo"  nakangiting sambit nila aniya dahilan upang mapakunot ang noo ko, wala pang dalawang segundo ay naiwan akung nakatulala sa kinatatayuan ko.
Habang palapit na palapit ako sa room namin ay may biglang nag abot sakin ng tatlong mapupulang rosas na may mahahabang hawakan. Tinanong ko naman kung sino ang nagpapabigay tanging ngiti lang ang isinukli sakin ng babaeng sa tingin ko ay nasa grade 8 palang base sa hitsura niya.
Pagbungad ko sa pintuan kung saan ang room namin ay katahimikan ang namayani sa paligid, halos karamihan nakangiti habang nakaharap sila sakin. Pagtingin ko sa mismong likuran ay unti-unting siyang lumapit sa harapan na nakangiti habang nakatitig sakin at nagtitipa ng gitara habang sinasabayan niya ng pagkanta, putik di lang pala gwapo, hunk at basketball player kundi magaling din kumanta nasambit ko sa isipan ko.

Pero teka... Sandali, anung ginagawa nito dito e sa kabila siyang section ha, pero isinawalang bahala ko nalang.

"Psstt. Ang pogi niya no?! Pagtawag ko sa matinong bahagi ko.
Busy ako mamaya nalang. Tsee. Kahit kelan talaga ang KJ netu. Panira.tsss.

Lumapit sakin si Bren ng nakangiti matapos niyang kantahin ang kantang "kahit kailan by southborder".

"Oh Love para sayo ? Abot niya ulit sakin ng isang pink na rosas. Na siya namang kinapula ng mukha ko, hiyawan ang umalingawngaw sa buong kwarto ng room namin dahil sa kilig na nadarama ng mga kaklase ko. Di ko namalayan na andami na palang tao sa labas at lahat ng bintana ay nakabukas at may nakasilip na mga studyante.

"Kiss.. Kiss.. Sigaw ng mga estudyante samin. Eh yung isa naman nakangiting nakakaloko sabay halik sa noo ko at yakap sakin. "Love nabuksan mo ba yung box na binigay ko sayo" tanong niya habang dahan-dahan siyang kumakalas sa yakapan namin.

Agad ko naman itong ibinigay sa kanya ng naka ngiti lang at dahan-dahan lumuhod sa harapan ko. Halos di ko na matandaan kung bakit andito na kami sa pinaka gitna.

"Love simula ng kumanta nung prom mapa hanggang ngayon mahal na mahal kita, sana lagi mo yan tatandaan na andito lang ako para sayo walang taong makakapanakit sayo kundi ako ang makakalaban nila, kaya love sana tanggapin mo to, sabay bukas ng maliit na box , love will you be my partner ? Bawat katagang binibitawan niya ay tagos sa puso ko. Tanung niya habang ako naman ay nakatingin lang sa kanya habang umiiyak, umiiyak dahil sa saya at galak na nararamdaman ko, hindi ko aakalin na may taong mag e-effort para sakin hindi ko alam kung ano tung papasukin namin pero sinisigurado ko na magpapakatatag kami. Kahit ano pa ang sabihin ng mga taong nakapaligid sakin..samin ni bren.

"Yes love, tinatanggap ko na magiging partner mo" nakangiting sambit ko habang nakatitig sakanya. Di namin inalintana ang mga taong nanonood samin basta ang mahalaga ay nagmamahalan kami. Agad niyang isinuot sakin ang isang singsing yung may nakaukit na "Bren & Romesabay kuha ko rin sakanya nung isa na may nakasulat na "Rome & Bren" at isinuot ko rin sakanya. Palakpakan at hiyawan ang sumunod na nangyari hanggang sa dumating ang 1st subject namin na siya namang kinatahimik namin lahat.

Give Your Heart A BreakMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon