"Love, gising na.. Oyyy, grabe naman to di pa nga isang oras tulog agad, pinapalabas na tayo mag iinuman daw" yugyog sakin ni bren ng paulit-ulit may maktol pa talagang kasama. Haha Sabi nga nila mas mahirap gisingin ang taong nagtutulog-tulugan kesa sa taong tulog talaga kasi ang tulog kapag ginising mo talagang maalimpungatan talaga pero sa kagaya kung nagtutulog-tulugan naku mahihirapan ka talagang gisingin ako. Haha kanina kasi nawala bigla yung antok ko dahil sa lampungan este lambingan ng dalawa sa kabilang kama kaya ayun di na ako dinalaw ng antok. Pinagmasdan ko lang kasi sila, kaya ayun puyat ang bagsak.
"Uhmmm. Mamaya na ako pupunta dun mauna kana, susunod nalang ako" sagot ko sa kanya habang paulit-ulit yinuyugyog ang katawan ko.
"Oh cge, sunod ka love ha" rinig kung sagot niya. Naku talaga ang lalaking to pag alak ang pinag uusapan di makatanggi nakakaloka ginagawang tubig yung alak na ni minsan di ko naman masabing masarap ang pait-pait nga e kaya nakakapagtaka lang na ang daming bumibili at tumatangkilik sa alak na sobrang pait. Minsan nga habang kumakain kami ni bren sa amin ay inaalok ko siya ng ampalaya na ginisa sa maraming itlog tinaggihan niya kasi ang pait daw ng ampalaya di niya pa nga natitikman kaya nakakapagtaka pag alak pinag uusapan nun naku hyper na hyper ang kumag na yun.
Habang nakapikit na nag mumuni-muni ay narinig kung bumukas yung pinto ng kwarto namin pero di naman nagsasalita, di ko naman sinubukang lingunin kasi nakakatamad. Pero naramdaman kung umalog yung kama na hinihigaan ko siguro umupo, naku talaga ang bren na to di nakakatiis na di ako isama sa inuman.
"Mamaya na ako lalabas tinatamad ako kayo nalang muna love mag inuman" sambit ko habang nakaharap ako sa kabilang side ng kama pero di ko sinubukang lingunin kasi naku kukulit-kulitin lang ako nun panigurado. Nakakapagtaka lang na halos mag 20 minutes ng di ko siya tinitingnan ay di parin umaalis sa tabi ko. Nakain nito ? Tanong ko sa sarili ko.
"Ohh ba't di kapa umaa.. Paharap ko sa likod ko di ko na natapos ang sasabihin ko ng di naman pala si bren ang nakaupo sa kama kundi si Ram. Parang halatang may sasabihin siya, walang sinuman samin ang gustong kumalas sa titigan namin na wari ay sinusuri ang isa't isa pero di ko na natiis ang katahimikang namamayani sa pagitan kami kaya ako na ang unang kumalas sa titigan namin.
"Oh ba't nandito ka? May kailangan ka? Wala na dito yung mag pinsan nauna na dun sa may dalampasigan nag iinuman mamaya susunod nalang ako. Sunod sunod na sambit ko habang nakatingin sa kanya pero siya walang ekspresyon habang nakatitig sakin.
"Ahemmm... Malakas na ungol ng boses ko dahilan upang matauhan siya.
"Ah..eh.. Oo kanina pa kami dun, halos mag dadalawang oras na pinapasundo ka na ng boyfriend mo" sunod-sunod na sambit niya na parang nauutal halatang halata na nakainom na siya ng medyo marami na siguro kasi pulang-pula na ang mukha niya.
"Ah cge susunod nalang ako, mauna kana" sagot ko sa kanya habang nakatitig kami sa isat-isa, halos wala parin siyang pinagbago suimula nung umuwi siya dito sa probinsiya gwapo parin at aaminin ko medyo may nararamdaman pa ako sa kanya. Di ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin habang nakatulala ako.
"Ahh..ehh.. Ano kailangan mo?" Kinakabahang tanong ko sa kanya ng maamoy ko ang hininga niya mula sa harapan ko. Walang sabi-sabi ay agad niya akung singungaban sa labi ko dahilan upang kabahan ako siguro sa sobrang pagkabigla. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal sa bawat dampi at halik niya sa sobrang banayad ng halik niya, sa una halos di ko tinutugon ang halik niya pero unti-unti ay napapatugon narin ako sa sobrang banayad ng halik niya.
"Uhmmmnnmm" marahang ungol namin sa isat isa na walang gustong kumalas sa halikan namin", ramdam na ramdam ko na unti unti niya akong hinihiga sa kama habang nakadikit ang mga labi namin. Maya maya ay nararamdaman kung may kung anung pumipisil sa kaliwang utong ko dahilan upang mas lalo pang mabuhay ang init sa katawan ko. Namalayan ko nalang ay unti-unti niya ng itinataas ang damit ko na agad namang tinugon ng kamay ko para itaas at bigyan siya ng daan para mahubad niya. Naramdaman ko nalang ay pareho na kaming walang pang itaas na damit sa sobrang init ng katawan niya na dumampi sa katawan ko, halikan parin kami ng halikan ng habang nakayakap siya sa katawan ko na wari'y ayaw niya akong bitawan. Ibat ibang nararamdaman ko sa mga oras na to habang nag hahalikan kami parang may kung anung saya akung nararamdaman, sarap at ligaya na parang siya lang ang nagbibigay. Nagising kami sa aming paghahalikan ng biglang may kumatok sa pinto na sa pagkakaalam ko ay si bren na, agad naman akung napapitlag sa halikan namin at agad kung sinuot yung damit ko at tinungo yung pintuan para buksan. Salamat nalang at naka lock yung pintuan naku kung hindi lagot ako sigurado iyon na yata ang makakasira samin ni bren.
BINABASA MO ANG
Give Your Heart A Break
Romansa"Love Knows No Boundaries" pero no boundaries pa nga ba kung nahanap mo ito sa kapwa mo LALAKI ? A relationship is only for two people "Men&Women" katagang laging sumi-sink in sa utak ko, katagang gumigimbal sa buong pagkatao ko, katagang bukambibig...
