30 - Risk
Lumipas ang isang linggong hindi kami nagpapansinan ni Sprite. Uma-attend kami sa iisang klase paminsan minsan, pero hindi pa din kami naguusap. For the first 2 days, I tried approaching him (para iexplain and dapat i-explain at hindi siya magconclude ng kung ano man) pero siya 'tong nagmamatigas.
On the 3rd day nawalan na ako ng ganang lapitan siya.
Kung ayaw niya edi 'wag. Madali akong kausap.
Hindi ko rin naman siya masyadong inisip dahil naging abala ako sa preparation ng debut ni Corr. Mas madalas kong kasama si Steve ngayon for the preparation.
FINE! Iniisip ko siya okay!
Iniisip ko siya lagi.
LAGI!
EVERY SINGLE TIME!
Hindi ko alam kung nab-bother ba ako, naf-fall lalo, natatakot or ewan. (Naf-fall? Saan nanggaling 'yon?)
Pero ewan. Hindi ko gusto yung nararamdaman ko. Kasi eto na naman. Pakiramdam ko na naman, masyado na namang maiinvolve ang feelings ko at di na ako makakapagisip ulit ng matino.
The first time I let my feelings affect me, eh nagkanda leche leche na ang decision making ko in life. Parati na lang fail, ang dami kong nagawang katangahan. Just because hinayaan ko yung feelings na 'yun.
Fucking shit feelings. Ano ba kasi 'yon!
At isa pa, wala na namang assurance na hindi ako masasaktan. Walang assurance that I'll be scar-free after this. Ayoko na. Ayoko ng sumugal! Tutal sigurado namang walang patutunguhan 'to eh.
He's Chinese, Kristelle. Think about it! Think about it always! Hindi kayo pwede!
But talking to him is inevitable. Tonight na ang debut ni Corr at imposibleng hindi ko siya kausapin. Surprise debut kasi ito that's why I need all the help I could get, lalo na't isang sikat na bokalista si Corr ng kaniyang banda. I want this to be private as possible. Tulungan kaming lahat in all aspect – damay doon si Sprite kaya hindi pwedeng hindi kami magkibuan dito.
Since isa sa pagmamayari ng pamilya ni Sprite ang isang media company – I asked him months before the preparation if he could help me with the media blackout for Corr's debut. Ayokong may lumabas na impormasyon hangga't maari. I want this to be super special for my bestfriend.
6pm na at kaming apat pa lang nila Nics, JJ at Sprite ang nasa Blue Leaf – ang venue ng debut ni Corr. Nasa concert venue kasi sila Presbi at Steve, kailangan nilang manuod doon para di kami mabuko.
Maliban kasi sa surprise debut ni Corr ay ngayon din ang anniversary concert ng banda niyang Crescendo. After the concert, si Presbi at Steve ang magdadala kay Corr dito – yun ang plano.
Sana maging successful!
"Steve! Basta right after ng concert, pumunta na kayo agad dito. The makeup artist need at least 2 hours to prep her." Singhal ko kay Steve sa phone habang pinandidilatan sila Nics at JJ na naglalampungan lang sa sofa. Mabilis naman silang tumigil at lumabas ng holding room.
Wala namang tinutulong 'tong dalawa! Nagm-make out lang dito sa sofa!
"Yes Ma'am. Pangatlong beses ka ng tumawag just to say that--" Rinig ko ang iritasyon sa boses niya.
"Aba! I'm just being extra sure okay? At para naman 'to sa kakambal mo 'no! Stop being bitchy" At para sayo. Gusto ko idagdag, for him to be extra nice to me. Syempre, since kambal sila, birthday din niya.
Duh. You don't say, Kristelle.
In the middle of the program, kakantahan din namin ng happy birthday si Steve – na siyang escort ni Corr.