@zedxxx: Co'z I'm feeling generous and since chapter 1 pa niya nirerequest ito. ETO NA!!! ETO NA!!!! HAHAHAHAHA. I dedicate this to @kwendy. Ayan na OTP mo!
九 Dì jiǔ - Steve Benitez
“Steve! Ano ba! You’re overreacting!” I repeated, habang patuloy pa din siya sa paghatak niya sa akin papuntang University Mall. “Shit. Ano ba! Masakit!” I hissed ng patuloy pa din siya sa paghatak niya sa braso at ako naman ay halos magkanda dapa dapa na sa kakahabol sa malalaki niyang steps.
Pinagtitinginan na nga kami ng mga taong nalalagpasan namin. Pano ba naman kasi, sa itsura naming ‘to. Magmumukhang pinupwersa ako ni Steve na sumama sa kaniya. It looks like I’m being kidnapped. Eto namang mga usisero na ‘to ay nakatingin lang at walang ginagawa.
Pano na lang kung totoo ‘to?! Edi nakidnap na ako ng tuluyan?!
“Ouchl. Shit naman Steve, masakit nga!—” Ba’t ba ang hilig ng mga tao manghatak ng braso ng may braso.
Pambihira, sila ba nagkakapasa?
Gosh! My flawless arm!!
“Ngayon, aangal angal kang masakit?! Eh kanina nung tinanong kita, paulit ulit kang nagsasabi na okay ka lang! Na hindi masakit! Ngayon masakit?! ” Singhal niya habang nakatitig sakin na para bang galit na galit.
Aba! Ako ba may kasalanan?! Ako ba ang may gawa nito? Ginusto ko ba?!—
“Makakatikim sakin yung gagong yun!” Bulong niya at kita kong gigil na gigil siya.
Naman kasi! You are so stupid, Kitel.
Ayan! Kita mo, mukhang magaaway pa yung dalawa!
‘To kasing si Steve. Daig pa ang tatay kung mangusisa. Napansin niya kasing tahimik ako at wala sa sarili nang pumasok ako sa PE Class namin sa gym.
Of course! Masisisi niyo ba ako? Gulat na gulat ako sa nangyari samin ni Sprite kanina sa corridor. I wasn’t really expecting that… Seriously! First time kong makita siyang ganon. Na kala mo ay mapapatay na niya ako sa galit. He was shaking like mad, na kala mo ay kung anong nagawa ko sa kaniyang matindi.
Nanlilisik ang mga mata niya. It’s as if hindi siya yung Sprite na laging malumanay na nakilala ko, yung pasensyoso, yung understanding.
The Sprite a while ago looks so scary… He looks so evil.
And hello?! It’s not everyday naman that nasisigawan ako ng lalaki. My dad never raised his voice to me. Kahit ang mommy ko. Sa buong buhay ko, si Sprite lang ang nagtaas at sumigaw sakin ng ganoon…
No, Kitel. You forgot something.
Him.
Of course siya, I won’t event forget that day…
Pero erase! Erase! Ibang usapan ‘to. Basta! for the longest time, never may nagtaas ng boses sakin na lalaki. Alam niyo yun? Oo, pag babaeng sumisigaw at nagtatatalak sakin ay wala lang yun – sanay ako dun, sa dami ba naman ng nakaaway ko.
Pero iba pa din pag lalaki yung nanigaw sayo. Ibang iba.
Mas nakakatakot… Mas nakakatrauma…
And it’s not just a yell, may pisikalang nangyari – na pilit kong iniisip na hindi niya sinasadya. Na nadala lang siya ng galit niya, maybe he’s having a bad day, tapos sumabay pa ako kaya ganon. Nagkasabay sabay kaya siguro sobrang wala siya sa mood at mainit ang ulo.