Titig na titig sakin ang mama ni bren na wari sinusuri ako.
"Nice meeting you hijo sabay lapad ng ngiti matapos ang seryusong mukha napalitan naman ng sobrang lawak na ngiti dahilan upang gumaan ang loob ko at naibsan ang kaba ko.
"Ah.,eh.. Salamat po ma'am" utal na sambit ko.
"No, tita Rebecca nalang ang itawag mo sa akin tutal boyfriend slash girlfriend ka naman ng unico hijo ko" sambit niyang nakangiti.
"Hi balae, sambit naman ng nanay kung shunga-shunga rin nakakahiya tuloy. Si tita naman balae narin ang tawag kay mama hanggang sa nag take kami ng picture. Nag aya pa nga sila na sa kanila nalang kami dumiretso kaso tinanghihan namin kasi nakakahiya naman tsaka may hinanda narin mga pinsan at kapatid ni mama samin para sa salu-salo namin.
Pagkauwi namin ay nag salu-salo kami sa mga hinandang pagkain ng tita at pinsan ko na ang iba ay ngayon lang nagpakita. Ewan ko nga kung bakit ngayon lang to nagpakita-kita siguro dahil narin sa handaan. Hahaha di joke lang.
---
Nagising ako kinabukasan sa katok ni mama mula sa pintuan ng kwarto ko. "Sandali lang po ma" pupungas na binuksan yung pintuan."Oh bakit po ma? Tamad na tanung ko dito.
"Nak.. Pasensya kana kung ginising na kita, alam ko namang pagod na pagod ka pero kailangan mo talagang pumunta ng school para ibalik yung toga mo. Tsaka diba nasabi sakin kahapon bago tayo maghiwa-hiwalay nila bren ay may outing pa kayo, kaya dalian muna anak mag ayos kana" malumanay na sambit ni mama sabay gulo ng buhok ko.
Halos wala pang kalahating oras ay natapos na ako mag ayos kunting kuskos lang ang ginawa ko. Nagpaalam na rin ako kay mama na didiretso na ako sa school at dadaanan ko nalang mamaya yung gagamitin ko para sa out of town na outing daw namin di ko alam kung sino ang mga sasama o sino ang mga kasama.
"Love asan ka? Papunta na ako ang school, ready na ba yung mga gagamitin ko para mamaya sa outing natin? Tanung ni bren mula sa text. Na nireplyan ko naman na andito na ako sa school.
Halos wala pang isang oras ay nagsidatingan naman mga ka kaklase ko di naman sila excited sa lagay nayan. Napag alaman ko din na may sasama mula sa kabilang section di ko naman tinanong kung sino at ilan kasi di na naman mahalaga yun sakin e.
"Love, tulala kana naman? May problema ba? Tanung niya mula sa likuran ko habang nakayakap amoy na amoy ko ang napaka masculine niyang pabango na gustong gusto maamoy ng ilong ko.
"Ah.. Eh wala naman love, bakit mo naman natanong?" Kunwari kung tanong kasi alam ko naman na nahuli na naman ako nitong nakatulala ayaw pa naman yan na may problema ako.
"Tulala kana naman kasi, ano na naman ba iniisip mo? Halos ilang araw na kitang nakikitang tulala. What's you're problem love tell me? Balik niyang tanong habang nakayakap parin siya sakin mula sa likuran.
"Hoyy tama na yang lampungan, mamaya na yan.. Asikasuhin niyo na ang gagamitin niyo mamaya para sa outing" sigaw ng kaibigan kung shunga shunga din, sino pa ba only binay. Hahaha Si anne. Dahilan upang mapatigil kami sa paglalambingan at pag uusap.
"Hoyy ikaw panira ka talaga kahit kelan, ewan ko ba sayo kung bakit napaka bitter mo sakin palibhasa walang boyfriend. Tse. Sigaw ko rin sa kanya, ganyan kami maglambingan niyan.
"Tsee. Umasikaso na kayo, naalibadbaran ako magtatanghali napaka tamis niyo parin diyan, naku..naku.. umalis na nga kayo para mag impake ng gamit, kanina pa kayo diyan. Naiiritang natatawa na pagtaboy ng gaga.
BINABASA MO ANG
Give Your Heart A Break
Romance"Love Knows No Boundaries" pero no boundaries pa nga ba kung nahanap mo ito sa kapwa mo LALAKI ? A relationship is only for two people "Men&Women" katagang laging sumi-sink in sa utak ko, katagang gumigimbal sa buong pagkatao ko, katagang bukambibig...