第二十八 Dì èrshíbā - Burn

116 11 0
                                    

28 - Burn

"Ihahatid ko lang si Kitel, pagkatapos ay uwi na tayo - sumabay ka na lang sa akin." Ani Jared nang makasakay kami sa sasakyan niya. Tiga Pasig kasi si Jared while Sprite is from Mandaluyong.

As expected, higit dalawang oras kami sa sinehan. Dumidilim na din ang langit ng makalabas kami ng parking. Nag aya mag dinner si Jared, pero since busog pa kami parepareho dahil sa late lunch at snacks sa movie house ay nagsabi akong wag na lang.

Hindi ko na din keri magpasensya kay Sprite - na obviously kanina pa tinetest ang patience namin ni Jared. Kulang na nga lang ay magsuntukan na ang dalawa. Mabuti na nga lang din at mahaba sobra ang pasensya ni Jared. Kung hindi...

"Huh? Bakit mo siya ihahatid?" Sagot na pabalang naman ni Sprite. "And besides, my car is at school - you can drop us there. I'm sending her home--"

"Oh? Edi ako na maghahatid kay Kitel. Out of the way naman siya sayo." Jared answered, wala sa kaniyang loob habang tinatahak ang daan pabalik ng school.

"No." Matigas na sabi ni Sprite. "Ako na. And besides out of the way ka din naman. Ako na maghahatid kay Kitel--"

"Huh? Ako na sabi, idadaan na lang kita sa school para kunin mo na ang sasakyan mo--" Iritang sagot ni Jared at tinignan si Sprite sa kaniyang rear view mirror.

"Jared--" Oh my god... Hindi sila tumitigil!

"Ano ba, Sprite? Ano bang problema mo?! Kanina ka pa ha!" Medyo tumaas na ang boses ni Jared. Dala na din siguro ng inis simula pa kanina.

Sino ba naman ang hindi maiinis? Pakiramdam ko kino-cockblock ni Sprite ang sarili niyang pinsan - not that I care, okay?

Kaya bago pa magkagulo ay pumagitna na ako sa usapan.

"Jared, okay na. May lakad din kami ni Sprite eh." Palusot ko... Teka, ano bang lakad namin? Pinanlakihan ko na lang ng mata si Sprite na mukhang nakuha naman agad.

But I saw him smirk at umarteng inosente.

"Lakad? Saan ang punta niyo?" He asked, at pinagtaasan ako ng kilay.

ANO BA!

"Uh... May aasikasuhin kami for my best friend's debut. Kay Corr? You know her, rught? Uh. Yeah." Medyo utal ko pang explain kay Jared.

God. Why am I lying for this guy?

Rinig ko ang mahinang halakhak ni Sprite mula likod. Dammit! Sinamaan ko siya agad ng tingin at umubo na lang siya ng palihim.

"Yes, and we're already late Jared. So please, pakibilisan." Maarteng sagot niya.

Ugh. He's so mayabang.

"Salamat ulit Jared!" Kaway ko sa kaniya nang ibaba niya kami ulit sa school. Nagsalute na lang siya at itinaas ang kaniyang phone - meaning he'll just text me na lang.

"Sige, ingat!"

Nang makita kong nakalayo na ang Tucson ni Jared ay agad kong hinarap si Sprite.

"Ano bang problema mo, kanina ka pa ah--" Sigaw ko pero agad niya itong pinutol nang hinila niya ako papunta sa kaniya.

Hinagkan niya ako ng mahigpit, ramdam ko ang init ng katawan niya - dahilan ng pamumula ng mukha ko.

What the hell? What is he doing?

"A--anong ginagawa mo?" Bulong ko, habang pilit na tinutulak siya sa dibdib niya - pero mas lalo pa niyang hinigpitan ang yakap niya sa akin.

Ramdam ko ang tingin ng iilang nakatambay sa parking sa amin. Siguro iniisip nila, kung bakit dito pa kami naglalandian.

"Sprite, ano ba." Pinilit kong nilagyan ng pagka irita ang tono ng boses ko, pero alam ko namang sa loob loob ko ay natutunaw na ako.

"You're so dense that's why I'm saying it out loud now..."

"I'm crossing the line, Kristelle Santillan." 

Paulit ulit na nagrereplay sa isip ko yung mga binitawan niyang salita kanina.

Is he for real? Is he for real or pinagttripan niya lang ako...

Noong Sinulog lang ay walang humpay ang pakikipag flirt niya doon sa Betrina na 'yon-- OMYGOD! SI BETRINA!

Nang maalala ko na naman ang nangyari sa Sinulog ay tinulak ko siya ng mas malakas. Hindi niya yun inaasahan kaya't napabitaw na siya sa akin.

"What the hell are you doing, Sprite?!" Singhal ko sa kaniya.

"Hugging you?" He innocently said then pouted. Gusto ko siyang tirisin, kasi inis na inis na nga ako sa inaasta niya, pero ang cute pa din niya.

Get a grip, Kristelle!

"Stop flirting with me, Yu. I swear, I'm not kidding. Sisipain na kita." I said at mabilis na naglakad patungo sa sasakyan niya.

Pero si gago, nananadya pa't hindi binukas ang sasakyan nya. Grr...

Sinamaan ko siya ng tingin at nakita kong naglalakad siya palapit sa akin ng dahan dahan.

It's as if he's a predator and I'm his prey.

He's looking at me differently...

Differently ba? or ganyan na sya talaga dati pa makatingin sa akin? At hindi ko lang talaga pinapansin.

Maybe I'm really dense after all... I know we had this connection since the very beginning but I didn't--

"Do you like my cousin, Kristelle?" He asked with that damn low voice of him.

"A--ano ba, anong meron?" Sabi ko at iwas ng tingin sa kaniya. Kahit saan wag lang sa mga mata niya. Hindi ko diya kayang titigan.

"I said, do you like Jared?" Ulit niya.

I'm not sure if its his voice... Or the warmness I feel because of his voice.

Do I like Jared?

He's cool, yeah. Siya yung tipong mabilis ka dapat ma-fall. He got everything, the looks, the affection, all the nice things to day and...

"Do you like him, hmm?" Malambing niyang tanong ulit.

No.

I don't like him... I like you.

"Stop running, Kitel." He huskily said nang makalapit na siya sa akin. Ipinatong niya ang kaliwang kamay niya sa pintuan ng sasakyan niya - para bang hinaharangan ako kung sakaling maisipan kong tumakbo.

Iniwas ko ang mga mata ko sa kaniya ulit, hindi ko kayang makipatitigan sa kaniya ng ganiyan.

"There's no way to go, no way out... I told you... I'm crossing the line, Kitel." Dahan dahan niyang hinawakan ang baba ko para iharap ako sa kaniya.

"I'm done playing games with you..." His eyes are blazing... Ramdam na ramdam ko ang intensity ng kaniyang mga titig.

Its as if he's looking at me the first time - and he's burning...

No, I think I'm burning with him...

"I'm done waiting on the sidelines - waiting for the time you give in... Waiting for you to break your walls down." He firmly said at lumipat ang kaniyang mga kamay sa kamay ko.

He caress it and gave it a peck. "This time, I'm serious... If you don't break your walls... I'm breaking in. I'm breaking my way in."

Made in ChinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon