25 - Dense
Whale shark sight seeing is a blast! Hindi mawala ang ngiti ko simula nang pumunta kami sa gitna na parte ng dagat. Tuwang tuwa ako sa kakalangoy malapit sa whale shark, there's no denying that I super love swimming, sea animals, and of course the sea! I love how the water felt on my skin... Sa sobrang saya ko ay gustong gusto ko na ngang hawakan yung whale shark, kung hindi lang talaga ako sinisita ni Manong. Panay pa ang picture namin ni Jared underwater, halos ako nga lang ata laman ng GoPro niya eh.
"Dang, Jared! Super awesome shots!" Sabi ko habang tinitignan yung mga shots niya sa akin sa kaniyang GoPro.
"Oo nga. Mukhang gandang ganda din sayo yung whale shark, kung makadikit wagas!" Tawa niya.
"Why don't you try photography? Create a blog or something?" I say not minding his hirit, while browsing his GoPro shots, he's honestly really good at this. Sobrang ganda ng angle at pagkakacapture. No wasted space sa memory ng camera.
"I already have--"
"What?!"
"Yep. I do photography on the side... Yun nga lang medyo busy ako lately with school and family biz kaya di ako makatanggap ng gigs... Sa katunayan, nakasama ko na yung bestfriend mo sa shoot one time." He added.
"Si Corr?!" And he nodded. "Whoa. That's amazing! Hindi ko alam na photgrapher ka."
"Hindi ka naman kasi nagtatanong." Ngisi niya.
Nahinto ang usapan namin ni Jared nang pumito si Manong na nagaassist sa grupo namin - tapos na yata yung time namin, hindi ko mapigilang sumimangot.
"Oh... Gusto mo pa bang mag extend?" Jared asked nang makita siguro ang reaksyon ng mukha ko.
"Ha?.. Ahh... Hindi na 'no. Okay na ako." Sabi ko, kahit na gustong gusto ko naman talagang magextend kami.
Inalalayan ako ni Jared paakyat ng bangka namin, saktong sakto naman na pagkaupo ko ay nasa tabi ko si Betrina.
Si Betrina na five seconds lang yata sumuong sa tubig.
Pano naman kasi ako magrerequest na magextend kami kung nakikita ko lahat ng kasama namin na babae na parang bored na bored sa ginagawa namin at parang atat na atat ng umalis.
Yung mga lalaki lang nga ata at ako ang natutuwa sa whale shark sightseeing namin. The rest ay nagpapicture lang saglit sa whale shark at umahon na... para i-upload ito sa IG.
What the fuck, guys? Can you just enjoy mother nature for a bit?
***
"So... Jared huh?" I heard someone say from my back... And of course, sino pa ba? It's Sprite.
"Huh?"
"I never knew Jared was your type... Kala ko you go for the bad boy looking kind of guy." He explained habang bumubuntot sa akin pababa.
Pinili ko na lang tumahimik at hindi magreact sa sinasabi niya, this guy is hopeless...
Pag sumagot ako, he'll get it as a yes, if I don't, same pa din ang iisipin niya. So why bother, right?
And I still couldn't forget about that stupid kiss...
Damn it! Pilit ko talaga siyang iniwasan simula kanina (kahit na mukhang hindi naman kailangan, kasi dikit na dikit sila ni Betrina that he doesn't even bother about me at all.) Co'z the heck! I feel warm whenever na nagkakatinginan kami... And I'm sure as hell that I'm blushing - I don't want him to see that, me blushing because of him?! No way!