Part 4

46 4 0
                                    

Lunes at pasukan na naman, habang papasok ako ngayon sa campus ng school na pinapasukan ko halos puro nakangiti ang sumasalubong na mukha sakin,  anyaree ? Ba't parang nagbago sila kung dati parang wala lang ako i mean yung parang di nila masyado binibigyan ng atensiyon pero ngayon bat parang bigla naman yata nagbago. Habang nasa kalagitnaan na ako mula sa gate ay may dalawang babae ang lumapit sakin upang puriin ako nung Saturday which is nung prom night ang ganda daw at ang galing daw pala ng boses ko. Na nginitian ko nalang at nagpasalamat.

Halos araw-araw ngininginitian na nila ako at hindi magkamayaw na purihin ako, pati nga si mam kinikilig daw siya sakin dahil hindi niya inaakala na ganun daw pala ang epekto ng boses ko sa kanila. Over all masaya naman, nakakapanibago nga lang na pinupuri ako pero masaya naman kahit papanu. Yun nga lang parang may kulang di ko maipaliwanag kung ano. Pero alam ko sa sarili kung may kulang talaga, yun bang parang may hinahanap ang puso mo pero maski sarili mo di mo alam kung ano talaga yun. One day habang nasa loob ako ng CR naghihilamos ng marinig kung bumukas yung pinto bale nakatalikod ako sa pintuan salamin naman ang nasa harapan ko di ako nagtangka kung sino ang pumasok kasi sa malamang kapwa studyante ko to. Pero nagtaka ako na parang tinatawag niya pangalan ko kay agad akung tumalima para tingnan kung sino ang tumatawag sa pangalan ko pag harap ko yung isa sa pinaka tinitilian ng mnga kapwa ko student sino ba naman ang hindi makakakilala sa isang Bren Santillan na aaminin ko naman talagang gwapo, matangkap, maputi, maskula yung parang tamang-tama lang sa katawan niya pero malakas ang sex appeal base sa tingin ko sa malapitan.

"Hmmm.. Pagtikhim niya dahilan upang mamula ang mukha ko baka nahuli akung nakatitig na pala sa kanya.

"Ah.. Eh.. Taranta kung sabi.. Ba.. Bakit tinatawag mo ko? Pagpapatuloy ko upang maalis ang pagkapahiya ko.

"Ah. Wala gusto ko lang sana sabihin sayo na hanga ako sa boses mo nung nakaraang prom grabe di ko aakalin na ganun pala kaganda ang boses mo, tuloy tuloy na pagpapaliwanag niya. "Hinanap nga kita nung natapos kana kumanta pero di na kita nahanap. Walang pigil niya sa pagsasalita.

Tinanong ko naman siya kung bakit niya ako hinanap gusto niya raw kasi akung isayaw nung gabing yun dahilan upang maubo ako ng todo todo e sino ba naman kasi ang hindi mabibigla sa sinasabi niya e sa lalaki siya siguradong pagtitinginan kami.

"O.. Ok ka na ba ? Tanung niya matapos ako mahimasmasan. Sinagot ko naman na OK lang ako na siya namang tinanguan ko lang. Nagpasalamat naman ako sa papuring sinabi niya na sinagot lang ng pamatay na ngiti. Oo aaminin ko na gwapo talaga siya siguro hindi siya tatanggihan kapag nanligaw na siya sa mga babae. Napatigil ako sa pag lalakad ng tuluyan kung mahawakan ang door knob ng pinto ng bigla siyang mag salita ulit.

"Pwede bang makuha ang number mo ? Na siya namang nagpakunot sakim pero dahil ayaw ko namang maging bastos sa tao kaya ibinigay ko naman magtitxt nalang daw siya mamaya pakatapos ng practice nila sa basketball isa kasi siyang varsity player ng school namin bale pareho kaming graduating sa high school this March.
---
Lumipas ang mga araw na ganun parin ang set up namin ni Ram hanggang sa pag sulyap nalang ako sa kanya habang masaya sila ng girlfriend niyang nagkukulitan. Halos araw araw ko silang nakikita sa may puno ng malaking mangga sa loob ng campus namin. Pero isinantabi ko nalang tutal dun naman siya masaya. Halos araw-araw nga nang may nagpapadala sakin ng mga sweet messages na napag alaman ko naman na si Bren pala remember yung himingi ng cp number ko.
Ngayon nga't nasa loob na ako ng kwarto ng maramdaman kung nag vibrate phone ko ng tiningnan ko kung sino ang tumatawag unregistered number kaya napag desisyunan ko nalang di sagutin kasi di ko naman kilala siguro naman di yan importante natigil naman ang pag vibrate ng phone ko ng ilang segundo hanggang sa paulit ulit itong umikot dahil sa pag vibrate kayat napagdesisyunan ko nalang sagutin.

"Hello. Sino to? Tanung ko sa malumanay na boses. Matagal na katahimikan ang namagitan sa amin ng kausap ko sa kabilang linya habang inaantay ko kung sino ang tumatawag natu ang taghal pa ngang sagutin. "Hello ?? Sino nga to. Iritang sambit ko. Kung wala kang mapagtripan sa buhay wag mo ko idamay ha, tuloy tuloy na sabi ko sa iritadong boses.

Give Your Heart A BreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon