zedxxx: Sandali. Uma-aura pa ako. Lol. Wala pa akong writing spirit. (Too much vacay. Lol)
Don't forget to follow me at twtr @zedxxxofwp
十 Dì shí - Capital F
After that fiasco, nagcut na ako at hindi na pumasok sa class. Okay lang din naman sakin na hindi pumasok since tinatamad na ako bumalik ng Rosario building. (Not to mention kaklase ko na naman si Sprite dun.)
Ewan ko. I feel like meh. Alam niyo yun? Yung wala kang kagana gana na para kang nanlalata na hindi? Hindi ka good vibes pero hindi ka rin naman bad vibes. Somewhere in between na hindi.
Ay ewan! Ang labo.
Actually… Hindi ko nga alam kung bakit bigla akong nagkaganito at para bang nanghina sa mga nangyari at nalulugmok.
What the hell is wrong with me really?
Kaya ito ay tagaktak na ng pawis ang mukha ko at panay ang sigaw sakin ni coach ng ‘Harder! Stronger!’ kahit na ubos na ubos na ang hininga ko.
Nanlalata na nga ako’t lahat pumunta pa ako dito sa Elorder boxing gym? My god, I’m so weird.
“Oh. 5 minutes water break muna, Kitel. Mukhang mahihimatay ka na eh.” Pangiinis pa ni coach sakin kasi kanina pa palyado mga suntok at atake ko. Palyado na nga hingal na hingal pa ako.
Damn. Kailangan ko na yata bawas bawasan pagiging party animal ko. Nagiging weak na ako. (God. I sound like Sprite)
“Ano bang meron at parang wala kang kafocus focus?” He asked wearing that meaningful smile. “At nasan ba yung intsik na laging nakabuntot sayo?” He added sabay tanaw sa may waiting area – kung san nakaupo’t naghihintay madalas si Sprite.
Gago talaga ‘to oh! Inaasar pa ako.
“May class.” Maikling sagot ko sabay kuha ng gatorade ko sa tabi ng gym bag ko.
“LQ?” Pahabol pa niya bago umalis, kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Sira ulo ‘to! Makapagpalit nga ng coach. Tss.
Well… Nasabi ko na sa inyong gym-addict si Sprite. But he dislikes boxing, ako nga lang yata natutuwa dito. Aniya, better pa din daw ang Muay Thai kesa mag Boxing. Mag m-Muay Thai na lang daw siya kaysa magsayang ng oras sa boxing. Tch. Yabang.
Kaya ayun, pag nagbboxing ako, nagiintay lang siya sakin madalas. Tatambay lang siya sa waiting area or sa may coffee shop sa baba. Pag siya naman nagm-Muay Thai ay ako naman yung tiga intay. (Pero madalas ay iniiwan ko din siya dahil naiinip ako. Lol.)
Teka teka! Ba’t ko ba siya iniisip. Kainis naman!
Natapos ang five minutes break ay bumalik na si coach, pero nagpaalam na ako sa kaniya at sinabing tapos na yung session namin kasi bigla na akong nawala sa mood.
Sa sobrang wala ko sa mood ay hindi na ako nagshower or nagpalit man lang ng damit. Diretso alis lang ako ng Elorde na basang basa pa ng pawis ang midriff at jogging pants ko.
Eww.
Bwisit. Ano bang problema mo Kristelle Anne Santillan?
Maligo na kaya ako? Balik na lang kaya ako sa shower room? Ay ewan a-alcohol-an ko na lang yung upuan ng kotse ko—