ETERNITY 29: The Terror Sister

3 2 0
                                    


Christian's POV

I decided na puntahan ngayon si Ever sa bahay nila since Sabado naman ngayon.

Pinagbuksan na ako ng maids dahil kilala naman na ako dito dahil sa dinami-dami ng beses na pinunta ko dito, tingnan ko lang kung di pa nila ako makilala.

"Good morning Sir Christian." bati sa akin nung isang maid.

"Good morning din." bati ko pabalik. "Where's Ever?"

"Ah si Ma'am Laine po ba? Nasa kwarto pa po nya. Tulog pa po. Gusto nyo po bang gisingin ko?"

"No. Wag na po. Magiging leon un. Trust me." natatawa kong sabi.

"Kilalang kilala nyo po talaga Sir si Ma'am." nakangiting sabi nya.

"Oo naman po. Trabaho ko po un bilang manliligaw nya. Sige po, tuloy na po ako ah?"

"Sige po Sir." pumasok na ako sa loob at umupo na lang muna sa sofa.

Maya-maya, nakarinig ako ng yabag. Maybe it's Ever.

Sasalubungin ko na sana nang--

"Hi Ever--"

"Who are you?!" she asked me while nakataas ang kilay at nakapameywang pa. Damn. Bakit kinakabahan ako dito sa babaeng ito?

"I'm Christian."

Pinasadahan nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa, para tuloy akong naiinsulto sa ginawa nya hanggang sa may dumating uli at..

"Ate Claire--oh Christian. Andito ka pala." napansin naman nyang namumutla ako at tiningnan nya ung ate 'daw' nya. "Ate Claire!"

"What?" ganun pa rin ang itsura nya.

"You're terrorizing him!"

"I'm not."

"Yes you are." linapitan naman ako ni Ever at nginitian. "Pagpasensyahan mo na si Ate Claire. Masungit yan eh."

"Tell me, nasa lahi nyo ba talaga ang pagiging masungit?" bulong ko sa kanya.

"Shut up. Ganun lang talaga si Ate Claire sayo dahil first time ka nyang makita."

"What?! So you mean di mo man lang ako pinapakilala? Ang sakit ha."

"Tss." tinalikuran nya ako at tiningnan ang ate nya. "Ate Claire, meet Christian, he's my suitor and Christian, meet Ate Claire, my sister."

"Nice to meet you po." sabi ko at nagbow to show some respect.

"Suitor?" naglakad naman sya paikot sa akin. Feeling ko tuloy masyado nya akong sinisiyasat. "Full name."

"Christian Oliveros Greene po." sagot ko.

"Age."

"20 years old po."

"Course."

"BSHRM po."

"Section."

"Athlete Section po."

"Class."

"Basketball Class po."

"Family business."

"Hotel and restaurant po."

"Okay." sabi nya at naglakad na papunta kay Ever. Phew. Nakakatense ha. Nakakahingal sumagot.

"Ate Claire, tinatakot mo naman masyado si Christian." naiinis na sabi ni Ever.

"If I know Laine, tinakot mo din sya nung una." sabi nya at naglakad na palayo.

FSA Series #3: For Ever [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon