Follow me on twitter! @ WPzedxxx
Infer, mas mabilis ako makaupdate pag sa phone ko sinusulat. 😂21 - Just hungry
"'Wag ka na dyan dumaan. Dito ka na lang." Sabi sa akin ni Jared sabay hawak sa magkabilang balikat ko.
"Mas maluwag dito sa left oh. Dito tayo." Pamimilit ko sa gitna ng napakadami at siksikan na tao.
"'Wag na sabing makulit, Kristelle. Dito ka lang. Kumapit ka kay Sprite." Jared insisted.Nandito kami ngayon sa mala-stampede na daanan papuntang Intensity - isa pang main event ng Sinulog. Para kaming tren na sunod sunod at kapit na kapit sa isa't isa habang tinatahak namin yung daan papuntang entrance. "Safe train" nga daw ani ni Jared.
Grabe! Di ko inexpect na dadami ng ganito kadami ang tao dito sa Sinulog... Well I didn't attend last year, kaya medyo iba ang ineexpect ko. But according kay Sprite, under construction daw yung dating venue - na mas maluwag di hamak dito and he really don't understand kung bakit dito ginanap eh ang sikip sikip nga dito.
Nasa likod ko si Jared, habang si Sprite naman ay nasa harap ko. Nakakulong ako sa braso ni Jared, habang ganon din ang ginagawa ni Sprite kay Betrina para hindi kami mabunggo ng mga tao.
Yes, you read it right. Kasama na namin ngayon si Betrina. Si Betrina at ang mga kaibigan niyang intsik din.
Nang dalin sila ni Ori kaninang tanghali sa suite namin at pagkatapos nilang magyakapan na parang reunited lovers ay hindi na sila mapaghiwalay ni Sprite."Oh my god! How can you become this huge? Masyado ka naman yatang nagworkout ng todo." Ngisi ni Betrina habang kinukurot kurot yung biceps ni Sprite - habang si gago naman ay nagbblush pa.
Ulul. Arte niyo!
Could you guys get a fucking room?
"Bakit hindi ka nagsabi na uuwi ka? Hindi ko man lang alam."
"I just wanted to surprise you! And by the looks of it, I did a great job." She winked.Gosh! This girl is such a flirt!
"God. I missed you, Betrina! Its been what?... A year?"
"I know right!" Excited naman nyang tango. "How's everything? Wala na akong balita sayo mula nung..."At yun na! Hindi na sila mapaghiwalay. They're doing this girly catch up thing and its so gay I cannot watch them! Tch.
"Bestfriend ko, Kristelle. Si Betrina." Pagpapakilala sa akin ni Sprite nang maalala niyang kasama niya nga pala ako, habang kumikinang kinang ang kaniyang mga mata.
Ulul. Bestfriend mo mukha mo.
Si Betrina naman ay ganon din ang tingin, kumikinang din at napakatamis ng ngiti.
Nakakairita! Buong tanghali silang naglalampungan sa harap ko, ni hindi na nga ako pinilit ni Sprite na kumain ulit, actually ni hindi na niya ako inintindi at pinansin pa simula nang dumating yang si Betrina na yan. (she's not even pretty to begin with. Simple lang, nothing extra ordinaryn)
Kung hindi pa ako inabutan ng toast ni Jared ay wala na akong makakain... Kasi nawalan na din ako ng gana sa kanila.Kainis!--
Wait. Don't assume that I'm like this because I'm jealous okay?
I'm not jealous about them!I'M JUST ANGRY BECAUSE... Because... I'M HUNGRY!
"PIT SENYOR!!!" Sigaw ng isang lalaking tawa ng tawa na sumulpot bigla sa gilid ko. Mabilis niyang hinatak yung kamay kong nakakahawak sa bewang ni Sprite, at agad akong nilagyan ng pintura sa may pisngi. Sa gulat na din siguro ni Jared, ay nabitawan niya ako at tuluyan akong nawala sa "safe train" namin.
"Kristelle!!!" Sigaw ni Jared nang mawala ako sa harap niya.
Mabilis akong natakpan ng mga tao at nawala ako sa paningin nila.
"Jared!!!" I called back at itinaas ang isa kong kamay.
Habang tinatawag ko siya ay mas lalo pang dumami yung mga taong nagpapahid sa akin ng pintura. Agad kong tinakpan ang dibdib ko para makaiwas sa di maganda."Jared!!!" Patuloy na tawag ko, nang maaninag ko ang snapback niya sa dami ng tao. "Jared!!!" Nahinto ako nang lumitaw si Sprite sa gitna ng maraming tao.
"Kitel!" He called, at mabilis na kinuha ang kamay ko. Ni hindi na niya inintindi yung mga taong nababangga niya dahil opposite yung direction ng lakad niya.
"Sprite..." Namamaos kong sabi nang makita siyang nakikipagsiksikan sa madaming tao para lang marating yung pwesto ko."Tara nga dito." Naiirita niyang sabi, at hinatak ako papaloob sa mga braso niya. Nagsimula na kaming maglakad patungo sa direksyon namin kanina. Tinutulak niya ako dahan dahan habang nakawak siya sa magkabila kong balikat para maglakad - para hindi na din siguro ako mahatak ng kung sino pa. "Bakit ba Jared ka ng Jared?! You should've called my name. Kita mo, bigla ka na lang nawala." Naiirita niyang sigaw over the crowd's noise.
Panay ang reklamo niya sa pagbitaw ko sa pila namin, pano daw kung tuluyan akong nawala sa dami ng tao, eh nasa kaniya daw yung phone ko. Pano daw ako mahahanap, pano daw kung mawala ako blahblahblah. Tuloy tuloy lang siya sa pagiging badtrip niya, at wala na akong mareact sa dami ng sinasabi niya.
Galit na galit ang mukha niya at halos tabigin na niya lahat ng taong nasa harap namin or nadaraanan namin - hindi rin naman makareklamo yung mga dinadaanan namin, dahil kitang kita ko sa mukha niyang badtrip siya.
Gosh! I almost forgot how moody he can be.
When we finally got inside the venue, at nang makalanghap na kami ng hangin...
God. Ang sikip 'non ah--
Nakita ko kagad sila Jared at Betrina na nakatayo sa tapat, naghihintay sa amin... Umaliwalas agad yung mukha ni Betrina nang makita si Sprite - she looks so worried just a while ago.
"Sprite~" she called him so sweetly I wanna puke. "Are you okay?" Tanong niya at pinunasan ang noo ni Sprite gamit ang kaniyang kamay. Pero binalewala lang niya ito.
"Pre--" Tawag ni Jared na agad niyang pinutol.
"Jared naman! I told you to keep an eye on Kitel. Tignan mo anong nangyari!" Galit na tono niya.
"What--"
"Just shut up!" Sita niya at dirediretsong naglakad, nilagpasan lang din niya si Betrina na nakatulala sa kaniya.Susundan ko na sana si Sprite nang nginitian ako ng tipid ni Betrina at sinabing, "Ako na." At mabilis kamig tinalikuran para sundan si Sprite.
EDI IKAW NA!
"Problema non?" Jared muttered as he stare at their retreating backs.
"Yaan mo na baka kulang lang talaga sa tulog." Sabi ko at hinatak na siya sa braso papasok. "Tara na don. Naiwan na tayo dito."
![](https://img.wattpad.com/cover/28608388-288-k787314.jpg)