---------
Katahimikan ang namayani sa pagitan namin matapos kong makaupo. Halos di ko na matiis ang nakakabinging katahimikan na namumutawi sa pagitan namin.
"So, ano ngang ginagawa mo dito? Muling ulit ko sa tanong ko.
"Wa..wala nagpapahangin lang" alangang sagot niya, nagpapahangin? Kulang ba ang buga ng aircon sa loob ng kwarto namin?
"Awww OK sabi mo e" tatango-tango kong sagot, sadyang di talaga ako kumbinsido.
"Ikaw? Siya.
"Ha? Anung ako? Kunot na tanong ko sa kanya paharap.
"Ikaw.. I mean ano ginagawa mo dito? Tanong niya muli habang nakaharap na naman sa malawak na karagatan.
"Wala, kanina kasi nagising nalang ako sa sobrang sakit ng puson ko kaya ayun, pagbalik ko sa kama galing CR wala ka sa tabi ng girlfriend mo kaya hinanap kita, kanina kasi sabi mo napupuyat kana pero ngayon andito ka sa oras na to, di naman halatang inaantok kana" sunod-sunod na paliwanag ko sa kanya.
Muling katahimikan ang pumutol sa pagitan namin, halos wala na naman ang gustong magsalita samin. Kaya napagdesisyunan ko nalang na bumalik sa kwarto para matulog nalang ulit tutal may oras pa naman.
"Mauna na ko, sunod ka nalang" paalam ko sa kanya matapos makatayo.
"Aaaa... Mamaya na, di naman mawawala ang boyfriend mo dun" iritang sambit niya sabay hila sa kamay ko dahilan upang mapa upo akong muli sa tabi niya sa napaka puting buhangin ng dalampasigan.
Tahimik
"So, anung atin !? I mean pag uusapan natin.. Kasi pinigilan mo ko matulog? Confident na tanong ko sa kanya na di man lang sinubukang lingunin ako. Naku, konti nalang mababaliw na ako sa taong to. Napaka vague ng mga sinasabi at pinapahiwatig niya di ko naman masyadong ma gets kung ano ba talaga ang gusto niyang iparating o ano.
"Wa..wala naman" maiksing sagot niya sa kabila ng tanong ko sa kanya, wala naman palang pag uusapan pipigilan pa ko. Kingina namang lalaking to siguro naka singhot to ng katol.
"Ano ? Wala? Jusko naman Ram wala naman pala, mauna na ako" iritang sambit ko.
"Mamaya nalang ok may itatanong ako kasi kumukuha lang ako ng tiyempo" paliwanag niya sa napakalumanay ng boses mapapatigil ka talaga sa sobrang sincero ng boses niya ngayon. Kayat muli akong umupo sa tabi niya dahilan upang dumikit ang mga braso namin na natatakpan ng Jacket.
"So, bakit tumugon ka kanina?" Tanong niya sa akin habang nakaharap sa malawak na karagatan.
"Ha? Tumugon? Saan?" Balik ko sa kanya di ko kasi alam ang nais niyang iparating.
"Kanina.. Bakit ka tumugon sa halik ko?" Seryusong ulit niya ng tanong ng nakaharap na sa akin wari mo may problemang gustong kumawala.
Bigla akong kinabahan sa tanong niya, maging ako di ko masagot ang katanungan niya. Kaya imbes na sagutin ko siya ay bigla nalang akong tumayo pari umalis na sana. Di ko naman talaga alam kung ano ba talaga ang rason o kasagutan sa kabila ng pagtugon ko sa halik niya. Oo, sabihin na nating mahal ko siya noon na mapa hanggang ngayon may puwang parin siya sa puso ko pero sapat na ba ang rason na yan para sagutin at tugunin ko ang halik at tanong niya. Di ko alam e, maging ako naguguluhan rin. Pag iwas muli ang tanging solusyon katulad ng dati na di ko pag amin sa kanya para makaiwas sa katanungang di ko alam kung saan hahantong o may maganda bang rason para sagutin ang naungkat na namang sitwasyon.
"Jan ka naman magaling diba? Sa palaging pag iwas. Palagi ka nalang umaalis satwing may importanteng pag uusapan, pag di mo masagot iiwas kana naman. Ganyan kana ba talaga ka manhid ? Ha?" Pasigaw na bulyaw niya dahilan upang matigil ako sa paglalakad ko at bumalik sa harapan niya.
"Kung sabihin ko sayo, ako ang mas dehado Ram Jake, ako.. Ako.. Ang mas nasasaktan satwing umiiwas ako. Sa bawat salitang sinasambit mo may mga salitang tumutusok isa-isa sa puso ko, "sabay turo sa dibdib ko. Pano ako di iiwas ? Ni tanong mo di ko naman masyadong maintindihan. Paramdam ? Puro nalang paramdam ni pag sabi nga ng totoo di magawa.
"Ngayon..Direktahin mo nga ako Ram Jake kung ano ba talaga ang rason mo kung bakit ganyan ang inaasta mo? Ano ba ang gusto mong palabasin ha?! May mali ba akong nagawa dahilan upang guluhin mo ang puso't isip ko ? Ha? Malumanay na tanong ko sa kanya habang patuloy na dumadaloy ang mga luha ko.
"Bakit.. Bakit ka tumugon sa halik ko kanina? Muling ulit niya sa tanong niya kanina sa malumanay na tono ng boses niya.
"Yan ba talaga ang gusto mong sagutin ko? Pwes Ok para magkalinawan tayo.
BINABASA MO ANG
Give Your Heart A Break
Romantik"Love Knows No Boundaries" pero no boundaries pa nga ba kung nahanap mo ito sa kapwa mo LALAKI ? A relationship is only for two people "Men&Women" katagang laging sumi-sink in sa utak ko, katagang gumigimbal sa buong pagkatao ko, katagang bukambibig...
