ETERNITY 20: Let's Play Chess

3 1 0
                                    


Christian's POV

Mag-iisang oras na akong nag iintay dito sa bahay ni Ever pero hindi pa rin sya tapos maggayak. Takte. Mahuhuli na kami sa flight nito!

"Ever, wala na bang mas ibibilis pa yan?" naiirita kong sabi sa kanya. Actually, andito kami sa kwarto nya at mas lalo pa nyang binagalan ang pagkilos nya. "Seryoso ako Ever! Ma-le-late na tayo sa flight!"

"Ugh. Fine! Kukunin ko lang ung sapatos ko sa dressing room!"

Naglakad na nga papasok sa dressing room nya. Oo. May dressing room din sya sa loob ng kwarto nya. Maarte talaga.

"Tara na." sabi nya at hinila na ang maleta nyang matingkad na pink habang dala dala din ang pink nyang bag. Hindi naman halatang mahilig sya sa pink 'no? -.-

-----

"Ilang minutes ba ang byahe papunta sa Palawan? Binanggit ba nung babae kanina sa unahan?" tanong sa akin ni Ever.

"Hindi ata."

"Eh ilang minutes ba?"

"Hindi ko alam." tinaasan naman nya ako ng kilay.

"Ang bisa mo talaga Christian. Napakabisa." sabi nya at tinalikuran na ako at humarap na lang sa bintana ng eroplano.

Maya-maya, biglang pinatong ni Ever ung ulo nya sa akin which is unusual kaya tiningnan ko si Ever at dun ko napagtanto na tulog pala sya. Ang bilis naman nitong makatulog.

Inayos ko lang ang pagkakapwesto ng ulo nya sa balikat ko para hindi sya mangalay.

Tinitigan ko sya. Ang hahaba ng pilikmata nya. Ang tangos din ng ilong. Ang nipis ng labi. She has a porcelain-like white skin. Kung tutuusin, para syang anghel na natutulog sa tabi ko.

Minutes later, nakarating na kami ng Palawan kaya ginising ko na si Ever. Medyo bangag pa sya kaya ako na ang nagdala nung maleta nya.

Una muna naming pinuntahan ay ang hotel na tutuluyan namin. Alangan naman kasi sumugod na agad kami sa paggagala eh mukhang pagod pa ito si Ever sa byahe (though minutes lang naman kaming nasa eroplano).

Kasama na dun sa promo na binigay sa akin ay ang isang suite with 2 king-sized beds kaya walang problema na sa kwarto. Actually, ung promo na un, transportation, food and lodging lang ang sakop pero ung activities and such na gagawin namin, kami na ang bahala (kaya may gastos pa rin kami).

Inayos na ni Ever ung mga gamit nya sa cabinet. Madami dami ung mga damit nya samantalang ako, iilan ilan lang ang dalang damit. 3 days lang naman kasi kami dito pero aabutin pa rin kami ng pasko bale last day namin dito ay pasko na.

"Gutom ka na ba?" tanong ko sa kanya.

"Tingin mo, kumain ba ako dun sa eroplano?" nakapoker face nyang sabi sa akin. Okay. Nagtataray na naman sya sa akin.

"I'm just asking. Nagtataray ka na naman dyan."

"Whatever."

Tapos na nyang ayusin ung gamit nya at walang pasabing lumabas at iniwan ako dito sa room mag isa. Napakabuti talaga. -.-

Hinanap ko sya sa hotel at nakita ko sya dun sa restau, kumakain na. Di man lang ako sinabihan. Napakabuti nya. 2x.

"Talagang nagsolo ka 'no?" bungad ko sa kanya at umupo sa harap nya.

"Single kasi ako." pilosopo. -.-

"I-double kaya kita dyan? Ang pilosopo mo e." naiinis kong sabi sa kanya.

"Eh di i-double mo kung kaya mo." sabi nya sabay subo ng steak. Oo na, ang nonsense masyado ng pinag uusapan namin ngayon. -.-

Tumayo na muna ako at kumuha ng pagkain. Nagutom ako bigla eh.

FSA Series #3: For Ever [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon