三 Dì sān - Pua Toing Qiu & Kai Shao

947 22 15
                                    

zedxxx: Disclaimer lang po. :) I'm not a chinese, & I don't know how to speak Fukkien, Mandarin, Cantonese or ano pa man. Ang mga impormasyon dito sa story na 'to ay information galing kay Google at kay Boyfriend lamang. LOL. Kaya kung may chinese man sa inyo na naooffend or naguguluhan. tuwih poot tsuh. :3

Dì sān - Pua Toing Qiu & Kai Shao

Di sa nagmamalinis ako or ano. Pero walang something samin ni Sprite. Yes my dear, you read it right. Wala kaming something ni Sprite, kaya wag kayong malisyoso.

Yes, I flirt. I flirt a lot at minsan nadadamay doon si Sprite. Tulad nung kanina, yung bigla ko siyang hinalikan sa cheeks.

Ganon, ganung pangdadamay ang nangyayari kay Sprite. Hahaha.

Pero sige na nga, nagmamalinis lang talaga ako. Kahit sabihin nating wala kaming something or ano pa man ang dapat itawag don, hindi maiialis samin yung sexual tension. And yes again my dear, you read it right. May sexual tension ng involve.

I don’t know when it started pero ang unang nagbrought up nito ay si Steve. Yun yung gabi na may event sa Raven ang org namin sa school at nagkakasiyahan kaming lahat. Of course, nasa bar kami. Dancing, shots, booze, dry humping, you name it all. Nandon yon, kumpleto. Pero as usual, wala lang yun sakin. Parang normal lang ba. Kasi madalas naman akong gumimik, mahilig naman akong pumarty. So wala na lang sakin lahat ng nangyayari sa bar or we could say na… sanay lang siguro talaga ako.

“Kayo na lang kasi.” Biglang sabi ni Steve na halata mong tipsy na dahil sa namumula niyang mukha.

Noong una ay hindi pa namin nagets lahat sa table kung ano ang sinasabi niya, kala ko isa sa mga nonsense episodes na naman niya ‘to. Nagkatinginan pa nga kaming lahat na nasa table and we all have the same reaction What the fuck is he saying?

Pero inulit niya yun ulit at sinabing “Kayo na lang kasi Kitel at Sprite, ba’t kasi ayaw niyo pa.” He carelessly said sabay taas ng baso niya sa server – asking for another double black.

“What?!” I exclaimed, nagkatinginan pa kami ni Sprite na katabi ko at sabay na tumawa. Tulad ni Steve namumula na din siya. Hindi na lang ako nagreact at nag sip na lang din ako sa Jack-Coke ko na ikinalihis ng iilang bangs ko sa mukha ko.

“You look like a mess.” Sprite huskily said at dahan dahang hinawi yung bangs ko at isinabit sa tenga ko. “Tama na inom.” He added at ibinaba ang braso niya sa likuran ko.

I’m wearing a black loose backless dress kaya ramdam ko kung gaano kainit yung mga braso ni Sprite ng dumampi ito sa likuran ko pati na rin ang pag pwesto ng kamay niya sa bewang ko.

“Ikaw ang lasing. Namumula ka na ‘no.” Sagot ko sa kaniya sabay pat ng kaunti sa cheek niya.

“I’m not drunk, mabilis lang talaga ako mamula. And besides, I’m sending you home, I can’t be drunk.” He grinned.

“See?! The sexual tension is too much already, guys. Mahirap na yan!” Hirit na naman ni Steve habang tumatawa sabay turo sa kamay ni Sprite na nakahawak sa bewang ko. Kaya ayun, nakisali na din ang ibang kasama namin sa table sa pangiinis samin.

“Tigilan niyo nga yan! We’re friends okay. We’re just friends. Wag kayong malisyoso.” I said sabay abot sa bote ng Jack para refill-an sana ang baso ko, pero agad namang tinampal ito ni Sprite, kaya napalingon ako agad sa kaniya na kunot na kunot ang noo. “Ano ba!”

“Stop drinking, Kitel. Malalasing ka na. pang ilan mo na yan. I need you sober, you can't be drunk.” He strictly said at inilayo ang bote sakin. “She’s right, Steve. So please pakitigilan na yang pangrereto mo saming dalawa. Sawang sawa na ako sa mga reto na yan.” Sagot niya kay Steve.

“Tch. Ang corny mo.” Sagot naman ni Steve sabay lagok sa drink niya.

“How’s the girl nga pala na pinakilala sayo ni auntie nung pua toing qiu?” Tanong nung pinsan ni Sprite na si Jared. Si Jared Go na isa din sa Chinese people. Lol.

But, ano sabi niya? Babae? Hmm… May nireto na naman siguro yung  Mommy niyang daig pa sa Mano Po ang pagiging traditional.

Hamham lang.” I heard Sprite answered, ni wala man lang bakas ng kahit anong pagiging interesado.

“Ay. Panget.” Bulong ko ng maabot ko na sa wakas yung bote ng Jack, pero malakas yata yung bulong na yun kasi tumawa si Jared.

Hamham nga eh. Ibig sabihin, okay lang. So so.” Sabi naman ni Sprite.

“Sorry ha. Wala kasi kayo sa binondo. Wag kayo maginchikan dyan.” Pangiinis ko sa dalawa.

“Loko ka talaga, Kristelle!” Sagot ni Jared habang humahalakhak, sabay bato sakin ng isang tissue na ibinilog niya. Pero bago pa yun tumama sakin ay naharang na ‘to ni Sprite.

“Wag mo batuhin si Kitel niyan, masasampal ka niyan. ” Biro niya sabay kuha ng tissue para ipunas sa kamay niya.

Alam kasi ni Sprite na sagad ako sa kaartehan. Na ayaw kong nadudumihan, nakakahawak ng madumi or kahit ano pa, basta madumi! Eww. And hello! Gamit na yata yung tissue na yun ‘no! Eww!

“Pero kita ko sa kai shao book ni Tony mukhang maganda naman at big time. Saka only child pa. You're one lucky man if ever, dude!” Sabi naman ni Jared, na para bang siya pa yung mas interested dun sa babae na inireto kay Sprite.

“Seryoso ba talaga yang kai shao  book na yan?” Sabat ko sa usapan nila ni Sprite, tumango naman si Jared at ngumisi ng nakakaloko.

Ang alam ko kasi at ang kwento sakin ni Sprite, kai shao means reto. Tapos sa association nila parang may isang taong may hawak ng kai shao book – yung Tony siguro yon. Then, nandoon lahat ng pictures ng mga anak ng mga members ng association. Mala yearbook ang dating, may picture, full name, edad, ilan silang magkakapatid, ano line ng business ng pamilya, ano course, ano school at kung ano ano pa. Parang bilihan lang ng laman. HAHAHA.

“Grabe, parang hardcore pimping naman yan!” I exclaimed sabay sip sa Jack-Coke ko.

“Baliw! Grabe ka naman makapagsalita dyan! Hindi naman ganon. Para naman kaming nagbebenta ng laman nyan!” Hagalpak ni Jared. “At wag ka ‘no! Mabenta yang si Sprite sa kai shao! Halos lahat yata ng tumingin ng kai shao book, gusto i-meet si Sprite. Actually, tumingin man sa book o hindi. Gusto nila si Sprite. Ganiyan ka-pogi si pinsan!”

“Pogi? San banda?” Sabi ko naman sabay head to toe kay Sprite kahit katabi ko lang siya.

“I’m not pogi, okay.” Sabi niya sabay smirk at akbay sakin. “Tumigil ka na nga Jared, tigilan mo na si Kitel.” He added sabay diin pa ng pagkakaakbay sakin kaya nakasiksik na ako sa kaniya.

Natawa na lang din ako kasi hindi na din napansin ni Sprite na may hawak hawak na naman akong inumin. Hihi. Kala mo ha!

“See, guys?! SEXUAL TENSION AT ITS FINEST!” Hirit ni Steve habang tumatawa sabay tayo sa upuan niya.

End of Flashback

Pagkatapos ng ilang oras na paggym namin ni Sprite ay agad na kaming nagbihis at lumabas ng gym. Sakto at lunch! Tamang tama, ginutom ako sa gym. Hehe. G-gym tapos kakain. Lol.

“Lunch tayo sa Cyma? Nagc-crave ako ng Roka salad.” Sabi ko nang isabit niya sa balikat niya yung pink ko na Lonsdale gym bag. Hindi bagay mga teh. HAHAHA.

“Sorry, Kits. Have to go. I promised mom na sasama ako sa kaniya sa pua toing qiu.” Sabi niya.

“Tss. Corny nito.” Sabi ko sa kaniya at nauna ng maglakad.

 Actually, hindi ko maintindihan yang sinasabi niya. Pua toing qiu sila lagi ng pua toing qiu. Ilang beses sa isang buwan ba nila gusto mag ganon at parang everyweek yata may pua toing qiu sila.

At isa pa, WHAT THE FUCK IS A PUA TOING QIU ANYWAY?!

Made in ChinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon