ETERNITY 26: Her Past

4 2 0
                                    


Ever's POV

"Bakit ba parang ang bitter mo sa mga playboy? Napaglaruan ka na ba nila?" tanong ni Christian.

"Arthur Jacob Ayap Greene." pagbanggit ko sa pangalan ng pinsan nya. Napakunot naman ang noo nya.

"Anong kinalaman ni Arthur dito?"

"Kaklase ko sya since elementary hanggang high school. He's my first love and he's the first guy who broke my heart."

*FLASHBACK*

"Laine! Mag ayos ka nga! Look at yourself, mukha ka nang manang!" sabi ni Tiffany sa akin.

"Oo nga. Maging pala-ayos ka naman. No offense ha pero pag kasama ka namin, nagmumukha kang yaya." prangkang sabi ni Sophie kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Grabe. Yaya talaga?" -Jade

I know that I'm not the girly type of girl. Hindi ako katulad nina Sophie, Tiffany and Jade. Masyado kasing girly ang get up ng mga yan samantalang ako, tamang t-shirt, jeans and sneakers lang. Ang dami ngang nagsasabi na I'm out of the group. Idagdag pa ang braces ko. Hays.

Hindi ko na lang sila pinapakelman, instead, tatambay na lang ako sa library para magbasa. Kung meron man akong lamang sa mga kaibigan ko, un ay ang katalinuhan ko. Aware kaming lahat na ako ang pinakamatalino sa grupo.

May inspiration kasi ako sa pag aaral. Crush ko sya--no, scratch that--mahal ko sya. He's Arthur Jacob Greene. The campus heartthrob. Actually, kaklase ko sya. Parehas kaming nasa higher section since matalino rin naman sya.

One time, habang may kinukuha ako sa bookshelf, hindi ko maabot. Nakakaasar lang. Magkakalahating oras ko na atang kinukuha ung libro sa taas.

"Here." napatingin naman ako dun sa nag abot at nagulat ako nang si Arthur un. Hindi naman kasi ako napapansin ni Arthur. Kahit ako ang top 1 sa klase, di nya ako napapansin. Ewan ba. Siguro dahil di naman talaga ako kapansin pansin.

"T-thanks." sabi ko at kinuha na ung libro sa kanya.

"You're welcome." sabi nya at naglakad na palayo. Tinitigan ko lang sya habang papalayo. He's really perfect.

-----

"Hay nako. Bakit ba kasi ang loyal loyal mo dyan sa Arthur na yan eh di ka naman pinapansin?" -Jade

"I love him."

"Love? Asan ang love dun?"

"Jade, malay mo, may chance kami."

"Ayusin mo muna sarili mo."

"Ganun ba talaga un? Kelangan kong maging maganda para mapansin nya? Parang ang desperate ng dating."

"Desperate na kung desperate but that's how it works. What would you expect kay Arthur? He's the campus heartthrob afterall. Natural lang na mataas ang standards nya pagdating sa mga babae."

"Ah basta. I don't need to change myself para magustuhan nya ako. I want him to like me for who I am, hindi lang dahil sa maganda ako."

"Sa bagay may point ka. Hayae. Support na lang kita."

-----

"Mr. Greene, you failed your Math subject. You need to understand that you have to take another exam para mai-pasa ka." rinig kong sabi ng adviser namin at nakita ko ngang kinakausap si Arthur.

Pumasok ako ng room para kunin ung nalimutan kong notebook. Un lang naman ang pinunta ko dito then naabutan kong ganto ang scenario na nagwa-1 on 1 pala ung adviser namin at si Arthur.

FSA Series #3: For Ever [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon