Part 2

87 3 0
                                    

"Ma naman e. Noon yun" maktol na sabi ng anak ni tita.

"Ka.. Kamusta kana ? Biglang sambit ko dahil paranako mawawalan ng Malay, jusko naman walang kaabog-abog ang naghuhuramintado kung puso. Tengene.

"O.. OK lang naman, ikaw ? Tagal na natin di nagkita ha? Sunod-sunod na sambit niya.

"Mabuti naman" sagot ko.

Yung feeling na pag sa ibang tao ang kaharap mo daig mo pa ang radio announcer, e ba't ngayon parang may mali sa akin ha.

"Ahemm.. Diyan lang muna kayo ha, punta muna ako kay kumare hijo. Pagputol ng katahimikan ni tita.

"Opo tita, sagot ko.

"TYT anak" si tita yan.

"Ma naman e, ano ba !? Maktol na sagot ng kanyang anak.

Mabuti pa ang mag inang to nagkakaintindihan e kami ni mama puro lang barahan ng isa't-isa. Haha

"Yan naman ang hinihintay mo diba?! Dugtong muli ni tita sa anak niya.

Simangot nalang ang naisagot ng medyo maangas na kaharap ko.

"Upo ka ?! Pag alok ko da kanya.

"Salamat.

Tahimik.

"Ba't biglaan naman yata na bumalik kayo? Muling tanong ko sa kabila ng katahimikan na namamayani saming dalawa.

Napag alaman ko mula sa kasagutan niya na lilipat daw muna sila dito ni tita ngayong mag 4th year na siya. Tinanong ko pa nga siya kung bakit naman bigla-bigla e mag 2nd quarter na sagot niya lang sa akin ay "May gusto lang akong balikan dito may naiwan kasi sakin na isang taong mahalaga sa akin."

Siguro yung girlfriend niya taga dito sa probinsya namin kaya siguro siya nagbalik.

Kinaumagahan.

🎶Im feeli'n sexy and free, the rain is pouring on me🎶

Napabalikwas ako sa hinigaan ko ng marining ko ang ringtone ng phone ko. Umagang-umaga istorbo naman ang pesteng to. Puyat yung tao mang iistorbo.

"Hi" sambit sa kabilang linya ng sagutin ko ang cellphone ko ng di man lang tinitingnan kung sino ang tumawag e sa napupuyat pa ko kagabi dahil sa kakaisip kay.. Ay naku erase.. Erase..

"Sino to ?! Tanung ko na medyo husky pa ang boses ko.

"Ah e. Si ram to' binigay kasi ni mama digit mo tawagan daw kita.

Di pa nga ako nagtatanong kung san niya nakuha sinagot na agad. Tsss.

"Bakit daw !? Tanung ko muli.

Napag alaman kung pinapapunta daw ako ni tita di naman sinabi kung ano naman ang dahilan, nag presinta pa nga na sunduin ako inayawan ko kasi medyo malayo na to, nakakahiya naman.

"Hwaw nahiya pa siya oh, ayaw mo nun ? Chance muna yun na masolo siya" sabi ng konsensya ko.

Medyo malayo ng kunti ang isang bahay nila tita mula dito sa min, dalawang jeep pa ang sasakyan para makarating lang dun.
Bakit kaya ako pinapapunta ? Siguro payag na siyang maging kami ng anak niya ?! Haha ano ba tong pinag iisip ko e may naiwan yatang GIRLFRIEND dito ang anak niya. Tsss. Hoooo.

Bigla nalang nawala yung puyat ko. Kainis naman oh, Tumayo nalang ako sa pagkakahiga para tumungo sa CR para maligo na, nakakahiya naman sa istorbo sa tumawag. Hay naku "sabi nga nila gulantangin muna ang lasing wag lang ang bagong gising". Pagkatapos ko maligo at makaopagbihis bumaba na ako papuntang kusina para mag agahan.

"Oh bat bihis na bihis ka?! San ang lakad natin jan anak? Tanung ni mama sakin.

Wala man klang bati-bati jan ma ng good morning !? Nakakalowka.

Give Your Heart A BreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon