二 Dì èr - Kristelle Santillan

937 24 15
                                    

Dì èr – Kristelle Santillan

“Buti na lang talaga at may extra clothes at running shoes ako sa locker. Kung hindi, badtrip ka.” Patuloy na reklamo ni Sprite sa akin habang naglalakad kami papunta sa treadmill. “Shit. Wala pa akong Protein drink ngayon BV naman.”

“Hindi parin maka-move on, Yu?” I sarcastically asked at inilabas yung iphone ko. “Nandito ka na’t lahat yan pa rin issue mo? Parang ayaw mo naman. Sus.” I added bago ibaling yung atensyon ko sa phone ko.

OMG!!! May text galing kay Fourth – yung hot guy na nameet ko one time sa Prive na pinsan pala ni Presbi. Small world ‘no?

 

Fourth: Are you free tonight? Raven kami later, wanna join?

OMG OMG!!! Medyo napatili pa ako ng di oras at paulit ulit binasa yun. My god, I’m acting like a high school student over a… well a high school student—Shit lang kasi. Sobrang bagets nitong si Fourth!

Rinig kong patuloy pa din sa pagrereklamo si Sprite sa tabi ko habang naglalakad kami – my God, ayaw tumigil? Bading lang?

Hindi ko na lang siya pinansin, titigil din yan mamaya.

Fake ID again, kiddo? I replied. Syempre, kahit hot na hot siya ay hindi naman ako easy to get ‘no.

Mago-one week na din simula nung nagkakilala kami ni Fourth sa Raven. He aggressively invited me for a drink, walang kalatoy latoy o ano pa man. Dirediretso siya sa table namin na katabi lang ng kanila at inalok ako ng drink. Hindi ko alam kung dahil sa kalasingan or sa kalasingan ay pumayag naman ako at mabilis na umoo.

Hindi nga lang ata isang drink yun eh, kasi after niya akong ayain ng isang drink ay magkasama na kami the whole time. Inom at kwentuhan lang the whole night!

Pero infair naman dito kahit bagets ito ay one year lang ang tanda ko sa kaniya at turning eighteen na din naman daw siya next year so… hindi pa ako masyadong cougar kung sakaling patulan ko ‘to. (Patulan talaga ang word? Ang sagwa!)

Pumwesto na ako sa treadmill ko at ipinatong yung face towel sa gilid. Kahit kita kong nagsisimula ng bumilis ang pagtakbo ni Sprite sa tabi ko ay chill lang ako at nakaabang sa cellphone ko—Finally! A reply!

Fourth: I’m not a kid, Ms. Santillan. You want me to show you?

Aba! Aba! Si baby boy naghahamon! May golly, show you show you ka dyan! Earn your legal license first ‘no! At pwede ba. Stop calling me Ms. Santillan, para akong matandang teacher sa algebra na laging nambabagsak ng estudyante.

I don’t play with kids kasi. I replied. Short pero malakas ang dating.

Sure na sure akong badtrip na yun! Hahahaha!

The third day na tinawagan niya ako – yes third day talaga. Sinusunod yata kasi ni Fourth ang Club Code. Lol. Nagkakwentuhan kami ng sobrang haba. Like super haba na umabot ng halos dalawang oras yung usapan namin si phone. Yung iba about random stuff lang pero mostly about sa pagiging mas bata niya sa akin. Ang landi kasi nitong bagets na ‘to! Kaya ayan tuloy, lagi ko na talagang pinapamukha sa kaniya yung pagiging older ko. Haha.

At isa pa… Ang flirting, hindi lang yan basta basta landi. Pakitaan ng motibo, pakitaan ng balat at malalanding salita… Sinasabayan din yan ng pangi-insulto.

Tulad nito. ;)

Wala pang isang minuto ay tumunog na agad yung phone ko. I knew it! I knew it! Maiinis talaga ‘to—Pero bago ko pa mabasa yung message ay may kumuha na sa palad ko ng phone ko.

“Damn it, Kristelle. Stop flirting!” Madiin na sabi ni Sprite habang nakakunot na yung noo niya sa inis. Kita kong pawis na pawis na siya mula mukha hanggang dibdib (pawisin kasi ‘to eh. Hindi sanay sa init. Haha), basa na din yung gray shirt niya kaya ayan tuloy – kitang kita ko yung gym-certified nyang chest.

Nasa tabi ko na siya at nakababa na siya sa treadmill, habang ako ay dahan dahan paring naglalakad sa treadmill ko. (Parang tanga lang)

“Sprite naman eh~” I whined at pilit kinuha sa kamay niya yung phone. Bumaba na din ako at lumebel na rin ako sa kaniya… ay hindi rin pala kasi saksakan siya ng tangkad, habang ako naman ay may kaliitan at kapayatan. “Akin na yan! Stop disturbing me—”

“Stop disturbing you?” He snapped. “Tch. Ginising mo ako ng maaga at pinagdrive all the way from Mandaluyong just to sit in your living room at makinig sa endless chitchat niyo ng designer na yon. Then bigla kang nagaya ng gym out of nowhere na wala akong kadaladalang gamit at protein drink… Then makikipagflirt ka lang ng ganyan dito?” Ayan. Ayan! He’s having his episodes again. “If magg-gym tayo. We’ll gym. So stop flirting, Kristelle!” Sabi niya sabay balik sa kamay ko nung phone ko.

He crossed his arms habang tinignan ako ng masama, kulang na lang ay taasan niya ako ng kilay – at kumpleto na yung pagkabakla niya—Oops. Hindi daw siya bakla. Haha.

If this is our usual asaran, malamang binanatan ko na ‘to ng pangiinis na gay siya. Pero I know Sprite, he’s… well, sort of addicted with the thought of working out especially gym. Kita niyo naman. Kahit na madami siyang sinasabi, ay sumama pa din siya sa akin maggym at take note, may extra stuff siya locker niya. At isa pa, kahit masungit yan super bait nyan sakin. Personal alalay! Hehe.

“Sorry na okay?” I apologized na may halong pagpapa-cute. “Ikaw naman masyado kang seloso.” Pangiinis ko sa kaniya.

”I’m not jealous. Sorry, Kits, but you’re not my type. Ang sa akin lang ay gym is gym.” Masungit na sabi niya sabay balik sa treadmill niya, pero bago pa siya makabalik ay mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi na halatang ikinagulat niya ng sobra.

Nanlalaki ang mga mata niya at pulang pula ang mukha – parang sasabog na ewan. Kulang na lang may lumabas na usok mula sa ilong at tenga niya.

“Hehe…” I giggled sabay belat sa kaniya at mabilis na pumunta sa treadmill ko.

Kita kong nakatayo pa din siya sa gilid ko at parang naestatwa na sa tabi ko.
Magi-isang minuto o dalawa na yata ako na naglalakad sa treadmill ay nakatayo pa din siya don.

“Uy. Okay ka lang? It’s just a kiss ‘no. I’m just fooling around—”

“Damn it, Kristelle. Don’t do that again.” Masungit na sabi niya sabay lakad palayo.

Anyare don?

Made in ChinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon