ETERNITY 22: Merry Christmas

3 1 0
                                    

Christian's POV

"Oh tuwalya. Magtuyo ka ng buhok mo." agad namang kinuha ni Ever ung tuwalya at tinuyo ang buhok nya. Medyo nakarecover naman na kami sa pangyayari kanina.

Andito na ulit kami sa suite at nakapagpalit na rin kami ng damit.

"Tara kain na tayo." akit nya. Tumango lang ako at pumunta na kami sa restau.

----

"Bakit inaalis mo ung chicken?" tanong ni Ever sa akin.

"Obvious naman na hindi masyado luto." tinaasan naman nya ako ng kilay.

"How did you say so?"

"Because I'm an HRM student."

"Ah. Buti na lang di yan ang kinuha ko."

"Oo kasi nagtiya-tiyaga ka dyan sa fruit salad mo."

"I'm on a diet."

"Diet? Ang payat payat mo na nga."

"Payat? Excuse me, sexy ako hindi payat." then she glared at me.

"Payat ka." sabi ko sa kanya. Actually, sexy naman talaga si Ever, gusto ko lang talaga syang asarin.

"Sexy ako. Ikaw ang payat!"

"What? Kung ito ang depinisyon ng payat, eh di nawalan na ng macho?"

"Wow lang Christian. Ang taas talaga ng confidence level mo. Nahiya naman

ang Eiffel Tower sayo."

"Talaga. Sa gwapo kong ito? Hah! Dapat talagang mahiya."

"Whatever."

"Oh uma-agree ka! Sabi mo 'whatever'."

"I didn't say yes."

"Whatever means yes Ever."

"Awan sayo. Kumain ka na nga lang dyan. Ang daldal mo. Parang babae." inirapan lang nya ako at pinagpatuloy ang pagkain ng fruit salad nya.

-----

Hindi na ako nag abalang matulog. Iniintay kong mag 12am dahil pag nag 12 am na, Christmas na.

11:47 pm na ngayon so 13 minutes to go, Pasko na. Linibang ko na lang muna sarili ko dito sa kwarto namin ni Ever sa pamamagitan ng panunuod ng tv. Si Ever kasi, tinulugan na ako. Wala tuloy akong makausap. -.-

Nag intay lang ako nang nag intay hanggang sa mag 11:59 pm na. It's time.

Ever's POV

Nagising ako nang yinuyugyog ni Christian ang braso ko at pagkamulat ko ay andito rin sya sa kama ko't nakaupo.

"Ano ba?" nakasimangot kong bungad sa kanya. Kinusot kusot ko muna ang mata ko, nakakainis kasi eh, ilang oras pa lang ang tulog ko.

"Wag ka ngang sumimangot dyan." linabas naman nya ang torotot nya at pinatunog un. "MERRY CHRISTMAS!" dun lang ako natauhan sa ginawa nya at napagtantong Pasko na pala. "Bangon na dali." sinunod ko naman sya at bumango na.

Dinala nya ako sa dining room at doon ko nakita na naghanda pala sya ng pang-Noche Buena naming dalwa. Ang dami pang linuto eh dadalwa lang naman kami dito.

"Nag abala ka pa talagang magluto ha?"

"Oo naman. Ang lungkot naman kung di tayo magno-Noche Buena." sa bagay may point sya.

Binigay nya sa akin ang isa pang torotot at pinatunog nya ung kanya.

"Sabay tayo." nakangiti nyang sabi sa akin. Parang bata. Hahaha! Kaya ayan, nahawa tuloy ako at sabay naming pinatunog ang torotot namin. Nagpaputok pa sya ng confetti sabay sigaw ng.. "MERRY CHRISTMAAAAS! HOHOHO!"

"MERRY CHRISTMAAAAS!" sigaw ko din. Oo na. Para na kaming baliw dito.

"Merry Christmas Ever." bati nya sa akin at may binigay syang maliit na box sa akin. "Christmas present ko para sayo. Mamaya mo na buksan. Hahaha."

"Thank you dito. Merry Christmas din. Wait." pumunta uli ako sa kwarto at kinuha ung regalo ko sa kanya.

Pagkabalik ko ay binigay ko na sa kanya ung regalo ko.

"Here."

"Woah. I didn't expect na reregaluhan mo ako. Really." natatawa nyang tanong. "Anyway, thanks a lot for this."

"You're welcome."

"Tara na. Kain na tayo."

Umupo na kaming dalwa at syempre, bago kumain ay nagdasal muna kami, binati si Jesus and nagpasalamat then ayan, kainan na. XD

"In fairness, masarap ang carbonara mo."

"Alam ko."

"At tsaka ung pizza."

"Alam ko."

"And masarap din itong ref cake."

"I know."

"And also the burger."

"I know."

"Seriously Christian? Wala ka man lang bang ka-humble humble sa katawan?" pinuri ko sya nang pinuri dahil baka maging humble sya pero hindi eh. Tsk. Kakaiba talaga.

"Totoo naman kasi ung mga sinabi mo."

"Oo nga pero at least, maging humble ka man lang. Duh. Pasko na oh, mayabang ka pa din."

"Hindi ako mayabang. Nag aagree lang ako sa bawat sinasabi mo."

"Palusot mo. Tsk."

Inubos na muna namin ung pagkain then nagmovie marathon na din kami with matching popcorns. Home Alone ang pinanuod namin dahil ito lang naman ang magandang palabas ngayon.

Habang nanunuod ay nakita ko si Christian na binubuksan na ung regalo ko sa kanya.

"Did you like it?" tanong ko.

"Yes. Very much. Thank you uli." then he smiled at me. It's just a simple necklace na may pendant na C. Buti naman at nagustuhan nya. "Buksan mo na ung iyo." kinuha ko ung regalo nya sa pocket ng hoodie ko at binasa un.

'For Ever,

Merry Christmas. It's almost 5 months na pala tayong magkakilala. Time flies so fast talaga. Anyway, take care always Ever. I love you. ♡

∽Christian'

I don't know pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang mabasa ko ung 'I love you' nya sa Christmas card.

Tinabi ko muna ung Christmas card at binuksan ung regalo nya.

It's also a necklace na may pendant na 'For(infinity symbol)Ever'.

"Destiny?" natatawa nyang sabi.

"Hahaha! Siguro."

"Here. Let me help you." at tinulungan nya akong isuot sa leeg ko ung regalo nya. Tinitigan ko lang ung pendant ng necklace at di ko maiwasang mapangiti. Halata namang personalize 'to. Doon ko lang napagtanto na para palang word na 'Forever' ung nakalagay sa necklace.

"Thank you." sabi ko sa kanya.

"You're welcome Ever." then he smiled at me.

Tiningnan ko uli ung necklace. Well, I think this is the best Christmas gift that I received. ツ

FSA Series #3: For Ever [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon