zedxxx: Spoiled kayo ah :P
七 Dì qī - Falsies
“Yeah!!!” I screamed as I heard the DJ’s never gets old question every night: Where all my single ladies at?!
“Wooooh!!! SHOT PAAAA!” Sigaw naman ni Greg – one of Fourth’s kabarkada, na obvious na obvious ang kalasingan. Nakaakbay na nga siya dun sa kakakilala lang niyang babae, na kanina lang ang sabi niya ay hindi daw niya trip.
Hindi pala trip ah?
Ktnxbai.
“CHEERS!!!” We chorused at pinagtama ang mga shot glass namin.
“CHEERS!!” I said before I drink mine in one go and took a generous sip from my Black-Coke afterwards.
Ahhh~~ Gad. That feeling!
Yung alam mong tatamaan ka na pero mas lalo ka pang umiinom? Mas lalong lumalakas yung loob mong magpakalasing kasi sarap na sarap ka na sa alak. THAT! THAT FEELING!
Maybe Steve’s right. I’m probably alcoholic after all. Ginagawa ko lang kasing chaser ang whiskey. Lol.
Oh well papel.
“Fourth, Mukhang mas strong pa sayo si Kitel ha!” I heard Wilson snickered in front of me pagkatapos niya inumin yung shot niya. Isa din siya sa mga kabarkada ni Fourth – na kasalukuyan kong katabi ngayon.
“I like her like that.” I heard him say bago ako akbayan, naramdaman kong inamoy pa niya yung buhok ko at parang tinama yung labi niya sa temple ko – Okay! Kiddo, maaga pa. Dumada-moves ka na agad!
And please I’m not that drunk – ya know.
“Bilis naman...” I teased him, sabay tanggal sa pagkakaakbay niya para kumuha ng yelo.
“Right on, babe. View’s great.” He grinned, at nang lingunin ko siya ay nakita kong nakatingin siya ng diretso sa pwetan ko na may nakakalokong ngiti.
“Gago!” I laughed at agad nang umupo.
Sakto naman nang makaupo ako ay may dumating na photographer – si Oca. Of course, kilala ko na ‘to. Actually lahat yata ng bar may kakilala akong official photographer.
Pano ba naman kasi sa dalas ko din di ba?
“Hey Kits!” He greeted, sabay beso sakin at agad pumwesto para kumuha ng picture ko.
Of course! Nag pose agad ako – ya know. Typical girl in the club pose: Chest out, butt out, tingin sa baba para makita ang falsies with matching pout sabay hawak sa mukha para dreamy looking.
Sumenyas pa ng isa si Oca, again posing… But this time, nakatingin na ako sa camera, giving my Miss Universe pose.
“Maganda ba?” I shouted over the music “Patingiiiin!” Excited kong sabi.
“Of course. Maganda!” Sabi naman niya at pinakita sakin.
Kita kong nakatingin sakin sila Fourth, kaya syempre not to be rude ay sinenyasan ko si Oca na picture-an kami as a group.
First flash…
Second flash…
and third.