Natapos ang halos na apat na araw ng outing namin ng mga classmates at batchmates ko, masasabi kong masaya, napaka ganda nilang kasama at napaka kwela.
Kasalukuyang nasa kwarto na ako ni Bren nakahiga..iniisip ang mga nangyari sa apat na araw na pamamalagi namin sa resort, maraming nangyari agad sa loob ng ilang araw lang, iniisip ang mga sinabi niya..ni Ram.. Hindi ko alam kung ano na ba ang kahahantungan ko, msisira pa yung pinagsamahan namin ? Ganun nalang ba mangyayari ang lahat? Samu't-saring emosyon ang bumabalot sa pagkatao ko; mabuti pa si Bren himbing na himbing na ang tulog.. ako.. ito lutang parin sa mga nangyayari. Nakalimutan pa namin mag meryenda siguro nagdalawang isip na si tita na katukin kami dahil sa pagod na rin naman kami. Panu nalang kung hindi ko pa to boyfriend? Siguro ok pa kami ni Ram..pero hindi ibig sabihin nun pinagsisisihan ko na naging kami nitong katabi ko kasi halos araw-araw pinapakita niyang mahal na mahal niya ako. I love him...kaya nga di ko nasagot si Ram about sa tanong niya. Kasi hindi ko kayang iwan siya..si Bren... Dahil pinarealize niyavsakin na masarap ang magmahal.
Tahimik.
Flashback
Katahimikan ang namayani sa pagitan namin matapos kong makaupo. Halos di ko na matiis ang nakakabinging katahimikan na namumutawi sa pagitan namin.
"So, ano ngang ginagawa mo dito? Muling ulit ko sa tanong ko.
"Wa..wala nagpapahangin lang" alangang sagot niya, nagpapahangin? Kulang ba ang buga ng aircon sa loob ng kwarto namin?
"Awww OK sabi mo e" tatango-tango kong sagot, sadyang di talaga ako kumbinsido.
"Ikaw? Siya.
"Ha? Anung ako? Kunot na tanong ko sa kanya paharap.
"Ikaw.. I mean ano ginagawa mo dito? Tanong niya muli habang nakaharap na naman sa malawak na karagatan.
"Wala, kanina kasi nagising nalang ako sa sobrang sakit ng puson ko kaya ayun, pagbalik ko sa kama galing CR wala ka sa tabi ng girlfriend mo kaya hinanap kita, kanina kasi sabi mo napupuyat kana pero ngayon andito ka sa oras na to, di naman halatang inaantok kana" sunod-sunod na paliwanag ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Give Your Heart A Break
Storie d'Amore"Love Knows No Boundaries" pero no boundaries pa nga ba kung nahanap mo ito sa kapwa mo LALAKI ? A relationship is only for two people "Men&Women" katagang laging sumi-sink in sa utak ko, katagang gumigimbal sa buong pagkatao ko, katagang bukambibig...
