Christian's POV
Kahit medyo madaming infos tungkol kay Ever ang nalaman ko kay Sophie, feeling ko, masyado pa ring malaking misteryo si Ever sa akin. Ano ba talagang meron sayo Ever? Bakit ka ganyan?
Naglalakad ako ngayon pauwi sa bahay ko. Actually, andito na ako sa subdivision namin.
Patingin tingin lang ako sa paligid nang may mahagip ang mata ko.
Tinitigan kong maigi kung sino un and it's confirmed. She's Ever. What is she doing here?
Gusto ko sana syang lapitan but I decided to hide myself while looking at her.
Kalalabas lang nya ng isang bahay. Sa pagkakaalam ko, hindi naman nya un bahay. Maybe sa kamag anak nya? I don't know.
Tiningnan ko lang sya at nakita kong may nakasunod sa kanyang lalaki. Looks like ka-edad lang namin sya. Di nya naman kamukha, boyfriend kaya nya? But no. Bakit naman sya magpapaligaw if in the first place eh may boyfriend na sya di ba? Kiri naman nya kung ganun.
"Laurence, wala ka talagang kaalam alam when it comes sa pag aayos ng bahay mo. You should hire an interior designer para naman kaakit akit ang presence ng bahay mo." narinig kong sabi nya dun sa lalaki.
Bigla naman syang inakbayan nung lalaki at ang kinagulat ko eh hindi man lang sya umangal.
"Ever, alam mo naman na--" Ever? Pumapayag si Ever na tawagin syang Ever ng lalaking ito?
"Don't call me Ever." sabi ko nga, ayaw nya.
"Haha! Fine fine. Alam mo naman Laine na wala akong pakielam sa ayos ng bahay ko. Ang mahalaga, natitirhan ko ito at may masisilungan ako pag nabagyo." inalis naman ni Ever ang pagkakaakbay sa kanya ng lalaki.
"Awan sayo. Sige, alis na ako. Bye." maglalakad na sana palayo si Ever nang pigilan sya nung lalaki.
"Hatid na kita."
"No thanks. Maglalakad na lang ako." si Ever? Maglalakad? Sa pagkakaalam ko, ayaw nyang babaeng yan nang naiinitan. Eh ang init kaya ngayon tapos maglalakad sya?! Ang weird ha.
"Sigurado ka?"
"Yup."
"Sige. Ingat ka."
"Ge." at nakita ko ngang naglakad na si Ever palayo.
Hindi na ako nag abala pang tawagin sya kasi magmumukha naman akong stalker na ewan. Sa gwapo kong ito? Stalker? Hah! Di po ako qualified.  ̄﹏ ̄
Naglakad na lang ako papunta sa bahay ko kesa sundan ko pa si Ever.
Pagdating ko sa bahay, nagulat na lang ako nang nakita ko si Arthur na nakaupo sa sofa.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko agad sa kanya.
"Nakaupo. Masama ba?" natatawa nyang sabi.
"Hindi naman. Nakakapanibago kasi ngayon na lang uli kita nakita at nakausap. San ka ba napadpad?"
"My dad and I went to Davao eh. Sinama ako dun sa business trip nya eh limang araw un. Ayan tuloy, di ako nakapasok ng isang linggo."
"Oh. Akala ko nawala ka dahil sa depression mo sa pagkakabusted mo kay Ever." bigla namang nagbago ang expression nya. Oops. Wrong move.
"Speaking of her, kamusta ang pinapagawa ko sayo?"
"Okay lang."
"Nakikicooperate ba sya?"
"No."
"Why?"
"Hindi ko alam dun sa babaeng un. Kakaiba ang ugali."
BINABASA MO ANG
FSA Series #3: For Ever [ON-HOLD]
JugendliteraturI believe there's a forever. And this story, it's for Ever. My only forever.