Part 5

48 3 0
                                        

Teka anung ginagawa nila dito ? Si Ram at si Bren. Magkakilala sila !? Tanung ko sa sarili ko.

"Ohh anak andiyan kana pala sabay napalingon rin sakin yung dalawa ng magsalita si mama na nakatingin sa direksiyon ko.
Mga ilang segundo ako nakatulala ng biglang tumikhim muli si mama na dahilan upang magising ang diwa ko.

Katahimikan ang namayani samin hanggang sa matapos kami kumain. Si mama na ang naghugas ng pinagkainan namin ako na daw ang bahala sa mga BISITA ko daw ? Na agad naman sinimangotan ko lang. Mapa hanggang ngayon na nasa sala na kami katahimikan parin ang namutawi samin, ako na ang nag putol ng katahimikan kasi nakaka suffocate talaga.

"So, Bren !? Anung atin ba't biglaan naman yatang pumunta ka ? Alam niya kasi ang bahay namin. Simula kasi nung gabing nagkausap kami na umamin siya na kung pwede daw ako ligawan hinatid niya ako dito matapos nga kaming mag usap.

"Ah..eh.. Di niya natapos ang sasabihin niya ng bigla bigla nalang sumusulpot si mama na ikina simangot ko. Si mama na ang nagpatuloy ng pag sasalita di ko naman siya tinatanong.

"Nagpaalam siya sakin anak kung pwede ka daw ligawan, syempre pumayag naman ako e ka gwapo ng manliligaw mo tatanggihan ko pa ba? Walang pa kyemeng sambit ni mama. Biglang nag init mukha ko ng sabihin yun ni mama. Siguradong pulang-pula ang mukha ko nito, kakahiya.. Kanina daw kasi mas naunang dumating si bren kesa kay... Kay Ram kaya ayun mas matagal na nag usap sila mama at bren ayun daw nagpaalam kung pwede daw manligaw. Na sinagot naman ni mama na malaking "Oo".
Napasulyap naman ang mga mata ko sa isang taong minahal ko noon pero may kunti pa naman siyang puwang sa puso ko, na para bang may kirot sa mga mata niya. Ewan, di ko alam kung malungkot ba siya o ano. Anu naman rason niya para malungkot siya e sa may girlfriend na siya.
Lumipas ang oras na nandito lang ako sa kwarto matapos ng sabihin yun ni mama inaalala kung ano ang susunod na mangyayari sa buhay ko. Halos araw araw nag eeffort si Bren sa panliligaw kung anu-ano ang ibinibigay nariyan ang bouquet of roses, Imported chocolates, stuff toys na sa pagkakabilang ko dalawa na ang human size na teddy bear kulay pink & blue na siya namang nagsabi na baby daw kuno namin pansamantala. Napatawa nga ako ng ibinigay niya yun sa akin. Di ko aakalain na may manliligaw sakin tapos nag paalam pa kay mama kaya tuwa at saya ang nararamdaman ko sa kanya. Bigla ko naman naisip nung gabing-gabi na nag usap kami sa park;

Flashback

"So..sorry pasensiya na inabala pa kita" sabi niya sa malungkot na boses.

"Ok lang. So, anung problema natin ? Handa akung makinig malay mo may maitutulong ako sayo. Sabi ko sa malumanay na boses.

"Ano.. Kwan... Ano kasi. Sabay kamot sa ulo niya. Na nagdadalawang isip pa kung sasabihin niya ba o hindi.

"Ano nga kasi, naku naman gabing-gabi na oh sabihin muna kaya nga pinuntahan kita kasi kaibigan mo ko, sige.....di ko naituloy yung sasabihin ko ng putulin niya at agad agad na nagsalita ng walang pagputol at alinlangan.

"Gusto kita, i mean higit pa sa isang kaibigan, simula pa nung kumanta ka nung prom, pwede ba kitang ligawan. Walang putol na sambit niya na siya namang nakayuko lang pero ako nakatitig lang sa mukha niya.

Nakatitig lang ako sa kanya ng bigla ko din inangat ang mukha niya para makaharap sa kin.

"Look, bren.. Kaibigan kita ayoko masira ang pagkakaibigan natin. Pero kung gusto mo talaga ako bilang magiging kabiyak mo sino ba naman ako para tumutol sayo kaya OO ang sagot ko" sabi ko sa kanya, napag isip isip ko rin naman na wala ng patutunguhan pa yung pagmamahal ko kay Ram Jake kasi magkaiba naman kami ng nararamdaman kaya sa tingin ko oras narin para bigyan ko naman ang sarili ko ng atensiyon, ito na yata ang oras para maging masaya na rin naman ako. "Pero ito lang ang masasabi ko sayo Bren sana alam mo ang papasukin mung sitwasyon kasi alam mo naman diba na mahirap ang relasyon na to?! Sabi ko sa kanya na siya namang nagpaliwanag na "wala siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao kasi hindi naman daw sila hinihingian ng opinyon" tinanong ko naman siya kung paano naman kapag nalaman ng pamilya niya na sinagot niya lang ng malapad na ngiti.

Give Your Heart A BreakMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon