Ever's POV
"I don't like what I saw kanina. I'm jealous Ever." nagulat naman ako sa sinabi nya at bago pa ako makapagsalita ay hinigit na nya ako.
"Teka nga Christian! Wag mo namang bilisan ang lakad!" reklamo ko.
Binitawan naman nya ako nang makarating na kami dito sa garden.
"What's wrong with you?!" sigaw ko agad.
"Di ba dapat ikaw ang tinatanong ko nyan? What's wrong with you Ever? Ano ung kanina?"
"For Pete's sake Christian! It's just a show!"
"Then damn that show! Do you really have to show too much skin just for that fucking show?!"
"It's not like ginusto ko rin un!"
"What about the dance?! Do you really have to do that?!"
"It's just a freaking dance! At tsaka bakit ka ba nagagalit ha?!"
"Because I'm jealous! And I don't want anyone else to touch you and look at you like the way that Laurence guy did earlier!"
"Laurence is just a friend!"
"And yet I can sense that he likes you! There's something in the way he looks at you Ever, believe me."
"Well I don't care! Kaibigan ko lang sya. Hanggang dun lang un. Wala ka naman dapat ipagselos!" gosh. What am I saying? I'm already explaining myself to him like I'm his girlfriend. We're already arguing like a couple. What more pa kaya kung maging kami n--ugh. Nevermind.
"Kahit na Ever. Mag ingat ka dun. Hokage un!" napakunot noo naman bigla ako dun sa sinabi nya.
"What's hokage?" bumagsak naman bigla ang balikat nya at nagpoker face sa akin.
"Hokage. Kadalasang gumagawa ng galawang breezy." lalong kumunot ung noo ko.
"What's galawang breezy?" napaface palm naman sya.
"Basta! Manyak yan si Laurence! Mag ingat ka dun!" tss. Manyak lang pala ang gustong iparating, ang dami pang sinasabi. -.-
"So anong gusto mong gawin ko?"
"Layuan mo sya and stay by my side. Safe ka sa akin." this time, ako naman ang nagpoker face.
"Safe?" hinampas ko naman sya bigla sa balikat.
"Ouch! What was that for?!"
"Safe?! Eh kung kaladkarin mo na nga lang ako papunta dito kanina, wagas! Is that what you called 'safe'?!" at pinaghahampas ko uli sya na pilit naman nyang iniiwasan.
"Aray naman Ever! Ano ba?! Aray!" daing nya habang hinahampas ko sya.
Nang mapagod na ako, tinigilan ko na ang paghahampas sa kanya.
"Oh? Napagod ka na sa pananakit sa akin? Dyan ka naman magaling eh, sa pananakit. Wala ka nang ginawa kundi saktan ako. Ilang beses mo na ba ako sinaktan ngayong araw na ito?" pagdradrama nya sa akin kaya binatukan ko sya.
"Wag ka ngang magdrama! Di naman bagay sayo." inayos ko na ang damit ko at naglakad palayo.
"Oy! San ka pupunta?" ramdam ko namang sinundan nya ako sa paglalakad hanggang sa naglalakad na sya ngayon na katabi ko.
"I'm going home."
"Home? Di ka na ba kailangan dun sa show?"
"Kailangan."
"Eh bakit uuwi ka na?"
"Dahil pagod na ako. Duh."
"So ikaw ang batas? -.-"
"Oo. Wala naman na silang magagawa pag nasa bahay na ako eh." napailing na lang naman si Christian sa sinabi ko. Totoo naman ung sinabi ko di ba?
Christian's POV
Hinatid ko na si Ever sa bahay nya. Di na naman sya umangal kasi katulad ng sinabi nya, pagod na sya. Tinatamad na daw syang magdrive kaya iniwan nya muna ung kotse nya sa school.
"Sa ngayon, thankful ako at may manliligaw ako. Merong maghahatid sa akin." biglang sabi nya. "Sunduin mo ulit ako sa Monday ng maga ha?" at bumaba na sya ng kotse ko. Abusado din 'to.
"Goodnight." tumango lang sya bilang response.
Pinaandar ko na ung kotse ko at habang nagdradrive, di ko maiwasang mapangiti. Ewan ko kung bakit masaya ako na okay na kami ni Ever. Ung tipong nakikisama na sya sa akin. Well I guess, hindi naman ganun kahirap pakisamahan si Ever, kelangan lang siguro talaga ng tiyaga at tatag. Hahaha. Tatag syempre kasi kelangan di ka magpapadala sa katarayan nyang taglay. XD
-----
"Good morning." bati ko sa kanya nang lumabas sya ng gate ng bahay nila.
Tumango lang naman ulit sya bilang response.
Pumasok na kaming dalwa parehas sa kotse ko at pinaandar ko na yon.
"How long it has been?" napalingon naman ako kay Ever. "Don't look at me. Focus on the road." sabi ko nga, di ko sya titingnan.
Tumingin naman uli ako sa daan.
"What do you mean by your question?"
"Gaano na tayo katagal magkakilala?"
"Bakit?"
"Basta." inisip ko namang mabuti ung sagot sa tanong nya. Gaano na nga ba kami katagal magkakilala?
"2 months na ata or 3."
"I think it's 4." tamo 'to. Nagtanong pa. -.-
Pero anong sabi nya? 4 months?
"How sure are you?"
"December na ngayon di ba?" tumango naman ako. "August nung sumulpot ka sa buhay ko. Kasagsagan un ng pagpapasa ko ng written works ko eh. Tanda ko, August un."
"Woah. Tinandaan mo talaga ha? Tell me, naiin love ka na ba sa akin?" kita ko sa gilid ng mata ko na sinamaan nya ako ng tingin.
"Wala akong sinabing in love na ako sayo."
"Kaya ko nga tinatanong eh. Yano."
"Tss."
"Pero ano ung sabi mo kanina? May 'na' un eh. Ibig sabihin, maiin love at maiin love ka pa rin sa akin." ngiting ngiti kong sabi sa kanya.
"Whatever." sabay tingin nya sa bintana.
"Whatever means yes." I chuckled.
"Ikaw lang naman ang naggagawa ng kakaibang meaning ng whatever."
"Hahaha! Ikaw kasi eh, di mo linilinaw ang sagot mo. Puro whatever. So I conclude na yes ang ibig sabihin nun."
"Husay mo talaga." sarcastic nyang sabi.
"Syempre. Genius 'to e."
"Tsk."
Nang makarating na kami sa school, pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Natural kasi magkasabay kaming pumasok. Un ang unang dahilan. Ang ikalawa, minsan lang si Ever pumayag na ihatid sundo ng nanliligaw sa kanya kaya I guess, talagang pagtitinginan kami.
Tiningnan ko si Ever at mukhang naiirita na ito sa tingin ng nga estudyante kaya mabilis syang naglakad papalayo sa akin. Tingnan mo un, biglang nang iiwan eh.
"EVER!" tawag ko sa kanya pero di nya ako linilingon kaya huminga ako ng malalim at.. "MRS. EVER LAINE LEE GREENE!" napatigil ang lahat sa sigaw ko maging si Ever.
Dahan dahang lumingon sa akin si Ever habang nakataas ang kilay. Nagbubulungan naman ung mga estudyante at paniwalang paniwala na asawa ko na ito. Hahaha.
"What did you say?"
"Mrs. Ever Laine Lee Gree--" di ko na natapos ang sasabihin ko dahil binato nya ako ng bato. Okay. Brutal na naman sya. Buti na lang at braso ko lang ang natamaan hindi ang gwapo kong mukha.
"I hate you." at naglakad na uli sya palayo. Same old Ever. Tsk tsk.
BINABASA MO ANG
FSA Series #3: For Ever [ON-HOLD]
Teen FictionI believe there's a forever. And this story, it's for Ever. My only forever.